AUTHOR'S NOTE; Kinulang ako sa oras, bukas ko na itutuloy. Pasensya na kung mabibitin kayo. “GALINGAN mo, baby sa school, ha?” anas ko at saka kinalas ko ang seatbealt sa katawan ni ng aking anak. Nasa harapan kami ng pinapasukan niyang academy. Ako ang naghatid sa kanya pagpasok dahil maaga ang exam ni Erin sa university. “Mommy, promise mo, maaga ka'ng uuwi para ipasyal ako, ok?” Naninuguradong tanong ng anak ko sa akin. Kanina pa ito paulit-ulit sa pagtatanong at panay din naman ang assurance ko. Ngumiti ako sabay pisil sa kanyang matangos na ilong. “Of course, baby. Promise ni mommy na gagala tayo pagkatapos ng klase mo. But before that, isuot mo na itong bag mo at pumasok ka na ng school. Baka ma-late ka pa. Come on, baby.” Isinukbit ko sa likuran niya ang may Peppa Pig printe

