KABANATA 83

1168 Words

UMUULAN nang marating ko ang academy ni Twinkle. Nasa labas na ito ng school nang abutan ko. Medyo nahuli lang ako ng dating gawa ng trapik. Natanaw kong naka-upo ito sa bleacher. “Mommy!" kaway nito. “Hi baby, how's your class?" Kinuha ko ang bag nito at isinukbit sa aking balikat. “Good news, mommy. I got a perfect score!" Palakpak nito. “Wow! That's nice, baby!” Naglalakad kami papuntang sasakyan. “Siyempre mommy, ginalingan ko talaga para tuparin mo ang promise mo. Para matuwa ka sa akin. Kasi kapag natuwa ka, ipapasyal mo ako at makakasama kita ng matagal. Am I right, mommy?” Ginulo ko ang nakatikwas niyang buhok. “Oo naman. Basta galingan mo lang palagi sa school para matuwa si mommy. Ganun kasi ang good girl, nag-aaral mabuti.” Bahagya itong ngumuso na tila nagtataka.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD