ALIGAGA akong sinalubong ni Piyang sa labas ng ospital. Pinagpapawisan ang noo nito sa hindi malamang dahilan. “Heina, mabuti naman jusko at dumating ka na!" Literal niya akong kinalakad sa hallway ng ospital. “Sandali nga muna. Huwag kang mataranta. nandito naman na ako." Hinila ko ang aking kamay at huminto. Not minding about the consequence that I will face later. “Kung umakto ka parang its a matter of life and death na ang sitwasyon.” Inayos kong mabuti ang suot na doctors uniform pati na ang buhok. Nakalimutan ko'ng mag-ayos kanina sa kotse dahil busy akong kausapin si Erin at tanungin kung nakauwi na ba sila ni Twinkle sa bahay. Sobrang mabigat sa akin na iwan si Twinkle kay Erin gayong nakikita ko kung paano malungkot ang mukha niya. “Mas malala pa diyan ang sitwasyon.” Frantic

