“OKAY ka lang ba? Mainit ata ang ulo mo? Iyong tungkol kanina, iyong naabutan mo, walang ibig sabihin 'yon," pagbasag ko sa nakabibinging tunog ng aircon. “Dumalaw lamang si Favio para mangumusta at nag-aya na rin siya na manlibre tulad ng naabutan mo.” Saktong umilaw ang red light kaya naman gumalaw ang isang paa ni Dylux sa brake upang huminto nang panandalian. Kasalukuyang tumatawid ang mga tao sa pedestrian lane. Tahimik ko iyong pinanood habang pinakikiramdaman ang atmospera sa loob ng sasakyan dala ng katahimikan. Kalabisan ang ulitin ko ang pagsasalita gayong dama ko namang ayaw niyang makipag-usap sa akin. Umandar muli ang sasakyan pagkaraan ng ilang saglit. Mas lalong nakabibingi ang tunog ng AC. Maya maya ay tumunog ang phone ni Dylux. Kinuha niya ang earpiece at saka inil

