“MALIGAYANG pagdating sa Hacienda Montevista!” Nagulantang kami ni Twinkle sa nabungaran. Matapos kasi ng ilang oras na biyahe ay sinalubong kamin ng mainit na pagbati ng mga pinagsamahang tauhan ng naturang lugar at mga kawaksi. May pa-banner pa silang hawak. Nakakalula tuloy at nakakailang at the same time. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong treatment. Kahit noong palagi pa ako dito sa mansiyon ay kahit kailan hindi ko naman natanggap ang ganitong pagbati. Maybe because, they used to see me a lot. At normal na sa mga tauhan ang pagdating at pag-alis ko sa lugar. Naramdaman ko ang paghila ni Twinkle sa laylayan ng damit ko. “Mommy, what's wrong with them? Bakit lahat sila nakaabang sa atin at nakangiti?” curious na tanong naman nito sa akin. Kung mababait ang mga tao sa Italy, mas

