PAGLABAS namin ng entrance ay naroon na nga si Dylux. Namangha ako nang makita ang bitbit nitong pagkalaki-laking teddy bear at flowers. Siniko ako ni Piyang. “Nag-uumpisa na pa lang magpalakas ang tatay ng inaanak ko.” Tumango naman ako. Mahigpit ko'ng hinawakan ang kamay ni Twinkle. “Mommy, hindi ba siya iyong si Mr. Gwapo sa ice cream shop na dumalaw rin sa akin tapos umalis naman. Ano po'ng ginagawa niya rito? May nagawa na naman po ba akong bad things?” Napaka-inosente talaga ni Twinkle habang nagtatanong ito. “No baby. Wala ka namang bad things na nagawa. Nandito lang siya para dalawin ka.” Paglapit namin kay Dylux ay pumaskil ang malapad na ngiti nito. Tumutok kaagad ang atensyon nito sa amin. “Kamusta ka na Twinkle?” tanong nito. “I'm better naman po Mister," malikot

