“Mommy, I'm okay na po. Don't worry na po sa akin," nakukulitang reklamo ng anak ko sa akin. Paano ay panay ay ang check ko sa kalagayan ni Twinkle. Tapos na ang medication nnito pero hindi pa rin ako mapakali na baka may something na naman sa health nito. Ang sabi ng doktor ay mataas na ulit ang platelets ng anak ko. Wala namang hindi pwede kainin basta mag-iingat na lamang ulit sa mga lamok na may dalang sakit na dengue. Plano ko nga ay magpaalam na sa Tiyong ni Piyang at i-dederetso ko na si Twinkle pauwi muna sa hotel. Atlis roon ay mas safe naman kahit paano. Magpapasalamat na rin ako sa kanila bilang pagpapatuloy sa amin. Siguro ay makakatulong na kay Tiyong ang kaunting cash na balak ko'ng ibigay. Naisip ko na baka mainsulto sila kapag nagbigay ako ng pera kaya ang gagawin ko

