HINANG-HINA pa si Twinkle nang magmulat ang dalawang mata niya. Epekto iyon ng gamot kaya tila grogy iyong bumubuka at sara. “Baby, kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang sa akin. Nandito si Mommy para alagaan ka.” Kaagad ko'ng dinaluhan ang tabi nito at saka hinaplos ang namumutlang pisngi. Kung maputi na ito noon ay mas lalo pa'ng tumingkad ang pale skin nito dala ng kakulangan sa dugo. May bitak bitak rin ang namamalat nitong labi. Mabilis ang naging pamamayat nito. Baka any moment ay i-suggest ng doktor na salinan ito ng dugo. I am already thinking the possibilities. Sa akin unang tumutok ang atensyo okn nito. “I'm okay, Mommy. Medyo hilo lang po ang head ko. Saka masakit po ang tiyan ko. I want to p**e po Mommy. Ang sour po ng pakiramdam ng tiyan ko

