BAKAS na bakas ang gulat sa mukha ni Flinn. Bahagya pa ngang umawang ang ibabang labi nito. I know, he was definitely shocked to my confession. Ang kaibigan niya ang nakauna sa akin at ang ama ni Twinkle. Wala ng mas ikakaloka pa sa rebelasyon na 'yon. ”H-How?” mahina at parang bulong na saad niya. ”How did it happened?" Nilunok ko ang bikig sa lalamunan nang masimula itong umakyat. “W-Well. . . I became one of his girl. Nabuntis at lumayo ako para makalimot. Nasaktan ako nang sobra sa kanya kaya pumunta ako ng Italya. Nag-move on at nagsimula ng panibagong buhay. Not until I saw him again." I sighed. Pagod na pagod ako kahit iilang sentence pa lamang ang nasasabi ko. Hirap na hirap akong bigkasin at aminin. Pero alam ko na dapat ko naman talaga itong sabihin sa kanya. He deserves to kn

