KABANATA 92

2062 Words

“MOMMY!—” Kaagad ko'ng tinakpan ang bibig ng anak ko bago pa ito marinig ni Dylux na ngayo'y nagbanyo lamang sa naturang ice cream shop. “Baby, huwag ka'ng maingay please. Aalis na tayo. Uwi na tayong bahay, ok?” “But mommy, I don't wanna go home pa eh! May ipapakilala pa po ako sa inyong bagong friend ko. He's a man but he's nice. And you know what? He looks like me whenever I'm staring at him. He's like my boy version po! Nilibre nga po niya ako ng ice cream, oh. Look mommy! Ang sarap sarap po!” bibong saad ng anak ko sabay pakita ng ice cream 0na naka-serve sa malapad na baso. Napasapo ako sa noo. Ang baby ko, magaling na makakilala ng mga faces. At sa murang edad ay nakita na nito ang pagkakatulad nila ng kanyang ama. Sadyang maliit na ang mundo para sa amin dito sa Pilipinas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD