“GET out. . .” Ginapangan ako ng lamig at pamamanhid sa boses ni Dylux nang marating namin ang tapat ng clinic ko. Dito ako nagpahatid sa kanya dahil may tatapusin pa ako. Inipit ko ang labi. Nakaramdam ako ng konsensya sa na-i-usal ko sa kanya. I called him walang modo. Somobra ata ako. I cleared my throat, at saka naghabi ng mga salita. “Iyong nasabi ko kanina—” “Ayoko ng marinig 'yan. Sarilinin mo na lang. Lumabas ka na at may pupuntahan pa ako.” Putol niya sa gitna ng pagsasalita ko. Napapahiyang napayuko ako. Mukhang masama talaga ang loob niya. Dapat palamigin ko muna ang ulo niya dahil baka magsalpukan na naman kami kapag ipinilit ko pa ang paghingi ng tawad. Lumabas ako ng sasakyan na may nakadagan na kung anong mabigat sa dibdib ko. Mabilis na pinaharurot ni Dylux ang k

