“BALAK ba tayong paghintayin ng mga kausap mo?" Iritableng sita sa akin ni Dylux. Makapal na ang gitla niya sa noo. Nakaka-intimidate din ang shades niyang suot. Animo'y action star sa mamahaling international movie film. Nakailang tasa na rin ng kape ang loko. Ako ang kinakabahan sa ugali nito e. Hindi sanay maghintay. “Malapit na daw sila. Maghintay pa tayo ng kaunti," sabi ko pa. Nagkapag-abiso naman sakin si Francis via text message na mahuhuli nga ang mga ito dahil mayroong hindi inaasahang nangyari. At sure naman silang makakapunta. Sadyang, minamadali lang talaga ang lahat ng bagay nitong si Dylux. “Thirty minutes, Heina. Kung hindi pa sila darating sa loob ng tatlumpung minuto, I will get you out of here. Sayang ang oras mo dito. Pati na rin ako." Palugit niya sabay tingi

