“Kumpleto na ba ang stocks, Piyang?” “Yes, dok." Tumingin ito sa chart bago ako sinagot nito. “Good for two months na siguro iyon. Hindi na muna tayo bibili hanggat 'di nauubos.” Tiningan ko ang listahan ng mga bagong suppliers na nagpadala sakin at nag-pitched kay Piyang about sa kanilang mga gamot para sa hayop. Wala kasi ako dito sa clinic nang mag-pitched ang representative ng baguhang pharmaceutical na iyon. Masusi ko'ng inisa-isa ang mga iyon. Lahat ng nasa listahan ay puro baguhan. “Dok, may napili na ba kayo ng supplier?” “Wala pa nga e. Hindi ko guarantisado ang bisa ng mga gamot nitong mga nasa listahan mo.” “Kung wala kayong matipuhan, dedmahin niyo na lang," suhestiyon pa nito. Napahilot ako sa sintido. I need to find a supplier dahil nagsara na ang dating supplie

