“DO you have reservation, ma'm?” tanong ng waiter sa akin matapos akong lapitan. Narito na ako sa restaurant na sinabi ni Dyluxsa akin. Kahit badtrip pa dahil sa nangyaring insidente kanina ay nginitian ko ang waiter at sinabing may reservation na si Dylux sa kanila. Chineck iyon ng waiter at kinompirmang mayroon nga. Pagkatapos ay hinatid na ako sa mesang ukopado namin. “May gusto na po ba kayong orderin, ma'am? “Mamaya na lang ako o-order kapag dumating na ang kasama ko,” sabi ko rito. “Okay, ma'am. Just call us if you want something." “Sure. Thank you,” Pangiti-ngit ko'ng pinagmasadan ang buong paligid. Mula sa disenyo hanggang sa mga kumakain. Mabuti na lang at nag-ayos ako ng mabuti. Nakakagaan ng pakiramdam ang klasikong musika ng restaurant. Elegante ang lugar pero iyong a

