TULAD ng napagkasunduan ay kumain nga kami ni Piyang sa labas. Saglit lamang kaming kumain at sinanamahan na niya akong mag-ikot ikot para maghanap ng maireregalo kay Dylux. “Alam ba niyang, pupuntahan mo siya ngayong gabi?" tanong ni Piyang. Nasa loob kami ng department store. Naghahanap ng damit na matitipuhan at babagay kay Dylux. “Hindi." Abala ako sa pamimili ng magandang kulay ng polo shirt. Dahil napansin ko'ng hilig ni Dylux ang magsuot niyon. “I-text mo kaya." Pinakita niya ang indigong polo shirt. Sinuri ko iyon at nang ma-vision na hindi iyon babagay kay Dylux, ay umiling ako. “Hindi na surprise kapag sinabi ko, di ba?” Ibinalik ni Piyang ang polo shirt sa pinagsabitan nito. “Ikaw ang bahala," Lumipat kami sa ibang store dahil wala akong makita na magandang kulay. P

