MATULIN ang paglipas ng araw at buwan. Bihira na rin kami magkita ni Dylux dahil bumalik muli ito sa lugar kung saan nakita ang sasakyan ni Osman at patuloy na naghahanap sa nawawalang pinsan. Minsan isang sa isang araw lamang ito magpadala ng text messages sa akin. Minsan na lamang din ako kamustahin. Limitado na rin ang pagtawag. Minsan wala pa. Iniintindi ko naman iyon dahil nga masiyado itong dedicated sa paghahanap ng kanyang pinsan. May gusto siyang patunayan sa mga magulang ni Osman. Pero hindi ko maiwasang isipin na ginagawa niya lamang iyon para layuan ako. Ginagawa niyang excuse ang paghahanap para hindi kami mag-usap at magkita. Ginagawa niya iyon dahil nagtapat ako sa kanya ng pagmamahal. Napabuntong hininga ako at sumandal sa head rest. Nagnilay nilay sa panlalamig ni Dylu

