MALAKAS ang hampas ng hangin nang makalabas ako ng gate. Binuksan ko ang payong bilang panlaban sa nagwawalang kalangitan. Doon ay tinawid ko ang pagitan namin ni Dylux. Animo'y basang sisiw ang lalaki nang makalapit ako. Nakayakap ito sa sarili na tila nilalamig. Bagsak ang maalon niyang buhok na ngayo'y tumatakip sa kanyang mukha. Bakat na bakat ang maumbok niyang katawan sa suot na white fitted shirt. Naninigkit ang mata nito dala na rin siguro ng malakas na pagbuhos ng ulan. Dilaw na ilaw ang nagsisilbing liwanag sa amin galing sa mga poste. Malaki ang nakuha kong payong. Kaya panatag akong hindi magkakalapat masiyado ang parte ng mga katawan sa ginawa ko'ng pagsulong sa kanya gamit ang dalang payong. “Nababaliw ka na ba? Plano mo bang tamaan ng sakit?" angil ko. Pansin ko ang

