NAGDESISYON kami ni Flinn na sabay nang bumalik sa duty. Sinunod ko ang sinabi niyang first name basis na ang tawagan namin since iyon ang kanyang nais. Siya ang kauna-unahang doktor dito sa ospital na tinawag ko sa unang pangalan. Sa pananaw ko kasi hindi professional ang dating. “What breed of dog is your next patient?” tanong nito nang malapit na kami sa hilera ng mga kwarto. This hospital is private. Karamihan ng mga mga pet animal ay gusto ng may sariling kwarto ang kanilang mga alaga even if it cost a fortune. “It's Labrador Retriever. Nasa room 208 siya," tugon ko. Isa iyong bomb snipping dog. Na kasama ng mga police sa operation at sa kasamaang palad ay hindi inaasahang natamaan ito ng bala. Kasalukuyan na itong nagpapagaling pagkatapos ko'ng operahan noong nakaraang araw. M

