“MOMMY, is this already the Philippines?” Humawak sa kamay ko si Twinkle at itinanong nga iyon. “Yes, baby. Dito ako ipinanganak at lumaki," saad ko. Kabababa lamang namin ng airport. Bagong gising din ito mula sa mahabang pagkakatulog kaya naniningkit pa ang mata nito na parang naalimpungatan. Bakas rin ang pamamaga ng paligid niyon dahil umiiyak ito kanina sa airplane. Nalulungkot dahil magkakalayo sila ng mga friends niya sa academy. Nagtatampo dahil naiwan ang kanyang Ate Erin. Kahit anong pilit ni Twinkle kay Erin na sumama ay hindi talaga pwede dahil importante ang edukasyon ng dalaga. Pinaghirapan ng huli na makapasok sa prestiyosong unibersidad kaya naiintindihan naman iyon ng anak ko. Subalit may kaunting lungkot pa rin para sa anak ko. Hatak hatak naman ni Piyang ang ibang

