MALAWAK ang convention center nang mabungaran namin. Pagpasok namin ay napakarami na pa lang tao. Ibat-ibang lahi. Maingay na nag-uusap ang karamihan sa kanila. Marahil ay magkakakilala na ang mga ito. Ang iba naman ay abala sa pag-tipa sa kanilang laptop at cellphone. Malamig din at fully air-conditioned kaya hindi ka na mag-aalala pa kung papawisan ka. Mataas ang ceiling na napapaligiran ng chandelier. Warm lights iyon na hindi masiyadong masakit sa mata. Nagkikintabang mga pader na tiyak ay yari sa matibay na klase ng metal. Magaan rin ang kulay at kapag tinitigan mo ng matagal pwede ka ng antukin o makatulog. “It's too early. Mamaya pa ang start ng seminar. Do you want coffee?" “Yes please. Mukhang kailangan ko ng pampagising," saad ko naman. “I agree with you. I hate talks al

