HINDI ko alam kung ano na ang gagawin ko. Hindi ko na alam dahil tingin ko ay paliit na ng paliit ang mundo. No, scratch that, hindi mundo ang maliit kundi itong ospital at iyong park na pinasyalan namin. Mantakin ba naman sa dinami dami ng taong makakabanga kay Dianna ay ang pinsan pa talaga ni Dylux—na noong una ay inakala ko'ng kalandian nito sa coffee shop. At sa totoo lang, hindi ko alam na may pinsan pa lang babae si Dylux o sadyang hindi ko lang talaga alam ang lahat tungkol sa kanya. At mas higit lalong hindi ko inakalang makikilala ko ulit ang nakakakilabot na presensya ng pinsan nitong si Eres Juan Montevista—na nakakatandang kapatid ni Osman. Saglit ko tuloy naisip kung kumusta na nga ba si Osman? Simula kasi nang umalis ako papuntang Italya ay wala na akong balita pa kung nat

