NAKABALIK kamin ng matiwasay ni Dylux sa mansiyon mula sa isla. Mababa na rin ang lagnat ko. Hinatid niya ako sa kwarto upang pagpahingain ng maayos. “If you need anything, just call me. Oras oras kitang pupuntahan dito para ipaalalang inumin mo ang gamot. Magpahinga ka na.” Namumungay ang kanyang mata habang nagbibilin. “Yes papa. . ." Nagpipigil akong mangiti. Para kasi itong tatay umakto at ako ang anak na kailangan pang bilinan at takutin, uminom lang ng gamot. Hinaplos niya ang pisngi ko bago umalis at saka niyakap ng walang kasing init. My heart felt warm once again. Matapos niyon ay ganoon lamang nagwakas ang buong araw. Walang naganap bukod sa muntikan ng masunog ang bahay sa isla. Nagkasakit pa ako ng wala sa oras. Matuling lumipas ang mga araw at linggo ay nag balik normal

