PAGLABAS ko mula sa pambabaeng spa area ay sumalubong kaagad sa akin ang bulto ni Dylux. Mukhang tapos na rin itong magbabad sa spa at nakasuot na ng T-shirt at short, kapareho ng mga nandirito sa sauna. Pati na rin ako. May towel sa ulo na tabingi ang pagkakalagay. Kahit sa napakasimple nitong suot ay umaapaw ang makamandag nitong karisma. Pawisan ang mukha pero angat pa rin ang kagwapuhan. Napakakinis ng balat kahit tumatagaktak pa ang pawis nito. Nakakahiya naman sa mga nagsusulputan ko'ng pores sa mukha, na kahit ilang pahid na ako ng rejuvenating set ay marami pa ring sumpa. “Kanina ka pa tapos?” Nilapitan ko siya at inayos ang towel sa kanyang ulo. Hinayaan lang naman ako nito sa ginawa. “Sakto lang," turan nito. “Halika na," yaya ko kapagkuwan. “Saan?” Aba, marunong na rin ma

