KABANATA 62

1500 Words

ISANG katok sa salamin ng sasakyan ni Dylux ang nagpabalik sa amin sa realidad. Nakatulog pala kaming dalawa pagkatapos ng mahabang bakbakan sa kotse nito. Pagmulat namin ay nataranta ako dahil mukha ng mga tanod ang kumakatok roon. Hindi lamang isa kundi tatlo ang mga ito na matiyagang nakatayo sa gilid ng sasakyan. Pilit na sinisilip ang loob na tila naghahanap ng bakas kung may tao ba. Kahit pa tinted ito ay madali akong nagbalot ng katawan dahil nananatili kaming hubat-hubad. Gawa ng kapaguran kagabi ay nakatulugan ko na lamang ang hindi magsuot ng damit. Nawala rin sa isip ko na nasa loob pa pala kami ng sasakyan dahil sa pagkakomportable ng pagkakatulog ko. Pakiramdam ko kagabi ay naubos ang lakas ko sa ginawa ni Dylux sa akin. Walang kapaguran niya akong pinaligaya at pinarusahan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD