SOBRANG diin pagkakahawak sa aking batok ni Dylux. May gigil at pagnanasa na kasama sa kanyang bawat paggalaw ng labi sa akin. Marahan ko siyang itinulak bilang pagtutol ngunit nagpadayon ito sa ginagawa na siyang gumising sa aking nananahimik na birtud. Para akong kandila na sinindihan lang, bumigay na agad ang katawan, natunaw ang mga tuhod at tuluyang nagpatihulog. Nagumpisang magliyab ang init sa akin at kaagad na tumugon sa nagugutom nitong kapangahasan. Animo'y bihasa rin namang ipinanlaban ko ang sariling dila sa kanyang praktisadong mga halik. Ipinulupot ko ang aking dalawang kamay sa kanyang batok at masidhing nagkipagtuligsa sa mapupusok nitong labi. Dumausdos ang basa niyang labi sa aking leeg at maliliit na sinipsip ang aking makinis na balat. Napaliyad ako at saka binigy

