MALAKAS ang tugtog ng banda sa harapan ng stage. Kapado ng mga musicians ang mga instruments. Maganda ang boses ng vocalist kaya naman sobra ang aliw ko sa panonood. Itong huling kanta nila ay sinabayan ko na dahil isa sa mga paborito ko ang piyesa na nakasalang. Dumikit sa akin si Favio upang akbayan ako. Hinayaan ko lang ito dahil simpleng akbay lang naman iyon. Hindi ko rin inaasahang mag-eenjoy ako kasama siya ngayong gabi. Nawala iyong pagkailang ko sa kanya dahil hindi naman siya umaakto sa harapan ko ng maari kong ikailang. May mga bagay siyang pinagyayabang pero justified naman iyon dahil mayroon naman talaga siyang ipagmamalaki. Marami siyang naikwento tungkol sa pamilya niya. Hindi siya laking mayaman pero dahil sa pagsusumikap niya ay narating niya ang buhay na pinapangarap

