“DOK, may batang nakagat ng aso. Dito dinala ng nanay, anong gagawin natin?” Napalinga ako kay Erin. Nakasilip ito sa emergeny room. Patapos na ako sa aking kasalukuyan na ginagamot. Isa itong aso na nasugatan sa parte ng abdominal body, nagmula ang tinamong sugat sa pagkakabundol nito sa 'di umano'y rumaragasang sasakyan. Mabuti at nailigtas ko ito bago mahuli ang lahat, kahit halos mag-50/50 na ang buhay ng kawawang hayop. Ibinaba ko ang surgical mask. “Bakit dito raw dinala?” tanong ko, sa tonong curious at hindi para tumutol. Ginupit ko ang sinulid at maayos na binuhol iyon upang hindi bumuka ang sugat ng aso. “Wala daw tumatanggap sa kanilang ospital dahil walang pera. Nagbabaka-sakali silang mabigyan niyo ang anak nila ng paunang lunas. May rabbies daw kasi iyong aso na nakakag

