NANLAKI ang mata ko nang makita ko ang screen ng phone ko. My gosh. Binasa ko mabuti kung kanino nanggaling ang fifty missed call. It's from Dylux. Dali dali akong bumangon sa pagkakahiga at nag-call back pero naka-turn off na ito. Nakakainis! Bakit hindi kami magtagpo? “Oh, bakit ang aligaga ka ata?” Lumabas galing sa banyo si Piyang habang nagsisipilyo. “Tumawag pala sa akin si Dylux, hindi ko naman nasagot.” “Ah. . . sayo pala iyong nag-ri-ring kagabi. Akala ko sa mga bodyguard na nasa labas ng pinto.” “Narinig mo? Bakit hindi mo ako ginising?” Inis ko siyang tiningnan. “Malay ko ba. Inaantok na rin ako kagabi kaya hindi ko na lang pinansin.” “Nakakainis ka naman, Piyang e!” Nagpapadyak ako na parang bata. Literal na ganoon talaga ang pakiramdam ko dahil naiiyak ako sa inis.

