“MARAMING salamat, dok. Ang ganda mo po pala sa personal. Akala ko chismis lang iyong usap-usapan ng mga kumare ko na umattend sa programa ni mayor noong isang araw," papuri ng pet owner sa akin. Kasalukuyan ko'ng sinusuri ang alaga niyang pusa. Isa itong lahi ng persian. Maganda ang kulay ng mata at mamahalin. Tumakas ang ngiti sa labi ko. “Pakisabi po sa mga tsumismis sa inyo, ma'am salamat. Kaya pala marami akong consultation ngayon ay nabudol sila sa ganda ko." Idinaan ko sa biro ang pagkailang. Hindi talaga ako sanay na pinupuri na maganda. Hindi naman kasi ganoon ang tingin ko sa sarili. Sakto lang ang itsura ko at may katamtamang kulay ng balat. Simpleng babae na hindi ikakakontento ng isang lalaki. Dumamplis na naman sa isipan ko si Dylux at iyong babaeng kasama niya. Kahit pigi

