“SANDALI, sandali, ha. Tama ba kamo ang narinig ko, may girlfriend na si Dylux at magpapakasal pa?” Tumaas ang tinig ni Piyang sa buong sulok ng kwarto. Huminga lang ako ng malalim bilang tugon. Nasabi ko na kay Piyang ang lahat. Kahit ilihim ko pa kasi, kung makikita naman niya akong walang kabuhay buhay at iiyak na lang sa tabi, mas lalo lang itong maguguluhan sa pinoproblema ko kapag hindi ako nagsabi. Gulat na napatayo si Piyang galing sa pagkakaupo sa aking kama. “Putang ina ng lalaki na 'yon! Kaya pala nawala na lang ng basta ang amor ko sa taong 'yon! Wala siyang kwenta! Napakapanggagalit siya!” Mas lalo kong isinubsob ang mukha sa kama. I felt numb and hopeless. Hindi na ako masiyadong umiiyak pero iyong puso ko pakiramdam ko ay sasabog. Tumitibok na lang para hindi magmahal

