ILANG minuto akong nakasandal sa headboard ng upuan ng aking sasakyan. Nasa tapat ako ng building ni Piyang ngunit wala pa akong planong umakyat sa unit niya. Pinahuhupa ko muna ang bigat sa dibdib ko bago ako lumisan. Namamaga ang bahagi ng aking mata mula sa mahabang pag-iyak. Siguradong kapag nakita ni Piyang ang kalagayan ko'y, maiiskandalo ito ng wala sa oras. Or worst, mas mapabigat pa niya ang suliranin ko. Ang kailangan ko ngayon ay mapag-isa. Magkapag-isip ng matino. Pero kahit anong gawin ko'ng pagbibigay ng benefit of the doubt sa ginawa ni Dylux ay hindi ko matimbang ang sakit kaysa sa saya na naranasan ko sa kanya. Nagtatalo iyon at isa lang ang nais na manalo. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin niyon e, kaya tayo nasasaktan dahil hinayaan nating pasayahin tayo ng impor

