CHAPTER 12

2747 Words
"Ang mabuti pa umuwi ka na Clara at sabihin mo sa mama mo ang kalagayan mo na 'yan! Dapat ay malaman 'yan ng mama mo na buntis ka!" huwag ka magsinongalin sa magulan mo! Sa ganun hindi sila magalit sayo" yang Payo ko sayo bila isang ina! at bilang pamangkin. "Para hindi 'yung bigla na lang niya malalaman sa iba o sa ibang bagay na buntis ka!" Parinig din nito sa anak niya si Sandy. "Mas masakit 'yon sa isang ina sa iba pa niya malalamang ng buntis ka! Mas mabuti ng maaga mo sabihin sa kanya ang kalagayan mong 'ngayon!" "Maaa! naman, sasabihin ko naman sana sa 'yo kaso naunahan mo lang ako," apila ni Sandy. Natamaan siya eh at napayuko rin siya ng ulo. Nakaramdam din siya ng hiya sa Mama niya. "Ano'ng ibig mong sabihin, Tita?" Nagtaka tuloy si Clara sa kanila. Napahalukipkip si Aling Yolanda saka napabuntong-hininga. "'Yang pinsan mo! Parehas mo rin na buntis at ayaw pa ipag tapat sakin!" At anong bilog ng mga mata ni Clara na napatingin sa katabing si Sandy. "Weh? Buntis ka? Oo nga! Di nga?" Inirapan ni Sandy ang ina. Chismosa talaga! Pero ano bang magagawa niya sinabi na ng ina niya eh kaya tumango na lang siya sa pinsan. "Oo totoo buntis ako Clara! "Si-sinong nakabuntis sa 'yo? Tao ba?" Oo Naman alangan hayop! Hindi pa rin makapaniwala si Clara. Sa isip-isip kasi nito ay wala pa ngang nanligaw kahit isa kay Sandy dahil sa hitsura nito, saka NBSB pa nga ito, tapos buntis agad? As in agad agad?! Ano kaya 'yon?! Himala?! Iwan ko sa'yo kung ayaw mo maniwala di wag? "'Yung kaklase niyo raw! Si Louis ang ama ng anak niya!" Si Aling Yolanda ang sumagot dito dahil ayaw magsalita ni Sandy, Napanganga na talaga si Clara. Tingin ito sa pinsan mula ulo hanggang paa. Mas hindi ito makapaniwala. ano tingingin mo jan Clara? "Alam mo ba ang bahay n'on?! Sugurin natin! Dapat ay panagutan niya si Sandy!" ani pa ni Aling Yolanda na nanggigil na naman. "Maaa naman! Hindi naman kailangan gawin pa 'yon eh!" please Maaa ayaw ko na muna ipaalam kay Louis! kontra rin na naman ni Sandy sa ina. Kung siya lang ang masusunod ay desidido siyang huwag nang ipaalam pa kay Louis ang kalagayan niya. Kawawa lang si Louis na makantyawan ng mga tao. "Kaya ko namang buhayin ang anak ko kahit mag-isa lang ako! Saka alam ko, 'di rin naman ako matitiis ni papa! Syempre anak niya Ako at apo niya 'to, pinagbubuntis ko eh!" Kaso ay dinuro siya ni Aling Yolanda sa noo. "Huwag ka ngang tanga! Akala mo madali lang magpalaki ng anak! Sipain kita riyan, eh!" "Maaaaa please please!" "Ano bang nangyari bakit nabuo 'yan?" usisa ni Clara na nagpatigil sa pagtatalo ng mag-ina. Ayaw pa rin sanang maniwala nito pero kailangan na nitong maniwala. "Noong nag-inuman tayo! Parehas kaming nalasing, nagising na lang kami na nasa silid na kami, tapos ay wala kaming maalala!" "Talaga?" Napakunot-noo si Clara. May naalala kasi ito noong gabing 'yon. Kasi nagising siya eh kasi naihi ito at oo nga, nakita nitong karga ni Louis noon si Sandy papasok sa silid. Pero nang bumalik ito sa sala pagkatapos nitong umihi ay nakita nito ulit ang binata na nakahiga na sa sofa. Tapos ay natulog din ulit si Clara sa lamesa dahil nahihilo pa rin ito no'n. pero hindi niya ring alam pagkatapos noong dahil natulog na ulit si "Clara, Bakit pinsan?" untag ni Sandy sa pinsan dahil natahimik na si Clara. "Paano nangyari 'yon?" sambit ni Clara sa sarili na takang-taka pero ito rin ang sumagot sa tanong nito. "Baka nang natulog ako ulit ay bumalik si Louis sa silid at doon na nangyari 'yung hindi dapat na mangyari" "Hoy Clara!" kalabit na ni Sandy sa pinsan niya dahil nahulog na talaga sa malalim na pag-iisip ang pinsan. "Huh?!" Gulat bahagya si Clara nang magbalik ito sa sarili. "Anyare sa 'yo?" "W-wala!" "Huwag mo isipin masyado 'yang kalagayan mo. Sigurado matatanggap din 'yan ng Mama mo! Basta sabihin mo na agad sa kanya 'yan!'" Sabi ni Aling Yolanda sa pamangkin, "Natatakot talaga ako, Tita, eh!" "Eh, normal lang na matakot ka dahil sino namang ina ang hindi magagalit sa anak na nagpabuntis ng wala sa oras?!" Nagkatinginan ang mag-pinsan. Ginagap ni Sandy ang isang kamay ni Clara. "Kaya natin 'to!" pagkuwa'y pampalakas-loob niya rito at sa sarili niya na rin. "Bukas sabay na tayo pumasok sa school." "Pero para ano pa?" "Clara, kailangang makatapos pa rin tayo ng pag-aaral! Para sa magiging anak natin!" "Tama si Sandy! Pumasok pa rin kayo!" Sang-ayon ni Aling Yolanda sa sinabi ng anak. Buti naman at nakakaisip pa rin pala ng maayos ang anak. "Pero, Maaa, pwede bang huwag na muna nating sabihin ito kay Louis please Maaaa?" "Bakit ba ayaw mong ipaalam ito sa kanya? Siya ang ama kaya dapat niyang malaman! Ginawa niya 'to kaya dapat niyang panagutan!" "Maaa please, ayoko naman na masira ang buhay niya dahil lang dito. Tapusin muna natin ang semester na ito. Naisip ko kasi baka mawawalan na siya ng ganang pumasok dahil sa kahihiyaan kapag ipaalam natin ngayon 'to! 'Di ka ba makokonsensya, Maaa? kung masisira ang pag-aaral niya dahil lang sa hindi tayo maka-pag-antay?! Ilang buwan na langa naman na, eh!" Napaisip si Aling Yolanda. Hindi ito naka-imik agad. "Oh sige pero oras na matapos ang semester na ito ay ipangako mo sa 'kin na sasabihin mo na sa kanya 'yan!" Nakahinga siya ng maluwag. "Salamat po, Maaa!" I'm sorry Maaaa! SAMANTALA sa school ay 'di mapakali si Louis. Tinutuktok niya ang ballpen niya sa desk habang panay ang sulyap niya sa wallclock sa kanilang classroom, dahil naiinip na siya! Naiinip na siya dahil wala pa rin si Sandy! Magsisimula na ang klase pero wala pa rin ito. Anong nangyari kaya ro'n? Dati naman ay ito ang pinakamaaga na pumapasok, eh. "Louis, can we talk?" Lapit ni Cassy sa kanya na bagong dating. Galit ang mukha ng dalaga. Bulungan ang mga kaklase nila. Gyera na naman! Alam na kasi nilang lahat na si Cassy ang magiging future girlfriend daw ni Louis, dahil pinagkalat na ng dalagang transferee na sila ni Louis ay pinagkakasundo na ng mga magulang nila. "Gusto kong pag-usapan natin 'yung nakita ko kahapon!" Simpleng tingin lang si Louis sa dalagang papansin na naman. "Ano ba 'yon?!" Tumingin muna si Cassy sa mga kaklase. Ang totoo ay gusto nitong ipahiya ang babaeng pangit na iyon sa harap ng kaklase nila pati na rin si Louis. "Ano'ng pinakain sa 'yo ni Sandy at pinupuntahan mo pa siya sa bahay nila?" "Oo nga! Nakita ko rin 'yon, yumakap pa sa 'yo ang babaeng pangit na iyon!" segunda ni Karra. Plano nila ito kagabi pa. Sayang lang at 'di pala yata papasok ang pangit na iyon. Mas maganda sana ang palabas, eh. Awtomatiko na nagsalubong ang dalawang kilay ni Louis. Ang sama na ng tingin niya sa dalawang dalaga. Lalong lumakas ang bulungan ng mga kaklase nila. "Eww! Turn off naman! Nagpapayakap siya sa nerd at ugly na babaeng 'yon!" Dinig niya na bulong ng isa nilang kaklase. "Sayang lang ang guwapo niya kung papatol siya sa babaeng 'yon!" sabi pa ng isa. "Kadiri naman!" sabi rin ng isa. Mga gunggong! Sa isip-isip ng binata. Biglang lapit din si ricks sa kanya. "Totoo 'yon, Dude?" at 'di makapaniwalang tanong sa kanya ng kaibigan. "Kung gano'n si Sandy pala 'yung lagi mong kasama na sinasabi mo?" Lalong na-shocked ang lahat sa sinabing iyon pa ni ricks........ Maangas na tumayo si Louis at hinarap si Sandy. Tiningnan niya ito ng masama, as in masamang-masama! Saka inilapit ang mukha niya sa tenga ng dalaga at may madiing binulong dito. "Oras na mananakit ka ng tao rito sa school na 'to! Ako ang makakalaban mo! Kakalimutan ko na babae ka!" Napasinghap sa hangin si Cassy. Hindi makapaniwala ang hitsura ng dalaga. Saka ang mga kaklase naman nila ang hinarap ni Louis. Wala siyang sinabi, tiningnan niya lang ang mga ito ng masama lalo na si Rick's na kaibigan pa naman niya. Naiinis siya dahil pati ito ay nakikisali sa walang kwentang bagay na ito! "Dude?!" tawag sa kanya ni rick nang nagpasya siyang huwag na lang um-attend ng klase. Nakapamulsa siya na umalis roon na basta-basta at walang lingon-lingon. Sa hallway ay nakasalubong niya ang professor nila pero parang wala siyang nakita. Nakakabanas na lahat ng tao sa school na 'to. Lahat na lang ay nakikita sa kanya! Bwisit! Ano bang mali kung nakikipag-kaibigan siya kay Sandy? Buti nga si Sandy totoong tao, eh. Walang kaarte-arte sa katawan. Hindi tulad nila na kagwapohan at kasikatan lang niya ang inaasam. Napapailing na lang siya na sumakay sa kotse niya, uuwi na lang siya. "Louis?!" pero nagulat siya ng madatnan niya sa bahay nila ang Mommy niya. May dalang maleta ito na parang paalis. hayy ano to nangyayari sakin puro kamalasan yata, Napabuga siya ng hangin, what a life! Grabe! Ang saya-saya! "Louis, anak let me explain!" Subok sana ng Mommy niya na kausapin siya pero what for? Mabilis siyang pumasok sa silid niya at doon nagkulong. Binagsak niya ang katawan niya sa malambot niyang kama. Kinatok siya ng ina pero nag-headset siya. Wala na siyang pakialam, dahil wala ngang pakialam ang mga ito sa mararamdaman niya, Ayaw ko siya kausap magigin magulo ng family naman eh. Umalis sila kung gusto nilang umalis! At blangko ang utak niyang napatitig siya sa kisame. Tulad niya si Sandy na nakatitig din sa kisame ng silid nito sa mga oras din na 'yon. Parehas sila pero kabaliktaran ni Louis ay ang daming iniisip ng dalaga. Iniisip ni Sandy kung paano niya palalakihin ang anak. Kung masakit ba ang manganak? Kung sino ang magiging kamukha ng bata pero sana si Louis? At madami pang iba... "Haaaaaayyyy!" ang haba ng buntong-hininga niya. Sana lang makayanan niya kahit mag-isa lang siya na buhayin ang anak niya dahil ang totoo ay wala talaga siyang balak sabihin kay Louis ang pagbubuntis niya. Kahit pa nangako siya sa mama niya. Bahala na siguro! Kinabukasan ay maaga siyang nagising na parang walang pinoproblema. Tulad ng nakasanayan ay ligo, kain, bihis at papasok na siya sa school. Sinabi niya sa sarili niya na back to normal na muna siya, huwag na muna siyang mag-iisip ng kung anu-ano. Sa ngayon ay ipagpapatuloy niya muna ang pag-aaral habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. "Maaaa, pasok na po ako!" paalam niya sa ina. "Teka! Teka!" "Bakit po?" "Ito dalhin mo 'tong white flower at baka biglang sumama ang pakiramdam mo. Ganyan ang nagbubuntis, masilan!" Umasim ang mukha niya. "Maaa, mag 2 months pa pong ang tiyan ko. bago mag tatlo buwan ang tiyan ko baka duon ka maranasan pag lilihi ko, kaya huwag muna kayong mag-isip ng kung anu-ano" "Haaayy! Mainam na 'yung naghahanda ka sa mga mararamdaman mo!" pero giiit ng ina niya. Napangiti si Sandy sa ina. Buti na lang at binigyan siya ni Lord ng inang maunawin. "Sige po." Kinuha na nga niya iyon at inilagay sa bag niya saka umalis na.Si Louis. kinailangan pang gisingin na naman ng Yaya Chade niya. "Pasok na po ako," paalam nito sa mabait niyang taga-alaga. "Louis, okay ka lang ba talaga?" Napatingin ang binata sa Yaya niya. "Tayo na lang ba talaga rito, Yaya?" Malungkot na tumango si Yaya Chade niya sa kanya. At mapait siyang napangiti. "Hayaan niyo na po! Mas masaya naman kung tayo lang dalawa, 'di ba?" "Pero Louis--" Tinapik niya ang balikat ng kanyang Yaya. "Huwag po kayong mag-alala, okay lang ako! Hindi po ako maapektuhan sa kanila!" Hindi naniniwala si Yaya Chade na okay lang ang alaga nito pero tumango na lang ito. Dahil alam nitong matatag na bata noon pa man si Louis. Nagtitiwala si Yaya Chade na hindi sisirain ni Louis ang buhay nito dahil sa paghihiwalay ng mga magulang. "Aalis na po ako." "Sige mag-iingat ka. Mag-aral kang mabuti." Ngumiti si Louis ang sarap pakinggan n'on. At siguro mas masarap pa 'yon pakinggan kong Mommy o Daddy niya ang nagsasabi n'on sa kanya ngayon tulad noon. Pero asa pa siya! Wala na! Pinaharurot niya agad ang kotse niya, makaalis lang ulit agad sa bahay na iyon. SA SCHOOL.. Gulat na gulat si Sandy dahil ang daming kapwa niya estudyanteng humarang sa kanya. At ang sasama ng tingin sa kanya. Ano na naman kaya ito? Sa di-kalayuan, makikita sina Karra, Cassy at rick na nakatingin. Nakangisi sila at nakahalukipkip. Nag-aantay sila sa magandang palabas na mangyayari maya maya lang. Napayuko ng ulo niya si Sandy. "Excuse me," aniya para makadaan sana pero hindi kumilos ang mga estudyante. Sa halip ay mas naging nakakatakot pa ang tingin nila sa kanya. "Ikaw! Layuan mo si Louis! Mahiya ka naman sa pangit mong mukha!" sabi ng isang matabang estudyante. "Oo nga! 'Di kami papayag na mapupunta lang sa tulad mong pangit ang campus crush na si Louis!" sabi rin ng isa. "Kung mapupunta lang din naman siya sa 'yo! Eh 'di sa 'kin na lang! Mas malayong mas maganda naman ako sa 'yo, noh?" sabi rin ng isa pa. Napakunot-noo siya. Ano bang sinasabi nila? Naguguluhan siya! "Basagin na natin 'yang mukha ng makapal na 'yan!" At mas nahintakutan siya sa sinigaw ng isa pang estudyante. Napaatras siya. "Hindi ko alam ang sinasabi niyo!" aniya habang paatras ng paatras, naiiyak na siya sa sobrang takot. "Humanda ka sa 'min!" At sumugod na nga ang mga ito sa kanya. "Eiiiiihhh!" tili niya nang pagkaisahan siya. Sinabunutan siya sa buhok, kinalmot at kung anu-ano pa! Buti na lang at dumating agad ang mga guwardya. "Itigil 'yan!" saklolo agad ni xander sa kanya. Niyakap siya nito, pinanggalang nito ang katawan para maprutektahan siya. "Tama na!" sigaw ng isa pang guwardiya. "'Yang babaeng 'yan ang patigilin niyo sa paglalandi sa crush namin!" bulyaw ng isang estudyante na gusto pa ring sugurin si Sandy "Ang kapal ng mukha niyan! Hindi niya yata pa rin alam na ang pangit niya!" Ayaw ring paawat ng isa. Patuloy ang kaguluhan. Habang sa tabi ay halos pumapalakpak na si Karra sa pinapanood na eksena, at si Cassy na napapangisi naman. Ang hindi natutuwa ay si rick, hindi nito kasi alam na gano'n kagrabe ang gagawin kay Sandy. "Hindi kaya mas magalit sa 'tin nito si Louis?" nangangambang anito. "Wala akong pakialam! Ang gusto ko lang ay bigyan ng leksyon ang babaeng pangit na 'yan!" madiin na sagot ni Cassy. Kamot-ulo na lang si rickd, ang totoo ay naaawa na ito kay Sandy. "Sabing tumigil kayo!" Hindi na namalayan ni Xander na naiputok nito sa taas ang baril nito. Kahit alam nitong ikakapahamak nito iyon sa trabaho nito, dahil bawal 'yon! Na siya namang nagpatigil nga sa kaguluhan. Nahintakutan ang mga estudyante. May mga napayuko at napatili sa lakas ng putok ng baril ni Xander. Si Sandy ang napadilat sa binata. Si Xander, nahimasmasan pero wala na itong magagawa at para tigilan na lahat ng estudyante ay sinagad na nito ang ginawa. "Sige! Saktan niyo pa si Sandy! Para masaktan ang bata sa sinapupunan niya!" sabi nito na disperado nang ipagtanggol si Sandy. Shookt ang lahat. "Oo buntis siya! At si Louis ang ama pinag bubuntis niya!" dagdag pa ni Xander. Halos himatayin ang mga estudyante sa sinabing iyon ni Xander. Lalo na si Cassy na nanghina ang tuhod sa sobrang shocked. Napakapit ito kina rick at Karra. "L-xander?!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Sandy naman sa pangalan ni Xander. Bakit? Bakit mo sinabi kanila 'yon?......... Xander nahihilo ako at nanghihina, halikana dito kana muna Sandy baka maapo yan baby mo! Takang-taka si Louis pagpasok niya sa campus. Ang lahat kasi ay parang ilag na sa kanya ngayon at kung makatingin sa kanya ay parang mga diring-diri. Mailap ang mga mata niya habang naglalakad. Nakikiramdam siya. Ano bang nangyayari? Ibang-iba kasi ngayon ang mga kapwa niya estudyante. Kung noon ay puros paghanga sa kanya ang nakikita niya sa mga ito, ngayon ay parang lahat pangungutya. 'Yung bang ang mga tingin sa kanya ay kay dumi niya ngayon, tapos nagbubulungan pa at nagtatawanan pa. Chineck niya ang kanyang sarili. Pkay naman, ah! Bagay naman sa kanya ang outfit niya ngayon. Simpleng t-shirt na white at maong pants. Sigurado siyang bagay sa kanya 'yon dahil lagi naman ganito kasimple ang porma niya. Simpleng rugged. At malinis naman. Napapailing siyang tingin sa mga ito, pero sa tuwing titingin siya ay iniiwas naman ng mga ito ang tingin sa kanya. Takang-taka na talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD