Takang-taka na talaga siya, may nangyari ba talaga? Hanggang sa isang kaklase niyang lalaki ang nakita niya at marahas niya itong hinila at tinanong "Anong nangyari?" "Ha?" maang-maangan ang kaklase niya. "Sabi ko anong nangyayari? Bakit lahat ay kung makatingin sakin ay parang mga ewan?" Napakamot sa ulo niya ang kaklase "Ahmmm kasi nalaman na nila ng buntis daw si Sandy, At ikaw daw ama na pinag bubuntis niya sabi ng mga studyantin kanina! Lalong napakunot noo si Louis "Anong nalaman na nila?" Hindi na nakasagot ang kaklase niyang iyon pangalawan tanong niya dahil nagtatakbo na ito palayo dahil nakita nito si Karra papalapit Kay Louis.
Hinayaan nalang niya at hinintay nalang ni Louis ang paglapit sakanya ng dalawang dalaga si Karra at Cassy. pumamulsa siya, alam na niya! May kinalaman na naman ang dalawang babaeng to sa kaguluhan! "May dapat tayong pag-usapan Louis!" halukipkip sakanya ni Cassy na mugto ang mata. Mukhang umiyak ang dalaga.
"At Ano naman yun Cassy pag usapan nating?" maang niyang tanong ni Louis kay Cassy? "Totoo ba yung sinabi kanina ni kuya guard!?" di na nagpaligoy-ligoy pa si Cassy sa tanong niya kay Louis?. "Ang alin tinutukoy mo Cassy?" lalong naguluhan siya.
"Na.." naluha si Cassy, sabi na nga ba niya't umiyak ito, pero bakit? Nag punas muna ng luha niya si Cassy bago tinuloy ang tinatanong niya kay Louis, "Totoo ba Na buntis mo si Sandy at ikaw daw ang ama?!"
Parang tumigil ang ikot ng mundo sa pakiramdam ni Louis sa narinig niya, ano daw si Sandy buntis? Napanganga siya at walang salita agad na lumabas sa bibig niya.. shock siya! Shock na shock! Parang pasabog yun sakanyang pandinig hindi siya makapaniwala nag bunga isang gabi pagtatalik! "Narinig halos lahat ng mga estudyante dito ang sinabing iyon ni kuya guard! Totoo ba yun Louis ng may nangyari sa inyo?" si Karra Hindi siya umimik, naningkit ang kanyang mga mata at napaisip siya ng malalim, kung ganun nabuo ang isang beses na pangyayaring yun sa pagitan nila ni Sandy at ni Louis?! Oohhh may God!!
"Louis sagutin mo kami!" tumaas na ang boses ni Cassy at rumagasa na ulit ang mga luha nito sa mata. Tuluyan na itong naiyak. Nag pakawala ng malalim na buntong hininga si Louis, ayaw niyang sagutin iyon! Gusto niya munang makausap si Sandy tungkol sa bagay na iyon!
"Louis ano ba! Sumagot ka sa mga tanong ko! Sabihin mo sakin! Sabihin mo sa lahat na hindi yun totoo!" nagwala na si Cassy, binayo-bayo nito ang dibdib ni Louis dahil sa subrang sama ng loob.
Pero embes na sagutin yun ni Louis ay tinanong kung "Nasan si Sandy ngayon?" tanong niya si Cassy ng umiiyak.
Isang malaks sampal tuloy ang napakawalan ni Cassy dito.. "So sinasabi mo ba na totoo yun?!!" Hindi parin siya umimik, masakit ang sampal ni Cassy pero hindi niya ito inalintana! Si Sandy ang laman ngayon ng isip niya, kailangan niya itong makausap! Kaya naman walang sabi-sabi ay tinabig niya ang dalawang dalaga para makadaan siya! Hahanapin niya si Sandy! Kailangan niya itong makausap!
SAMANTALA ay nanlulumo si Xander na lumabas sa opisina ng principal, pagkatapos ng ginawa niyang pagpapaputok ng baril ay agad siyang pinatawag at tulad ng inasahan niya ay tinanggal nga siya agad sa trabaho hindi Ng niya alam gagawin niya ngayon dahil isang iglab nawala ng sa kanya trabaho niya!
"Xander?" tumayo agad si Sandy mula sa kinauupuan nang makita na niya si Xander na lumabas sa opisina. Matiyaga siyang nag hintay doon para sa binata. Takang napatingin si Xander kay Sandy sakanya, nagkatinginan sila ng ilang minuto, pag kuway ngumiti si Xander para sakanya. Lumapit siya dito "Anong sabi?" malungkot na tanong niya kay Xander.
Ngumiti ulit ang binata pero di maikakaila ang lungkot nito "Wala na! Tinanggal na ako" tapos ay sagot nito. Natutup ni Sandy ang bibig. Hindi niya alam ang sasabihin sa binata. Basta ang alam niya ay seguradong kay bigat ngayon ang nararamdaman ni Xander. Nawalan ito ng trabaho na wala sa oras dahil lang sa nangyaring iyon. Di niya namalayan na tumulo ang mga luha niya para dito, I'm sorry Xander kung hindi dahil sakin hindi mawala sayo ang trabaho mo ngayon!
"Oh bakit ka umiiyak?" tanong ni Xander sabay punas ng masuyo sa mga luha niya sa pisngi.
Lalo tuloy nag-iiyak si Sandy sa kanya, ang bait ni Xander! Hindi nito deserve ang matanggal sa trabaho dahil lang sakanya. dahil pinag tangol niya ako, "Wag kang mag-alala ok lang ako" alo ni Xander sa kanya, "Ginawa ko yun dahil ayuko na inaapi ka ng mga studyantin!" "Pero pano kana niya nawala kana trabaho dahil sakin?" "Ok lang ako Sandy! Huwag ka mag alala Madami pa akong mapapasukang ibang trabaho, sayo nga ako nag-aalala eh"
Sisinghot-singhot na napatitig si Sandy sa binata. Ngumit ito sakanya "Ngayong mawawala na kasi ako sa school na to? Pano ka na Sandy? Wala ka ng tagapagtango saiyo?
At yun na naman ang mga luha ni Sandy, nag-unahan na naman sa pag patak. "Alagaan mo ang sarili mo ha? Saka wag ka ng mag papatalo! Wag kang mag-alala kakausapin ko si Louis! Sasabihin ko sakanya na buntis ka at alagaan ka niya" "Na ano?!!" boses ni Louis na nagpatigil sa sinasabing iyon ni Xander.
Mulagat si Sandy at nahihilo pa siya, sabay napalingon siya agad sa nag salita at si Andy nga iyon. Lumapit ito sakanila. At matagal na nakipag titigan muna ito kay Xander.
"Pano mo nalaman ang tungkol sa pag bubuntis ni Sandy?" tanong ni Xander kay Louis? maya maya ay seryosong tanong nito kay Xander's. Si Sandy dina alam ang gagawin, mag kakasuntukan pa ata ang dalawa? Naku po huwag naman sana! Pero buti nalang at mahinahihong tao si Xander "Inamin lahat sakin ni Sandy ang tungkol sa inyo! Kaya alam ko" sagot nito kay Louis sa mababang boses.
"At bakit mo naman agad pinagkalat!? Wala ka bang isip?!!" "Anong gusto mong gawin ko? Pinagtulungan na kanina ng mga fans mo si Sandy! Ano panoorin ko nalang sila at walang gawin!? Buti nga ako pinagtatangol siya eh! Eh ikaw?"
Natigilan si Sandy, natamaan ang ego niya.
"Xander tama na.." awat ni Sandy kay Xander. please tama ang sama pakiramdam ko ngayon!
Pero ayaw paawat ni Xander "Tinanggal na ako sa trabaho! Kaya sana naman, mula ngayon ay ikaw na ang mag tatangol sa mag-ina mo!"
Hindi parin nakaimik si Louis, napatingin lang ito kay Sandy. Napayuko naman ng ulo niya si Sandy, Dahil hindi niya kayang salubungin ang mga tingin na iyon sa kanya ni Louis, pagkuway hinila na niya si Xander para umiwas "Halika na! Umalis na tayo dito!'
Pero di pa man sila nakakalayo ay hinila naman siya ni Louis sa isang braso, gulat na gulat si Sandy na napa-aaaayyyy! Dahil sumubsub siya sa didbib ni Louis. Nanlaki ang mga mata ni Xander sa ginawang iyon ng kapwa binata. Hihilain din niya sana si Sandy para bawiin pero pumihit si Louis, parang laruan si Sandy na tinago niya ito mula kay Xander. "Anong problema mo?" singhal ni Xander kay Louis! "Ikaw narin ang may sabi! Mag-ina ko ang mga ito kaya dapat lang na sakin sila sumama!" ngising sagot ni Louis kay Xander.
Si Xander naman ang di nakapagsalita dahil sa sinabi ni Louis sa kanya, At si Sandy lumuwa ang kanyang mga mata sa gulat, lalo na ng hilahin na siya ni Louis palayo kay Xander.
"Ano ba Louis bitawan mo ako!" angal ni Sandy sa binata nang dire-diretso siyang hilahin nito papuntang parking lot ng paaralan. Pumiglas siya, marahas niyang binawi ang kanyang kamay. please Louis gusto ko na umuwe saka ng tayo mag usap ang sama ng pakiramdam ko ngayon. please hayaan mo na ako Louis... bwuwww.. bwuwww... bumabaligtag sigmura ko nasusuka wala lumalabas kundi tubig lang, "What's your problem?!" pero nagulat siya nang bulyawan siya ni Louis. Madilim na madilim din ang mukha nito. Halatang pigil na pigil nito ang galit. Louis nahihilo ako, Natigilan si Sandy. Awang ang mga labi niyang napatitig sa gwapong mukha ni Louis. Ngayon lang niya nakita na ganun kagalit kasi ang binata.
"Ako ang ama niyan?! Talaga lang ha?!" kaya lang ay parang nang-uuyam na sabi at mabilis na sulyap ang ginawa ni Louis sa tiyan niya. At sa sinabi at ginawa na iyon ni Louis ay nag dilim din ang kanyang mga mukha. Nakakaliit ng pag katao ang sinabi ni Louis sa kanya eh!
Tiningnan niya ito ng masama! Tumaas-baba ang kanyang pag hinga sa umusbong na galit! Sabi na nga ba niya't ganito ang magiging reaksyon ni Louis eh! Nangilid ang kanyang mga luha. Kaya nga ayaw niyang sabihin eh! Dahil alam niyang ganito ang mangyayari! Hindi kita pipilitin Louis bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo manilawala saking,
Naglaban ang masamang tinginan nila ni Louis! gusto ko lang malaman sa'yo Sandy ang totoo,
Pero sa huli ay siya ang talo! Napabuga siya ng hangin para maibsan ang sama ng kanyang kalooban "Ka-kalimutan mo nalang yung sinabi ni Xander" saka anya na napaiwas ng tingin. Buti nalang at kuntrolado parin niya ang sarili "Sige! Aalis na ako!" gusto kuna umuwe Louis ang sama pakiramdam ko ngayon please, "Wait!" laya lang ay hila ulit sakanya ni Louis. Muli ay nag salubong ang mga tingin nila sa isa't isa. At si Louis ulit parin ang unang nag-iwas. "Ako ang ama niyan! Pero bakit ako pa ang huling naka-alam!? Ayos ah! Nakakainsulto! Ang sakit sa damdamin!"
Napanganga si Sandy, takang bumalik ang tingin niya sa gwapong binata. I'm sorry Louis kung hindi ko sinabi sa'yo agad,
Bakit Sandy? "Or ang balak mo siguro talaga ay wag sabihin sakin yang kondisyon mo noh?"
Hindi na mailarawan ang reaksyon sa mukha ni Sandy. "Sira ulo ka nga talaga!" sabi pa ni Louis.
At muli ay hinila na naman siya ni Louis. Nawala na talaga siya sa sarili na nagpatianod sa binata. Takang-taka siya!
Pero hindi...hindi pwede to! Ayaw niyang makasira ng kinabukasan ng isang tao dahil sa kalagayan niya. Isa pa di naman sinadya ni Louis na mabuntis siya. Kaya ok lang talaga sakanya na hindi siya panagutan nito!
Binawi niya ulit ang kanyang mga kamay. At naluluhang tumigil sa paglakad. Si Louis naman ang nagtaka! Napalingon ito sakanya What's wrong ba?" "A-Louis..wag mo ng isipin yun! Wag kang mag-alalala simula bukas hindi nalang ako papasok para..para maipagpatuloy mo ang maayos na pag-aaral!" anya na nahihiya "Pasensya kana sa gulong ginawa ko" please hayaan mo na ako Louis, Kaso ay napasinghap sa hangin si Louis "So, your saying to me na ilalayo mo sakin ang anak ko ganun?! Sorry! Pero hindi ako papayag!" at muli ay hinila na naman siya nito. At sa pag kakataong iyon ay mas mahigpit na ang hawak nito sakanya.
"Louis ano ba bitawan mo ako!" piglas ni Sandy kay Louis "Hindi ko naman sinasabing sa'yo panagutan mo ako eh! Maawa ka sarili mo! Kapag gagawin mo to matatali ka sa isang babaeng tulad ko na pangit! Pag tatatawanan ka ng mga Classmate mo at iba pa mga tao!"
Kaya lang ay parang nag bibingi-bingihan si Louis Dire-diretso lang ito ng lakad patungong kotse nito na hila hila siya sa kamay. Bawat makakita sakanila na estudyante ay napapanganga at tumatabi. "Totoo nga!" narinig ni Sandy na bulungon ng iba.
"Kawawang Louis!" sabi ng isa pa mga studenyate sa kanila,
"Siguro ginayuma yan ng pangit na yan"
Habang sina Cassy at Karra ay natigilan nang makita din nila ang dalawa. Halos mag salubong ang dalawang kilay ni Cassy "louuuiiisss!" sigaw nito sa pangalan ng binata pero di ito pinansin ni Louis.
Si Sandy ang napatingin dito "Louis si Cassy! Siya! Siya ang bagay sayo! Please wag mo tong gawin!" sabi ni Sandy kay Louis."Shut up!" singhal ni Louis sakanya.
"Louis please!"
Binuksan ni Louis ang pinto ng kanyang kotse at walang imik-imik na pinasakay siya dito. Saka mabilis na umikot para sumakay din sa driver seat. Sinubukang tumakas pa ni Sandy kaso ay mabilis na napindot ni Louis ang automatic lock ng sasakyan. Louis please uwe na ako ang sama pakiramdam ko ngayon.
Ngunit hindi pa sila umalis. Binuhay lang ni Louis ang makina ng sasakyan. Saka mahigpit na nakahawak sa manibela. Si Cassy kinatuk-katok ang salamin ng bintana ng kotse "Louis open this door! Don't be stupid!" sigaw nito sa labas pero deadma dito si Louis.
Si Sandy ang di mapakali "Louis kausapin mo si Cassy! Si Cassy ang ang nababagay mong kausapin!" "Tumigil ka nga! Wala akong pakialam sa babaeng yan!" Natahimk si Sandy. Napapatingin siya kay Cassy na panay parin ang bayo sa bintana ng sasakyan. "Wag mo siyang pansinin!" sabi ni Louis "So anong plano mo diyan? Sana naman wala kang balak ipalaglag yan!"
Napatingin siya dito, napakunot-noo siya "Ano ba yang sinasabi mo?"
"Im just asking! Just answer it!" Inirapan niya ito "Wala! Walang wala! Bubuhayin ko ang anak ko! Ang balak ko lang ay huwag sabihin ito sayo! Dahil ayukong magulo ang buhay mo!"
"Talaga?"
"O-oo! Dahil hindi naman natin to ginusto diba? Wala kang kasalanan kaya ok lang ako! bunga ito ng isang pagkakami nating sa isang gabi Kaya kong buhaying mag-isa ang anak ko" Ang sama ng naging tingin sakanya ni Louis sa sinabi ko. Saka ito napailing ng hindi ko mabasa ang kilos niya!
"Oh Bakit?" takang tanong tuloy ni Sandy. Pero di sumagot ang binata. Sa halip ay Pinaandar na ni Louis ang sasakyan paalis.
"Looooiuis!" galit na galit sigaw ni Cassy sa kanya,
"Sira na talaga ang ulo ng lalaking yan!" sambit ni Karra na napahalukipkip.
Habang sa ibang banda ay makikita rin si Xander na nakasunod din ang tingin sa papalayong kotse ni Louis! Matinong tao din pala si Louis, sa loob loob niya! Saludo na siya dito! At least lilisanin na niya ang lugar na ito na panatag na ang loob niya para kay Sandy, At sa loob sasakyan ay walang imikan ang dalawa. Pero nang mapansin ni Sandy ang tinatahak nilang daan ay takang napatingin ito kay Louis..dahil patungo lang naman kasi iyon sa bahay nila!
"Waaahhhh!! Anong binabalak mo?!"
Ngumisi si Louis "Malabo kang kausap kaya yung nanay mo nalang ang kakausapin ko!" at sasabihing ko nalang sa kanya handa kita pananagitan dahil ayaw mo, Ang lakas ng "Anooooo?!" ni Sandy.
Sumeryoso ang mukha ni Louis saka napabuntong hininga ito ng malalim "Sandy! Gwapo ako pero hindi gago! Kaya wag kang mag-alala magiging mabait akong daddy diyan sa magiging anak natin!" at powde ba huwag ka sige sigaw at nang gugulat baka maapno yan babay nating. Nanlaki ang mga mata ni Sandy. Ano daw?! End of the world na ba? Jusko!
"Nakadrugs ka ba Louis? hindi mo ba nakikita mukha ko haaa?!" , hindi parin niya kasi maintindihan. Hindi ito ang inaasahan niyang gagawin ni Louis eh, ang nasa isip niya ay magagalit ito sakanya. Kakamuhian siya at pag tataguan! Kaso ay kabaliktaran lahat, dahil ito pa mismo ang lalapit sa nanay niya?! Ano to?! Kung iisipin ay isang kagaguhan! Gawain ba ito ng matinong pag-iisip ng isang lalaki? Kaya alam niya, segurado siya, malamang nga nakadrugs ang binata ngayon! Tumira ito kanina kaya ang isip ay parang ewan! Mas naging masama ang tingin sakanya ni Louis. Pero hindi ito nagsalita.
"Alam mo ibaba mo nalang ako diyan! Tapos umuwi ka na at iuntog mo ang ulo mo sa pader niyo ng matauhan ka! Ok?! Tapos pag dika na nakadrugs saka tayo mag-usap! Sige na ibaba mo ako diyan sa tabi!" isa pa kanina pa masama pakiramdam ko nahihilo at para ako masusuka, "Hoy!" hampas ni Sandy sa balikat ng binata. Ngunit deadma parin si Louis, parang nag-ko-concentrate ito sa pagdadrive. "Naman eh!" inis na inis na si Sandy, nagulo-gulo niya ang buhok. Mababaliw siya nito eh! Doon sinulyapan siya ni Louis "Para kang baliw!" tas sabi nito sakanya. "Ikaw kasi eh!" at tuluyan na nga siyang napaiyak.
Nabahala si Louis, tinigil nga nito ang sasakyan "Ano bang problema ha? Ikaw na nga ang panananagutan ikaw pa tong maarte!" "Dahil ayukong habambuhay na makonsensya! Hindi ako ang babaeng para sayo!" humagulhol na talaga si Sandy "Kapag nagpunta ka sa bahay! Segurado hindi ka na pakakawalan ni mama! Kaya please wag na! umuwi ka na lang!"
Dumilim ang muka ni Louis "Pano mo lahat nasasabi yan ha?" "Dahil ayuko ngang masira ang buhay mo! Wag kang mag-alala kaya ko to! Nasa abroad ang papa ko! Kaya na naming buhayin ang magiging anak ko kung sakali!"
"At anong gusto mo? Hahayaan ko nalang na buhay mo lang ang masisira! Hindi rin ako matatahimik non! Isa pa bukal sa loob ko na panagutan ka!"
Nagulo-gulo na naman ni Sandy ang buhok, kamot siya sa ulo niya, pakiramdam niya ang nagsulpotan ang mga kuto sa ulo niya at para na talaga siyang mababaliw "Sige nga imaginen mo ang buhay mo na ako ang asawa mo!? Masisikmura mo ba? Ha?!" please Louis hayaan mo na Ako kaya ko sarili ko at magigin anak nating, saka hamon nito sa binata. Saglit na natigilan si Louis, mukhang nag-imagine nga. Habang siya ay kinabahan, hindi niya alam kung saan titingin, andiyan yung iiwas siya ng tingin pero babalik ulit naman agad sa mukha din ni Louis ang tingin niya, sa madaling salita ay nacoconscious siya! Grabe kasi makatitig si Louis, nakakatunaw!
"Ayan naimagine ko na!" pagkuway saad ng binata.
Nag-antay si Sandy ng sasabihin nito.
Ngumuso-nguso si Louis saka nag kibit-balikat "Wala naman akong makitang masama eh! Bagay nga tayo eh? Si malakas at si maganda!" sabi nito na sinundan ng malutong na tawa.
Naningkit ang mga mata ni Sandy, at talagang nagawa pa nitong mag joke ah.. inis na inis niyang pinagppipindot ang mga button sa sasakyan "Mmmm! Mmm!" "Oooyyy! Anong ginagawa mo!" awat sakanya ni Louis na nagulat sa pinagagawa niya. CLICK..nang marinig ni Sandy na nag bukas ang lock ng pinto ay agad niya yung binuksan at tumalilis agad. Louis please iwan mo na ako papahinga ako sa gilid kanina pa ako nasusuka, "Hoy!" hila ni Louis sa kamay niya pero nakawala siya. Labas din agad si Louis sa kotse.
Ang bilis ng takbo ni Sandy para maiwasan ang binata pero agad siyang nahabol ni Louis at hinawakan. dito nalang oh powde kana sumuka or pahinga dito Sandy
"Bitawan mo nga ako!" piglas niya dito. "Ano ba talagang problema mo ha?!" ang lakas ng boses ni Louis. Galit ulit ito.
"Sinabi ko na diba? ng masama pakiramdam ko at Hindi nga pwede ang gusto mo! Maawa ka sa sarili mo!" "Sira ulo ka talaga!" "Ayuko nga! Hindi kaya ng konsensya ko talaga!" Sumeryoso ang mukha ni Louis "Kung ganun ipalaglag nalang natin yang bata!"
Doon nahintakutan si Sandy, siya naman ang napatitig sa mukha ni Louis. Seryoso ba ito?
"Kung ayaw mong panagutan ko yan dahil lang sa akala mo ay hindi tayo bagay! Then ipalaglag nalang natin para matapos na to! Total ang gusto mo naman eh lumaki ang anak mo na walang ama! Akala mo madali yun sa isang bata! Ako nga malaki na eh, malaki na ako ngayon pero ang sakit sakit ng pakiramdam ko na iniwan ako ng ama ko! Nag hiwalay na sila ng tuluyan ng mommy ko! At dimo alam kong gano kasakit yun! Yung pakiramdam na wala na akong ama anytime na gusto ko! Tapos ipaparamdam mo yun sa magiging anak ko! Hindi ako papayag!" Umuwang ang mga labi ni Sandy. I'm sorry Louis hindi ko alam ganun maramdaman mo.
Nangilid ang mga luha ni Louis "Buong buhay ko ang ginusto ko lang ay maayos na pamilya ko! Kaya sana wag mo tong ipagkait sakin anak nating Sandy Ayaw ko maranasan niya naranasan ko!"
"Pe-pero mga bata pa tayo!" "I don't care!"
"Louis!" tigagal si Sandy.
"Please Sandy! Hayaan mo na ako! Gusto ko ipakita sa mga magulang ko na kahit inabanduna na nila ako ay kaya ko paring maging matinong tao!"
Hindi nakaimik si Sandy. Matagal na nag-ngusap ang kanilang mga mata. Tapos ay maluwang siyang niyakap ni Louis. Hindi na siya tumutul dahil tumulo narin ang mga luha niya para kay Louis. Na-touch siya! Natouch siya sa mga sinabi nito! Kahit pala paano ay mga matitinong lalaki din pala talaga sa mundo! At isa na dun si Louis!
"Anong ibig sabihin nito?" pero nag hiwalay sila na gulat nang marinig nila ang boses ni Aling Yolanda. "Maaaaa!" si Sandy na nanlaki ang mga mata, anong ginagawa dito ng Mama niya? Ito na nga ba ang sinasabi niya eh! Si Louis naman ay mano agad ito sa ginang "Kumusta po kayo?"
Takang napatingin si Aling Yolanda kay Sandy. Nag tatanong ang tingin nito.
"Ano ngang ginagawa niyo dito?" ulit na tanong ni Aling Yolanda "Hindi ba dapat nasa school kayo?"
Nag katinginan sina Sandy at Louis, umiling si Sandy kay Louis, pero pilyong ngiti naman si Louis sakanya. "Ahmm nag-uusap lang po kami" si Louis ang sumagot.
"Anong pinag-uusapan niyo sa gilid ng kalsada?"
Tinginan ulit sa isa't isa sina Louis at Sandy Yung mukha ni Sandy di na mailarawan.
"Ma sumama kasi pakiramdam ko kanina, at ano..ahmm" sasabihin sana ni Sandy na wala lang ang pinag-uusapan nila pero biglang singit si Louis. "Tita! Papanagutan ko po si Sandy!" diretsahan nitong sabi sa Mama ni Sandy. Walang preno preno! At mukhang proud pa! Yung mga pinamili ni Aling Yolanda nahulog na sa gulat nito, di kasi makapaniwala ang ginang "To-totoo?"
"Opo!" ngiting-ngiti si Louis. Natutup ng ginang ang dibdib nito, ang akala niya kasi ay mahihirapan siyang kumbinsehin ang lalaking to na panagutan si Sandy. Actually ay natawagan na nga niya kanina ang kakilala niyang pulis para kung sakali ay ipanakot niya dito eh, pero heto't boluntaryo pa talaga ang binata!
Ngiwing-ngiwi naman si Sandy na pinulot ang mga pinamili ng Mama niya na nalaglag. Wala na talaga, nasiraan na talaga ng tuktuk si Louis! Bahala na nga siya sa buhay niya! Gusto niya to eh! "Segurado ka?" paniniguro ni Aling Yolanda kay Louis.
"Opo! Ang totoo yun po talaga ang pinag-uusapan namin ni Sandy kanina"
Ngumiti na si Aling Yolanda, para itong nabunutan ng tinik sa dibdib "Eh di maganda"
"Pero sa isang kondisyon po!" nga lang ay pahabol na ani Louis na nag pakaba kay Aling Yolanda.
"A-ano?' Tumingin muna si Louis kay Sandy bago sumagot "Sa bahay niyo na po ako titira simula mamayang gabi!"
Napanganga si Sandy, nalaglag ulit ang pinamili ni Aling Yolanda na pinulot niya.. Ano daw na naman?!! Waaaahhhh! Drugs pa more Louis!!
"Hayy Hindi ko siya maintidihan ano ba nakain ni Louis bat siya nag kaganun? sige po tita sakay na po kayo hahatid kuna po kayo ni Sandy sa bahay niyo po. pagkatpos po uwe muna ako para kumuha po ng mga gamit ko po,