"Sa tingin mo babalik pa yun?" tanong na naman ni Aling Yolanda kay Sandy, kung bibilangin mula kanina pang umalis si Louis para kumuha ng gamit sa bahay nila ay siguro mga pang-bente na yun na tanong ng ginang (HEHE). Na panay din ang silip sa bintana at labas ng bahay para i-check kung nakabalik na ang binata.
Tumirik ang mga mata ni Sandy, kampante lang siya na nanood ng TV, wala siyang pakialam kung bumalik pa si Louis, sana nga ay hindi na eh dahil kawawa lang talaga yun kapag papatali ito sa gaya niyang pangit. "Matino naman yun na kausap diba? Diba, anak?"
"Maaa wag na kasi kayong umasa, malamang nasa airport na yun! Tatakas na yun! If I know baka kunwari lang niya na pananagutan niya ako pero ang totoo tactic niya lang yun or kung hindi naman siguro habang nagda-drive pauwi eh nauntog! Natauhan!" at isa pa Maaa mas gusto ko hindi ng siya bumalik kaya ko naman palakihin anak ko, Biglang batok sakanyang anak si Aling Yolanda "Ikaw diko alam kung nag-aral ka ba sa school niyo o natulog ka lang don dahil dimo alam pano gamitin yang utak mo! Ikaw lang yata ang babaeng ayaw panagutan ng nakabuntis sakanya eh!"
Tumingala si Sandy sa Mama niya at inirapan niya ito "Maaa, kung ang nakabuntis lang sakin eh yung mga tambay sa kanto eh baka habulin ko pa siya ng itak kapag di niya ako panagutan! Pero Mama si Louis yun! Gwapo! Anak ng mayaman! Dika ba makokonsenya na ako ang mapapangasawa niya? Ang bagay don yung artistahin na babae! Hindi ang tulad ko lang!" Isang batok ulit si Aling Yolanda sa nag tatangahang anak o talagang tanga lang talaga. "Araaayyyyy!" Mama nakaka rami kana batok sa ulo ko, masakit na yung pangalawa eh, napahimas na siya sa batok niya. "Dapat nga mag pasalamat ka dahil gwapo ang nakabuntis sayo! Dahil segurado pag labas ng anak mong yan eh kahit pano ay may hitsura! Pano nalang kung pangit? Pangit ka na nga pangit pa ang ama niyan! Eh di tiyanak na yan pag labas!"
Ang lakas ng "Maaaaa?!!" si Sandy, pinandilatan niya ng mata ang ina na akala mo eh hindi niya ina kung makalait sakanya.
"Totoo naman ah!" kaso ay giit parin ni Aling Yolanda "Kaya wag ka ngang maarte diyan! Ang mabuti pa sunduin nalang kaya natin siya?" "Ayuko nga!" ani Sandy na tumayo, nakakasakit na ng damdamin ang ina niya parang di siya anak eh! Ang haba ng nguso niya na iniwan ito sa sala at nagkulong nalang sa kwarto niya. Matutulog nalang siya. Itutulog nalang niya ang sama ng loob niya, dahil segurado siyang hindi na babalik si Louis! Maniwala siya don! Hahayaan nalang niya ang Mama niya sa labas na mamuti ang buhok kakaantay sa wala!
Kaya lang ay di rin siya makatulog agad! Nakailang baling na siya ng higa!
"Haisssttt! Kainis!" saka anya na bumangon, upo siya sa ibabaw ng kanyang kama, saka napapakagat labi siya na napapaisip. Babalik nga kaya siya?
Sig na nga! Aaminin niya na umaasa din siya na babalik si Louis sa bahay nila kahit papapano, pero slight lang! as in kunti lang! Sayang din kasi eh! Saka tama si Louis kawawa ang anak niya pag lalaki itong walang ama! Kaya sana lang ay bumalik nga si Louis at panagutan siya kahit man lang sa anak niya.. Wala sa loob niyang napahawak siya sa tiyan niya! Nasan na kaya si Louis anak ang daddy niyo wala pa?
ANG DI NILA ALAM ay paalis na sana kanina pa si Louis sa bahay nila, nag paalam na nga ito kay Yaya Chade niya eh..
"Segurado ka ba diyan, Louis? Mag-aasawa ka na kapag uuwi ka na sa bahay nila?" maluha luhang sabi ni Yaya Chade dito. Nakangiting tumango si Louis sa tagapag-alaga niya "Oo yaya! Nangyari na eh!" "Pero masyado ka pang bata! Seguradong di papayag ang mga magulang mo nito!" "Bakit naman? Di nga rin ako payag sa pag hihiwalay nila diba? Pero ginawa parin nila yun kaya gagawin ko rin kung anong gusto ko!"
"Louis, kung nag rerebelde ka wag naman sa paraan na ganyan! Masisira ang buhay mo niyan eh!"
"Hindi yaya! Naseseguro ko po yan sa inyo dahil simula nakasama ko si Sandy ay don lang ako nakaramdam ng kasiyahan! Yung walang iniisip! Yung walang kinakakatakutan o pinapangambahan! Yung feeling na malaya akong gawin ang gusto ko kapag kasama ko siya! Kaya don't worry na yaya, wag kang mag-alala ipapakilala ko po siya sa inyo one day! Dadalawin ka po namin dito"
Napabuntong-hininga ng malalim si Yaya Chade, sumuko na ito dahil nakita na niya ang kislap sa mga mata ng alaga niya. Makikita talagang masaya ngayon si Louis. Kaya naman siguro ay susuportahan nalang niya ito sa gustong gawin sa buhay nito kahit pa napakaaga pa para mag-asawa ito. Kung meron man dapat sisihin ay ang mga magulang nito! "Alis na po ako?"
Malungkot na tumango si Yaya Chade sa alaga, para siyang ina na nagpapalaya sa anak kaya mabigat sa dibdib niya ang lahat. Idagdag pa na talagang tinurin na talaga niyang anak ang binata dahil bata palang ito nong inaalagaan na niya ito.
Kaya lang ay natigilan ang dalawa sa pag papaalamanan nang may dumating na magarang kotse, tumigil iyon sa tapat nila, kaya naman kunot noo silang nag-antay sa lalabas doon na nakasakay. At anong sama ng tingin ni Louis sa lumabas dahil ang mommy niya pala ito!
"Louis! Mag-usap tayo! Ano yung mga nabalitaan ko na mga bagay tungkol sayo" galit agad ang boses ng mommy niya. Napailing lang si Louis pero di siya nakaramdam ng ano mang takot sa ina, bagkus ay galit ang nararamdaman niya para rito! At alam niya si Cassy ang nag sabi ng lahat dito ng sinasabi nitong balita kaya napasugod ito ngayon!
"Yaya kunin mo ang mga gamit niya!" saka makapangyarihang utos ng sosyaling ginang kay Yaya Chade, Napabuga si Louis ng hangin, heto na naman sila! NAGISING SI Sandy dahil nakaramdam siya ng ihi, tingin siya sa alarm clock na nakadispaly sa side table ng kanyang kama at nakita niyang mag aalas-tress na pala ng madaling araw. Tingin din siya sa tabi niya at sa sahig, umaasa na makikita niya doon si Louis na nakatulog dahil di nalang siya ginising pag dating nito kanina. Kaso ay anong lungkot ng kanyang mukha nang wala siyang makita kahit ipis doon na nakahiga! "Sabi ko na nga ba eh! Di na siya babalik! Tanga ka lang Sandy na umasa din!" anya sa isip-isip niya, saka bumaba na siya sakanyang kama at labas ng silid niya para umihi.
Kamot-batok din siya dahil nakita niya ang Mama niya na tulog sa sala, lapit siya dito at ginising..."Mama?"
"Hmmm" ungol ni Aling Yolanda. "Bat dito kayo natulog?"Pupungas-pungas si Aling Yolanda na nagising "Dumating na ba si Louis?" Kibit-balikat si Sandy sa mama niya "Wag na po kayong umasa kasi alas tress na po, pasok ka na po sa silid mo" Kaso ay iling si ALing Yolanda, umayos ulit ito ng higa sa sofa "Dito nalang ako at baka bigla siyang dumating" Ngumuso si Sandy, ang haba ng nguso niya sa Mama niya! Asa pa more? Napailing-iling nalang siya dito! Pero hinayaan nalang niya ito. Umihi na siya at ng matapos at balik siya ng tulog sa silid niya!
Pero sa kama niya ay di siya na naman nakatulog agad, ang likot niya sa kama niya dahil kahit anong posisyon niya ng tulog ay di na siya dalawin ng antok, iniisip niya si Louis kahit ayaw na niyang isipin ito dahil nagtatampo na siya! Or tamang words pala ay nakakatampo lang kasi!
Ilang minuto din siguro nang malalim na ang tulog niya, di na niya namalayan! Pero sayang dahil kasabay non ang pagparada ng isang sasakyan sa tapat ng bahay nila! Bumusina iyon at si Aling Yolanda lang ang nagising!
Naalimpungatan si Sandy mula sa mababaw pa niyang pagkakatulog dahil sa mga boses na naririnig niya, boses yun ng kanyang ina at isang di niya kilalang boses ng babae. At parang nag-aaway ang dalawa!
"Imposeble na mabuntis nang anak ko ang anak mo! Alam ko na ang mga bagay na ganyan! If I know sinasabi niyo lang na ang anak ko ang nakabuntis sa anak mo pero ang totoo ay ibang lalaki ang naka buntis sakanya! Ang tawag dun ay PAMIMIKOT!" malakas na boses ng babae. Pasigaw at halatang galit na galit.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihan yan sa anak ko! Ang sabihin mo ay GAGO yang anak mo! Kung ayaw niyang panagutan ang anak ko! Dapat ay di niya ginalaw ang anak ko!" malakas na boses din ng kanyang Mama. sana panaginip lang mga naririnig ko ngayon,
Sa pagkakataong iyon ay kinabahan na si Sandy! Bumalikwas siya ng bangon at dumadag gundong ang puso niya sa matinding kaba na lumabas sakanyang silid. Doon ay nakita niyang tama nga ang naisip niya! Para siyang naparalisa sa kanyang nakita! OMG!
Ang Mama niya kasi at ang mommy ni Louis! mag ka harap at Nag-aaway!
"Mom tama na! Umuwi na tayo!" awat ni Louis sa bihis mayamang ina nito.
"Hindi! Mag-uusap pa kami para matauhan yang ambisyosang babae na yan! Dahil kung hindi sila titigil na pilitin kang panagutan ang anak niya ay idedemanda ko sila!"
Napasinghap sa hangin si Aling Yolanda "Eh gaga ka pala eh! Hindi namin pinilit ang anak mo oooyyy! Siya ang nagkusang magsabi na pananagutan niya ang anak ko! Magdedemanda ka?! Pwes idedemanda ko rin yang anak mo!"
"No! hindi ako naniniwala! Pinipikot niyo lang ang anak ko!" muntik ng mahablot ng mayamang ginang si Aling Yiolanda. Buti nalang at mabilis na pumagitna sa dalawa si Louis "Mommy ano ba!? Lets go!" "Maaa! Mama!" hindi narin nakatiis si Sandy, lapit siya sa ina niya para protektahan din ito "Louis umalis na kayo!" saka bulyaw nito kay Louis "Sinabi ko naman kasi sayong wag na eh!" "Sandy saka nalang tayo mag-usap!" sabi ni Louis dito "Mommy lets go!" saka hila nito sa ina.
Pero natigilan ang mommy ni Louis nang makita ang hitsura ni Sandy, ang dalagang hindi naman kagandahan! Tingin ito kay Sandy pataas pababa. "Mommy! Ano ba! Tara na po! " hila parin ni Louis sa ina.
"Wait? Siya ba ang sinasabi mong nabuntis mo, Louis?" hindi makapaniwala ang mayamang ginang na turo nito kay Sandy. Hindi umimik si Louis bagkus ay makahulugang tumingin ito kay Sandy, tingin na humihingi ng dipensa
"Are you crazy anak? Para panagutan ang babaeng tulad niyan?! Oh my god son!" tapos ay parang mahihimatay na saad ng ginang kay Louis. "Mommy!" alalay agad ni Louis sa ina. "Ang mabuti pa Louis! Iuwi mo na yang matapobre mong ina! At wag na kayong babalik kahit kailan dito! Hindi ka kailangan ng magiging apo ko!" galit na duro ni Aling Yolanda kay Louis. Hindi siya galit sa binata pero dahil sa tabas ng dila ng ina nito ay galit narin siya dito.
Muling napatingin si Louis kay Sandy, malungkot ang mukha binata. Habang si Sandy ay nagyuko na lamang ng ulo niya. Sa tingin niya ay tama ang Mama niya. Sa nangyari ay mas mabuti pang hindi na sila magkita dahil ngayon palang ay pinakita na ng mommy nito ang di pagkagusto sakanya. "Babalik po ako!" kaya lang ay matatag na sabi ni Louis bago tuluyang iniuwi nito ang ina. Pagka-alis ng mag-ina ay parang naubusan ng lakas sina Aling Yolanda at Sandy na napaupo sa sofa. Wala muna sila naging imikan na mag-ina, para silang na-trauma sa nangyari. Pero maya-maya pa ay hinagod-hagod ni Aling Yolanda ang likod ni Sandy "Ok lang yan anak! Kaya nating palakihin ang anak mo kahit wala ang Louis na yun"
"I'm Sorry po Maaa! Nadamay pa po kayo!"
"Wag mong isipin yun anakakaraos din tayo!"
Malungkot na tumango siya sa Mama niya saka inihilig ang ulo niya sa balikat ng mama niya. Naiiyak siya sa nangyayari at nahihiya siya sa Mama niya. Hindi mailarawan ang nararamdaman niya ngayon! Basta ang alam lang niya ay may tumubong galit sa dibdib na para kay Louis! Sabi na nga niya kasi na wag nalang eh, nagpumilit pa kasi! Ganito tuloy ang nangyari! Pati mama ko napagsabihan ng hindi maganda at masasamang salita! Hindi niya matatangap iyon! Masama! Masama talaga ang loob niya kay Louis! Sana lang ay di nalang talaga ito magpapakita sakanila pa! Dahil masasampal lang niya ito!
Ipinikit niya ang kanyang mga mata para pigilan ang luhang gustong lumabas sakanyang mga mata. Ayaw niyang iyakan ang mga ganoong tao!
Kaya lang ay napakunot noo siya habang nakapikit dahil naririnig niya ang boses ni Louis "Hoy Sandy! Hoy Sandy gumising ka!" Takang-taka na nagmulat siya ng mata at si Louis nga ang nabungaran ng kanyang mga paningin, ang kapal talaga ng mukha nito at bumalik pa talaga ha!!
Awtomatiko na naningkit ang kanyang mga mata at dahil gigil siya sa nangyari kanina ay walang ano mang sinampal nga niya ng pagkalutong lutong si Louis ang kapal na mukha mo bumalik pa dito.
"Arraaaayyy!" napatutup agad si Louis sa pisngi nito na agad namula. Napaatras din ito! Pakiramdam ng binata ay tumabingi ang panga niya sa lakas non. Nadislocate na ata ang gwapo niyang mukha! Kahit si Aling Yolanda ay nagulat sa ginawa ng anak niya na nasa likod pala ni Louis "Anak bat mo naman sinampal si Louis!?"
Bumangon sakanyang kinahihigaan si Sandy "At bumalik ka pa talaga! Ang kapal mo! Sana don ka nalang sa mommy mo na matapobre!" bulyaw ni Sandy kay Louis. Nag katinginan sina aling Yolanda at Louis. Takang-taka ang mga ito.
"Ano bang sinasabi mo?!" tanong ni Louis na nakatakip parin sa pisngi ang dalawang kamay. Masakit talaga yung sampal na iyon ni Sandy, parang kumapal ang mukha niya na hindi niya maintidihan. "Oo nga Sandy!? Anong mommy niya na sinasabi mo?" sabi din ni Aling Yolanda "Kadarating lang niya!"
Doon lang tila napansin ni Sandy na bakit nasa silid na siya? Diba kanina ay nasa salas silang mag-ina? "Kadarating lang ni Louis! Kaya gingising ka namin! Pero bakit mo naman siya sinampal anak?"
Si Sandy naman ang napatutup sakanyang bunganga kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata! Oh noh?! Panaginip lang ba yun?! para Totoo nang yari eh. I'm Sorry Louis hind ko sinasatya,
"Nanaginip kaba anak?" tanong sakanya ng ina.
Panaginip nga yata?! Halla! Doon na napangiwi si Sandy at di maipinta ang mukha na tumingin kay Louis "I'm Sorry ulit Louis?!" saka hingi nito ng dispensa sa binatang tutup parin ang pisngi sa nasampal niya. "Ay diyos ko!" natampal ni Aling Yolanda ang sarili nitong noo at iiling iling na iniwan na ang dalawa. Kaya na ni Sandy na lusutan ang ginawa. Saka magaan na ang dibdib nitong pumasok sa sarili nitong silid. Wala na siyang kinakabahala dahil tinupad naman ni Louis ang sinabi nito. Pasalamat si Sandy at matinong lalaki ang nakadesgrasya dito.
Habang ang dalawa sa kwarto ay parehas tutup ang mga mukha, si Sandy sakanyang bunganga at si Louis sa pisngi nito.
"Sorry" hingi ulit ni Sandy ng paumanhin sa binata.
"Grabe ka!" sagot ni Louis na hindi parin matanggal-tanggal ang mga kamay sa pisngi.
"Sorry na nga! Wag ka kasing manggigising basta basta ng tulog!"
"Grabe ka!" pero yun lang parin ang nasabi ni Louis.
Natawa na ng tuluyan si Sandy, binato niya ng unan ang binata "Wag kang ngang OA! Sampal lang yun oooyyy!" saka sabi niya na napahalakhak na talaga. Hammm bwuwww... nasusuka ako. Jan kalang pupunta ako sa kusina, bwuuuwww... bwuuuwww. hay nahihilo pa ako..
Pag katapos ko sumuka lumapit ako sa may upuan sa kusina at naupo na ako,
"Umupo ka diyan!" turo ni Sandy sa isang upuan sakanilang kusina. okay kalang ba? kumusta pakiramdam mo Sandy? okay lang ako! "Anong gagawin mo?" takang tanong Louis dahil hinila nalang siya basta-basta ni Sandy. Hawak parin nito ang pisngi na umupo.
Pigil na pigil ang tawa ni Sandy. Nakakatawa talaga ang hitsura ni Louis. Para itong binugbog gayung nasampal lang naman "Wag ka ngang OA! Parang di ka lalaki!" "Eh sa masakit eh! Ikaw kaya masampal ng ganung kalakas!"
"Oo na! sorry na ohh" Kaya nga gagamutin natin para di mamaga!" kumuha ng ice cube si Sandy sa reff nila, tapos ay isang face towel, binalot niya doon ang mga yelo "Bitawan mo na nga yan! Pano ko magagamot kung nanjan yang kamay mo!"
Dahan-dahan namang inalis ni Louis na ang kamay niya sa pisngi niya. Kaso ay napabulangwit ng tawa si Sandy nang makita niya ang namumulang pisngi ng binata, kulang nalang pala ay nag-marka kasi ang palad niya doon.
"Tingnan mo to!" irap sakanya ni Louis.
"I'm "Sorry! Sorry!" na ohh" pinigilan ang tawa, sumeryuso siya kaso ay "Hahahaahahah" tawa parin niya nang idampi na niya ang towel na may yelo sa pisngi ni Louis. Di niya talaga mapigilan, ganun pala siya kalakas sumampal! Markado talaga! Hahahaha.. "Akin na nga yan!" agaw ni Louis sa towel, naiinis na ito dahil pinagtatawanan siya ni Sandy. Siya na ang gumamot sa sarili niya.
"Sorry! Sorry" hindi ko kasi mapigilan matawa saiyo eh" hingi ng paumanhin ulit ni Sandy, maluha-luha ito sa kakatawa.
"Sige tawa pa!" pag tawanang mupa ako sandy, "Sorry na nga!" inagaw niya ang face towel na may yelo sa kamay ni Louis saka masuyo niyang dinampi dampi iyon sa pisngi ng binata, pero in fearness huh di man lang nakabawas iyon sa kagwapohan ni Louis, nakakatawa lang dahil hindi niya inaasahang ganun ang magiging impact ng kanyang pagkakasampal dito, na kulang na lang nga eh magmarka ang palad niya sa pisngi ni Louis "Sa susunod kasi wag mo ako basta basta gigisingin ha!" baka sunod hindi lang sampal makuha mo baka masipa pa kita,
"Talaga! Kahit bangungutin ka pa ay hindi talaga kita gigisingin!" mabilis at seryusong wika ni Louis.
Kinagat nalang ni Sandy ang lower lips niya para di ulit siya mapatawa "Eh bakit ba kasi ngayon ka lang nakabalik? Kumuha ka lang naman ng gamit mo sa bahay niyo ah?"
Lumungkot ang mukha ni Louis saka napabuntong hininga ng malalim "Naabutan kasi ako ni mommy! She tried to stop me! Nagalit siya sakin ng subra!" Natigilan si Sandy. Kung ganun parang totoong nangyari din pala ang napanaginipan niya kanina, dahil galit nga talaga ang mommy ni Louis "A-anong sabi mo? Anong ginawa mo?"
Kumibit-balikat si Louis "Wala! Hinamon ko lang siya! Sabi ko...kung ayaw niya akong mag-asawa ng maaga then mag balikan sila ni Daddy!" "Tapos?"
"Tapos yun hindi na siya umimik" "Yun lang? Eh bakit naman inumaga ka na pumunta dito?" inilapag muna ni Sandy ang face towel na may yelo sa lamesa. okay lang naman ako Louis kahit hindi mo na pananagitan pinag bubuntis ko ipakilala naman kita sa anak nating, I'm sorry Sandy may pinutahan ako bago ako nagpunta dito,
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong sa'yo nag tambay muna ako sa simbahan?"
Napatuwid ng upo niya si Sandy "Bakit naman doon? Kung nag dadalawang isip ka naman eh pwede namang tenext mo nalang sana ako na hindi mo na ako papanagutan"
Bumuntong hininga ulit si Louis "Hindi naman sa ganun Sandy! "Ganun yun" mahinang ani Sandy, ewan niya kung bakit parang nasaktan ang damdamin niya. ahhhhh Shhhhet nahihilo nanaman ako, okay ka lang Sandy? I'm Sorry Sandy "Mali ka! Nagpunta lang ako don para ipagdasal ng paulit-ulit ang mga magulang ko! Saka pinagdasal ko narin na sana maging maayos ang pagsasama natin" "Talaga?" "Oo naman, ikaw ang nagturo sakin kung pano lumapit sa Diyos diba? Kaya nga ang gaan na ng loob ko ng pumunta na ako dito eh"
Matamis ang naging ngiti na ni Sandy, ganun naman pala eh. Touch naman siya at kinilig, wala tuloy siyang nasabi. "Basta Sandy kahit na anong mangyari, kumapit ka lang sakin at mag tiwala! Wag kang bibitaw para sa magiging anak natin ha" Mahal ko kayo na anak nating Sandy, "Anong ibig mong sabihin Louis?" "Basta!"
"Tinatakot mo naman ako eh Louis kinakabahan ako saiyo" "Hindi naman sa ganun pero kasi hindi mo pa kilala ang mga magulang ko, mabait naman sila pero syempre hindi ko hawak ang isipan nila tungkol sa bagay na ito"
Tumango si Sandy saka umupo sa katabing upuan ni Louis "Wag kang mag-alala, sanay na ako sa mga ganyan! Parang dimo naman ako kilala na laging binubully sa school" Kung hindi ako tanggap family mo okay lang sakin,
Tipid na ngumiti sakanya si Louis. "Pero Louis, bakit ang bait mo?" Napakunot si Louis sa tanong niya na iyon "Anong klaseng tanong naman yan?" "Eh kasi ang bait mo sakin! Ibang ibang ka sa mga lalaki! Gwapo ka, mayaman, dapat nga mayabang ka eh tulad ng iba" Bahagyang natawa si Louis "Siguro ay dahil mababang tao din ang nag palaki sakin" "Huh?" "I mean si Yaya Chade" "Oo! Yaya ko siya simulat sapol, at siguro natutunana ko ang maging matinong tao sakanya. Isa pa gaya ng sabi ko ay mabait naman ang mga magulang ko eh"
"Aaahhhh ganunba"
"Gusto mo siyang makilala? I mean si Yaya Chade ko?" "Naku! Naku!" sunod na sunod ang naging iling ni Louis "Saka na yang mga bagay na ganyan" natatakot din kasi ako Louis, diba alam mo naman ang idsura ko,
Napangiti si Louis, nacute-tan siya sa reaksyon na yun ni Sandy kaya naman inakbayan niya ito. Kaya lang ay muntik nang mahulog sa kinauupoan niya si Sandy sa kabiglaan "Aaayyy!"
"Oooooyyy!" buti nalang at nahawakan niya ito "Ano bang nangyari sayo?"
Ngiwing-ngiwi si Sandy "Wag ka kasing nag-aakbay ng bigla-bigla! Aatakihin ako sa puso niyan sayo eh!"
"Grabe ka naman sakin!"
"Basta! Alisin mo sakin yang mga kamay mo" parang diring-diri si Sandy sa na inilayo niya sa kanya ang kamay ni Louis. "Ayos ka din noh? Sa Campus nga halos mamatay ang mga girls mahawakan lang ako! Tapos ikaw ang arte-arte mo!" ibahin mo ako, sila i'yon hindi ako
"Basta! Lumayo-layo ka sakin! Kung ayaw mong mabugbug oh masampal uli!" "Bahala ka na nga diyan!" tumayo na si Louis.
"Ooop! Ooopp! At san ka pupunta?" "Matutulog na, antok na antok na ako!" sagot ni Louis na dire-diretso sa kwarto.
Naalarma si Sandy "Hoooooooyyy!" tili siyang habol sa binata, hinarangan niya ito sa pintoan ng kanyang silid.
"Bakit?" takang tanong ni Louis sakanya. Para kasi silang nag papatentiro sa may pintoan "Matutulog ka?" "Oo"
"Eh bakit dito ka sa silid ko pupunta?" "Alangan? Eh san ako matutulog?"
"Wooowww" pumanaywang si Sandy na napasinghap sa hangin "Ang sabi mo dito kana titira diba, at pumayag naman kami ni Mama diba?" "Oo nga!"
Ang lakas ng "Pero!" ni Sandy. "Pero ano?"
"Pero wala sa usapan na mag sasama tayo sa isang silid!" saka taas noo nitong sabi. "Ganun ba?" napakamot sakanyang batok si Louis. eh saan ako nito matutulog,
"Ganun! Kaya sa salas ka matutulog! Ginusto mo to eh!!" Tumingin sa salas si Louis "Doon?" ngiwing turo niya sa sofa.
Tumango si Sandy "Buti nga sayo!" at bulong nito sa sarili. Kaya lang ay "Aaayyy!" sa isang kislap ay nalampasan siya ni Louis dahil parang wala lang na hinila siya nito para makadaan. Lumaki tuloy ang mga mata niya "Hooooooyyy!" sigaw niya sa binata. Kaso ang bilis nang naging kilos ni Louis, tumalon agad siya sa kama ni Sandy! At nag kumot at nagtulog-tulogan.
"Ang kapal mo! Hhoooooyyy bumangon ka jan!" nag wala na si Sandy, hinampas-hampas niya ng unan ang binata, hinila ang kumot pero wa epek!
Ahhh "Kainis kaaaaaa!" inis na inis si Sandy nang mapagod lang siya sa mga pinagagawa mapalayas lang sana ang binata sa higaan niya "Binabawi ko na ang sinabi ko sayo! Hindi ka mabaiiiiitttttttttttttttttttt!!!!"
At wala na talaga siyang nagawa dahil nag hihilik na si Louis! Tulog na talaga binata, no choice si Sandy kundi ang matulog siya sa sahig! Nautakan siya eh! sige na nga jan kana matulog, Hayy baby oh si daddy mo nagpapasaway kay mommy's, kausap ko sinapupunang ko maydio malaki ng konti,