"SANDY & LOUIS POV"
"Parang gusto ko pang matulog." Nag hikab at nag-inat ng kamay niya si Sandy. "Wow! Ikaw na ang bida! Sinabayan mo na ngang matulog si Louis sa klase tapos sasabihin mo pang gusto mo pang matulog? Tindi mo ah! Kakahiya ka na talaga!" Kulang na lang ay batukan siya ni Clara."'Di ko naman sinasadya na makatulog ako, pero bakit kasi niyo hindi ako ginising? Lalo na ikaw?"
Simangot niya at napangalumbaba ng dalawang kamay.
Nandito sila sa canteen ng pinsan para kumain ng tanghalian at kanina ay nagulat na lang siya nang gisingin siya nito dahil tapos na ang subject nila.
"Nakakahiya naman kasi sa inyo ni Louis noh?" pasarkastikong ani ni Clara. Napalabi lang siya sa pinsan. "Pero bakit ba kasi parang antok na antok kayong dalawa ha? Umamin ka nga sa 'kin. Anong ginawa niyo?"
Umaliwalas ang mukha niya. Naalala niya ang masaya nilang inuman ni Louis kagabi.
Gustohin man niyang ikwento kay Clara pero wala siyang tiwala sa pinsan kasi 'pag tungkol sa mga sekreto. Madaldal ito eh. "May nangyari na kakaiba noh? Mag kasama kayo ni Louis kagabi noh?"
"Oy hindi ah!" kailan pa? agad niya tanong at nag-blush.
"Eh bakit ka namumula kung hindi kayo magkasa?"
"Bat ka Hangover kung hindi kayo magkasa gabi? Oh'di ba?"
"Kaya nga Hangover din si Louis at hangover ka? So ibig sabihin mag kasama kayo kagabi nag-inuman? 'Di ba?" Napangiwi siya. Ang lakas talaga ng kutob ng kanyang pinsan. Ang tindi!
"Hindi nga eh! Ang kulit mo?!" Pero tanggi niya pa rin. Hindi siya pwedeng umamin. "Sure ka?"
"Oo nga!" "Eh kanino ka nakipag-inuman kagabi? Aber?" Doon siya natameme! "W-wala!" pero napilitan pa rin niyang sagot. "Ako lang mag-isa!"
"Weh?" "Bakit bawal bang uminom mag-isa?"
Si Clara naman ang natahimik. Pero kung makatingin pa rin ito sa kanya ay wagas.
Hindi pa rin kumbinsido ang gaga.
"Alam mo, kumain na lang tayo. Gutom na ako eh." Napilitan niyang pag-ibaba niya ng topic. "Ikaw na ang mag-order kasi ikaw naman ang mag lilibre sa 'kin." "Anong gusto mo?" Maasim pa rin ang mukha ni Clara, hinuhuli talaga siya sa tingin. Gusto na niyang matawa pero todo pigil siya. Oras na madulas siya sa pinsan ay siguradong katapusan na naman niya. Kapag nalaman ng lahat na kasama niya si Louis ay siguradong ibu-bully na naman siya ng mga kapwa nila estudyante.
Katakot. "Kahit ano? anya na iwas na iwas ang mata sa pinsan. "Tingnan mo 'di ka makatingin sa akin ng diretso!" tudyo sa kanya ng pinsan. Dinuro siya nito sa mata.
"Ano ba?! Umorder ka na nga!" natatawang pag tataboy niya rito. Tinulak niya ito. Muntik pang mahulog ang malaking salamin niya sa mata.
"Ikaw may nililihim ka na sa 'kin ha?" ani pa Clara habang papalayo sa kanya. Ang kulit talaga.
"Wala noh!"
Naiiling at natatawa siyang naiwanan sa lamesa nila. Pero anong pamumutla niya nang mahagip ng tingin niya ang papasok sa canteen na mga binata, pinangungunahan ni Louis. Yay! Agad na nag tama ang kanilang mga mata. At una siyang nag-iwas, syempre.
Kunuwari'y naging busy siya sa pag bulatlat ng kanyang bag.
"Pero anong gulat niya"! nang parang may bumagsak na kung ano sa lamesa. At pag tingin niya ay may isang bote na ng C2 milk tea ang nakita na niya roon. Maang na napatingin siya kay Louis. Pero deadma naman ang binata sa kanya. Tuloy-tuloy lang ito kasama ang mga barkada nito sa pag pasok at pagkuwa'y nag siupuan sa sulok ng canteen.
Nakakunot ang noo niya na kinuha ang C2 Milk Tea. Bigay ni Louis?
Pero bakit kaya? Para saan? Alinlangang napalingon siya sa binatang guwapo. Kaso ay naharangan na ito ng mga barkada nito. "Ano 'yan!?" Puna ni Clara sa C2 Milk Tea na hawak niya pag balik ng pinsan sa inuopua nilang lamesa. "B-binili ko," sagot niya. Another kasinungalan na naman. "'Di mo ako nakita?"
"Saan? Eh wala naman ganyan dito sa canteen eh!" Napangiwi siya. "W-wala ba? Ah oo binili ko pala kanina sa grocery! Nandito sa bag ko kanina kaya hindi mo nakita," palusot niya. Naguguluhan na talaga si Clara sa kanya na umupo. Paisa-isang nilapag ang binili nitong kakainin nila habang malisyosong natingin ito sa kanya.
"Sige na inumin mo na para maibsan konti ang hangover mo," mayamaya ay sabi nito. "Huh?!" maang niyang naisambit.
"Binili mo 'yan para sa hangover mo 'di ba?"
Napatanga siya sa bote ng C2 Milk Tea. Kung gano'n binigyan siya ni Louis ng pang tanggal hangover?
'Di niya mapigilan ang sariling lingunin ulit ang binata. Na nakatingin din na pala sa kanya dahil wala na ang barkada nitong nakatabing kanina.
Kinunutan niya ito ng noo? Sinasabi niyang..
"Ano 'to?!"
Simpleng tango lang ang binata sa kanya na para ring sinasabing. "Sige na inumin mo na!"? nag Sonya's din si Louis kay Sandy kaya nagka intidihan sila dalawang!
Ang sarap ng gising ni Sandy. Nakatulog din siya ng maayos kaya wala na ang kanyang headache. Wala na ang hangover niya. Idagdag pa na Sabado ngayon, meaning wala siyang pasok.
'Di pa siya bumangon, mas niyakap pa niya ang unan niyang mala-hotdog. At ninamnam ang kay gandang umaga. Ngingiti ngiti siyang kukurap kurap. Sana ang buhay ay laging ganito. Peaceful! Walang iniisip na problema mapabahay man o mapa-school.
"Nak, bangon na riyan! Mag-almusal ka na nang ako'y makalinis na rito sa silid mo." Tapos ay may Mama pa siyang sobrang bait sa kanya. Sa'n pa siya? "Mamaya na, Ma!!. Wala namang pasok eh," nakangiti pero nakapikit niyang sagot. "Ay bahala ka nga riyan kung maalikabukan ka!"
Haaayy! This is life kapag Saturday! Thank God it's Saturday! "Ano ba 'tong mga papel dito? Itatapon ba ang mga ito?"
Hindi na niya pinansin ang Mama niya. Ganito talaga 'pag nag lilinis ito. Maingay ang Mama niya.
Sinikap niyang makatulog ulit. "Haisstt! Pati bote 'di pa tinapon sa school, inuwi pa talaga rito sa bahay!" At lumabas na ang Mama niya para ibasura sa labas ang mga basura niya sa silid. Nang biglang may nag-sink-in sa isip niya na sinabi ng Mama niya. "Bote?!" Biglang dilat siya ng mata at bangon. Late reaction lang ang peg.
"Ang bote ko!" At parang maiiyak niyang sambit nang wala na sa study table niya ang bote niya. "Wahhhh! Maaaa!! Huwag mong itapon ang bote kooooo!" Saka siya napabalikwas ng bangon at tarantang isinuot ang kanyang salamin sa mata at tsinelas. Hinabol niya ang Maaaa!! tika Maaaa!!! huwa mo tapon buti ko! "Maaaaa!!!!" "Ano ba?! Ba't ang ingay-ingay mo? Mama ka ng Mama riyan!" saway ng Mama niya sa kanya na nahabol niya ito sa labas. "Maaa!!! 'yong bote ko! Huwag mong po itapon!"
"Anong boteng sinasabi mo?!" Ang haba-haba ng nguso niya na kinuha sa kamay ng Mama niya ang mga basura saka kinalkal iyon. At nang makita ang hinahanap ay parang sanggol niya iyong pinunas punasan at saka niyakap sa dibdib.
"Ay sus 'yan ang tinutukoy mo? Bote ng softdrink? Ano ba 'yan?"
"Bote po 'to ng C2 Milk Tea bigay po ng isang kaibigan ko po! Basta huwag niyo pong itatapon 'to ha?! Mahalaga ito sa 'kin, Ma!"
"Ang daming bote sa loob! 'Yong bote ng mantika! 'Yon ang yakapin mo! May mga galon pa do'n kung gusto mo?!
Mama Naman eh pilusupo Naman po kayo? Ano't pinahahalagahan mo 'yan eh wala na ngang laman?!" "Basta, Ma! Huwag mo itong itatapon. Sige na pumasok ka na sa loob. Ako nang mag babasura ng mga ito." "Haayyy! Bahala ka na nga riyan!" Kakamot-kamot sa ulo na iniwan na siya ng ina. Napahagikgik na lang si Sandy. Tapos ay nakangiti niya ulit na pinunas-punas ang bote ng C2 Milk Tea na binigay sa kanya ni Louis.
"Okay ka lang?" Kinausap pa niya ito na parang bata.
Inuwi niya talaga iyon dahil para sa kanya ay may sentimental value na iyon sa kanya.
Aba'y first time ba namang may mag bigay sa kanya ng isang bagay at galing pa sa guwapong lalaki kaya mahalaga na iyon sa kanya. Iingatan niya ang bote kahit sabihan siya ng Mama niyang nababaliw na. I-didisplay niya iyon sa kuwarto niya. Walang makakapigil sa kanya! Wala silang pake!
Dikawasa'y ngingiti-ngiti na tinungo na niya ang basurahan. Nang may mapansin siya.
"Mama ko po!" Ang tindi ng gulat niya.
Paano'y nasa 'di kalayuan pala si Louis at nakatingin sa kanya. Nakasandal ito sa isang magarang kotse. Waaahhh! Awtomatiko na namilog ang mga mata niya. 'Yong bote ng C2 Milk Tea na sabi niya ay iingatan niya at i-di-display niya sa silid niya ay bigla niya tuloy naitilapon sa kung saan.
At para na siyang naestatwa sa kanyang kinatatayuan. Si Louis ay natatawa namang isinuot nito ang rayban na mamahalin.
Bago lumapit sa kanya.
Siya, parang gusto niyang lamunin na lang ulit ng lupa sa mga oras na iyon. Nakakahiya! At nang mag kaharap na sila ni Louis ay napakagat-labi siya. Ano ba 'yan! Pinamulsa ni Louis ang dalawang kamay at tinitigan siya, halatang pigil na pigil nito ang tawa. "W-wala kang nakita, 'di ba?" Pulang pula ang mag kabilang pisngi niya na tanong. Sana talaga ay may monster sa mga oras na iyon at kainin na lang siya ng buhay.
"Wala 'yon! Joke-joke ko lang 'yong mga nakita mo!" "Wala akong nakita," natatawang sagot ng gwapong gwapong binata sa kanya. Bagong paligo kaya fresh na fresh itong tingnan. Samantalang siya ay gulo ang buhok at naka-pajama palang. Yuck! Gayunman nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyong ng binata. Iyon naman pala eh. Wala raw nakita. Buti naman.
Pero nang kumilos si Louis para pulutin ang naitilapon na bote ng C2 Milk Tea ay parang hihimatayin na talaga siya sa sobrang kahihiyan.
Sinungaling!
"Oh?" pilyong abot ni Louis sa bote ng C2, Milk Tea sa kanya. "Haissssttt! Nakakahiya talaga!!" sa loob-loob ni Sandy na pahablot na kinuha iyon. Hindi mailarawan ang kanyang mukha. Para siyang nakakain ng kalamansi dahil sa pag kakaasim ng kanyang mukha or para siyang natatae na ewan sa hitsura niya dahil pinag papawisan siya ng malapot. Jeezz!
"Samahan mo ako," dikawasa'y parang wala lang kay Louis ang lahat na anito. Napalabi siya na nayakap sa dibdib niya ang bote ng C2 Milk Tea "Saan tayo pupunta?"
"Kahit saan basta 'yung tahimik na lugar! Gusto kong mag pakalayo-layo!" Mababakas na ang lungkot sa mukha ng binata. "Bakit anong nangyari sa 'yo?"
Tumaas ang mga balikat ni Louis. "Basta!" pero sabi nito sabay baba ng mga balikat nito. "Tara na?"
Tinaasan niya ito ng dalawang kilay. Hindi ba nito kita na naka pantulog palang siya?
Saka wow! Kung magyaya ay parang close na close na sila hah?
"Hindi ako pwede eh."
"Bakit naman?" "Basta!"
"Gano'n?" dismayado ang boses ng binata.
"Bakit kasi ako ang niyayaya mo? Bakit hindi 'yung mga barkada mo?"
"Gusto ko ngang pumunta sa tahimik na lugar, 'di ba? Kung sila ang isasama ko eh di wala rin. Ang gugulo kaya ng mga iyon?"
"Ano ba kasing nangyari at gusto mo ng tahimik na lugar?" Matagal bago sumagot si Louis. "Sina Mommy at Daddy nag-aaway na naman.
Rinding-rindi na ako sa away nila!" "Talaga?" Hindi niya alam na may ganoon palang issue sa buhay ng binata. Akala niya ay perfect ang pamumuhay nito. Kasi naman sagana ito sa lahat. Nasa kanya na ata ang lahat eh. Saka kasi kapag may meeting sa school naman at nakikita nila ang mommy o daddy ni Louis ay parang okay naman ang mga ito. Karespe-respetong mga tao!
At ang akala lang niya ay ang kagwapohan nito ang problema ng lalaking ito. Hindi pala! "Araw-araw na lang! Minsan nga pinag dadasal ko na lang na huwag na lang silang umuwi sa bahay eh! Mas okay pa kung kami lang ni Yaya ang nandoon! Tahimik ang bahay!"
Napakagat labi siya. Naawa naman siya sa binata. Totoo nga talaga na kapag anak mayaman ka ay may mga problema talagang ganito. Sagana nga sa pera pero kulang naman sa katahimikan ng pamilya. "Sige na nga sasamahan na kita,"
Nakonsensya naman siya or tamang word ay naawa. Kung hindi niya ito sasamahan ay baka saan pa mag punta eh.
"Talaga? Ang bait talaga ng bago kong kaibigan!"
Inismiran niya ito. "Nambola ka pa! Sige mag bibihis lang ako at magpapaalam kay Mama."
Tumango si Louis.
"Pasok ka muna sa bahay?" "Huwag na. Antayin na lang kita dito sa kotse." "Sige bahala ka." "Hindi mo talaga itatapon 'yan?" Nagawa pa ring pansin ni Louis sa boteng yakap-yakap niya sa dibdib niya.
"Haisstt! Huwag mo na nga lang pansinin 'to!"
"Aanhin mo ba 'yan?"
"Gagawin kong alkansya!" sabi na lang niya at mabilis na pumasok na ng bahay. Saglit lang ay sakay na sila ng sasakyang magara ni Louis. Buti na lang at hindi motor ang dinala ng binata ngayon. At aaminin niyang enjoy siya sa pag sakay sa kotse ni Louis. Ganda at ang astig kasi.
"Saan ba tayo pupunta? Parang kanina pa tayo paikot-ikot ah?" pero hindi nagtagal ay puna na niya ng parang walang direksyon ang dina-drive ng binata. Napakamot-ulo si Louis. "Actually, I don't know. Nag-iisip pa ako."
"Naku naman!" Natampal niya ang sariling noo. Komportable na siya konti sa binata. Friends na sila eh.
"Ikaw? Baka may suggestion kang place na tahimik?" Nilinga siya ng binata na natatawa.
"Sa heaven na lang kaya?" biro niya rito. "Tara?!" Pinaspasan ni Louis ang takbo ng kotse. 'Yung heaven kasi ay pilyong iba ang naging meaning no'n dito. "Hoy! Ano ka ba?! Sineryoso mo naman! Ikaw na lang mauna sa heaven!" nahintakutan si Sandy. Wala pa nga siyang nagiging boyfriend heaven agad? As in heaven hindi 'yung ano ha? Ayaw pa niyang makita si San Pedro! "Biro ko lang 'yon ooooyyyy!"
Hinila niya ang manggas ng damit ng binata.
Natawa si Louis. Binagalan ulit nito ang takbo ng sasakyan. "Madali lang kasi akong kausap!" "Sira!" Umayos ulit siya ng upo. Panay ang irap niya sa binata. Buti na lang at guwapo! Kung hindi! Ay naku! 'Di man lang mabiro eh!
Mayamaya lang ay may naisip na siyang idea kung saan sila pupunta. "Ikanan mo!" Napatingin sa kanya si Louis. "May alam ka na?" "Oo! Tahimik doon. Walang i-istorbo sa 'yo. Makakapag-isip ka ng maayos at may mahihingan ka pa ng tulong sa problema mo."
"Good!" Mabilis nga na pinaikot ni Louis ang manibela sa kanan.
Saglit lang ay narating na nga nila ang lugar na sinasabi ni Sandy. Pero 'yung mukha ni Louis habang papasok doon ay hindi maipipinta siguro kahit ng mga batikang pintor! "Teka lang!" pigil ni Louis sa kamay ng dalaga.
"Bakit?" mahinang tanong ni Sandy. "Dito talaga? Sigurado ka?" Ngiwing-ngiwi si Louis. Ang natatandaan kasi nito ay huling pasok nito sa lugar na ganoon ay noong namatay ang lola nito. Noong inihatid nila ito sa huling hantungan.
"Oo nga! 'Di ba antahimik? Ta's ang gaan sa pakiramdam?" kabaliktaran ang mukha ni Sandy sa mukha ni Louis dahil napakaaliwalas ng mukha ng dalaga.
Napabuga na lang ng hangin sa bibig si Louis tapos napalunok. May magagawa pa ba ito? Nandito na sila eh.
Ginaya na lang nito si Sandy na nag-sign of the cross.
Dahil nandito sila ngayon sa simbahan!
Sabagay tahimik nga naman talaga. Saka mabuti na ito keysa sa sementeryo pa ito dinala ni Sandy. Wala nga naman talagang makakatalo sa katahimikan. Kaya lang sa tulad nito kasing hindi nag sisimba ay parang nakakatindig balahibo.
Pakiramdam ni Louis ay tatamaan ito ng kidlat ano mang oras. Yay!
"Lord patawad kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo," dikawasa'y usal ni Louis na napatingin sa altar. Nahihiya ito kay Lord. Kung hindi pa ito dinala kasi ni Sandy rito ay hindi nito maiisip na magtungo sa simbahan.........
"'Di ba ang sarap sa pakiramdam?" Maaliwalas ang mukhang tanong ni Sandy kay Louis. Ngiting-ngiti silang dalawa na lumabas sa simbahan na iyon. Patungo na sila kung saan nakaparada ang sasakyan ni Louis "Salamat ha? Gumaan ang pakiramdam ko." "Okay lang 'yon. Basta kapag may problema ka o may gumugulo sa isip mo ay dito ka lang pumunta kasi ganito lagi ang ginagawa ko." "Ano naman ang mga problema mo sa buhay?"
Napalabi si Sandy sa tanong na iyon ni Louis. Gusto niyang sabihin na love life niya ang problema niya sa buhay kaya lang nakakahiya naman. "Basta marami rin pero mga simpleng problema lang naman," kaya sabi na lang niya. "Aaah.. buti ka pa," bulalas lang din ni Louis.
"Kuya! Ate! Bili na kayo bananacue ko?!" Isang batang naglalako ang nagpatigil sa kanila sa paglakad at pag-uusap.
Nagkatinginan sila.
"Sige na, Ate, Kuya. Para maubos na ito para makauwi na ako at mapakain ko na ang nanay ko," nakakaawang pilit sa kanila ng bata.
"Sige pabili ako ng isa." Naawang pag papapaunlak niya sa bata. Kinapa niya ang kanyang bulsa pero pinigilan siya ni Louis. "Ako na," saka anito at kumapa rin ng bulsa nito. Napatanga siya. Ow? Talaga? I-lilibre ulit siya? Hindi nga? "Dalawa bata," sabi ni Louis sa bata sabay bigay sa isang daang peso rito.
Tuwang-tuwa namang inabutan sila ng bata ng tig-isang bananacue. Kaya lang ay napalabi ito nang makita ang isang daan.
"Barya lang po, Kuya. Wala akong panukli niyan eh." "Wala akong barya eh kaya sa 'yo na lang 'yan. At umuwi ka na." Halos magtatalon sa tuwa ang bata. "Salamat, Kuya! Pagpalain ka ni God ng--" Natigil ang bata at tumingin sa kanya ng pataas-pababa saka balik ding tingin ito kay Louis. Tapos ay may ibinulong. "Pag palain ka po sana ni God ng mas magandang girlfriend, Kuya!"
Narinig niya iyon kaya naningkit ang mga mata niya pero nag tatakbo na ang bata palayo. "Salbaheng bata 'yon ah!"
Natawa si Louis. "Hayaan mo na akala lang niya siguro ay girlfriend kita."
"Hmmmp!" Iningusan at hinalukipkipan niya ang nag tatakbong bata. Inihipan niya ang kanyang bangs. Pati mga bata ngayon ay panlabas na anyo na ang tinitingnan. Nakakadismya! Tsk!
"Halika na," siko sa kanya ni Louis. Narating na nila ang kotse. Pinagbuksan siya nito na akala mo'y isa siyang prinsesa.
Naks! "Salamat dito." Mauubos na niya ang bananacue. Ngumiti si Louis sa kanya saka umikot ito para sumakay na rin. Kinain muna ng binata ang bananacue rin nito bago sumakay, dalawang subuan lang nito 'yon. Puno ang bibig nito ng bananacue na pinaandar ni Andy ang sasakyan. "Hihihi!" hagikgik niya na hindi napigilan. Nginuya at nilunok ni Louis ang laman ng bunganga.
"Bakit?" saka tanong nito sa kanya. "Hindi ko alam na kumakain ka rin pala ng mga ganitong pagkain?" "Anong akala mo sa 'kin? Alien?"
Umilong siya na natatawa. "Mayaman ka kasi eh! Astig ka nga pala talaga! Tama lang pala na idolihin ka ng mga kapwa nating estudyante. Gwapo na ay mabait pa at wala pang kaarte-arte!" "Naks! Lumaki naman ang puso ko sa sinabi mo."
"Totoo naman eh," Paninindigan niya sa mga sinabi. "Salamat! Ikaw nga rin eh! The best ka rin! Akala ko noon suplada ka eh kasi hindi ka man lang namamansin."
Nalungkot siya. "Nahihiya kasi ako."
"Oo nga pansin ko 'yon."
"Pero ngayon hindi na! Kasi friend ko na ang isang tulad mo!" Bigla ay sabi niya na balik maliksi ang boses niya. Ayaw niyang sayangin ang sandali na masaya sila ng binata. "Talaga?"
"Aha!" tumango siya sabay kindat. Natawa naman ang binata. Ang saya-saya nila talaga. Sana ay walang magiging katapusan ang pag kakaibigan nilang ito. Kahit ganito na lihim lang ay okay lang.
Kasi masaya talaga sila na magkasama.
"Gusto mo miryenda muna tayo bago umuwi?"
"Nagmimiryenda na tayo ah?" aniya na pinakita ang bananacue na hawak.
"Iba pa 'yan! Don't tell me, busog ka na riyan?" "Medyo?" tugon niya na may ngiti. Saka pinag patuloy ang pagkain n'on.
"I insist! Daan muna tayo roon!" May itinuro si Louis.
Tiningnan niya iyon. At sa Jollibee pala! Agad siya natakam sa mga pagkain sa jolibee. "Sige! Gusto ko yum burger tapos jolly hotdog tapos spaghetti tapos sundae!" at sabi niya kahit mas madami pa ang laman ng isip niya na gusto niyang kainin. Jollibee eh!
Napangiwi si Louis. "Medyo 'di ka nga gutom noh?" Malakas na tawa ang tinugon niya. Nagtawanan sila. At hindi na 'yon natapos hangga't natapos sila sa pag lamon. Ang nakakaloka naubos nga lahat ni Sandy ang in-order nila. Busog much! BURRRRRPPPP na BURRRRPP!
Tinatawanan na lang siya ni Louis hanggang kotse. 'Yung jolly fries talagang nilalamon pa rin kasi niya hanggang sasakyan. Sayang eh! "So, uuwi ka na? Ayusin mo ang problema mo. Kausapin mo ang Mommy at Daddy mo." Pero syempre nagseryoso ulit sila habang on the way na sila pauwi.
"Susubukan ko," malungkot na saad ni Louis."Huwag mong subukan. Gawin mo para 'di lumala ang sitwasyon nila. Alam mo na.. baka.. 'yon na 'yong ano--"
Napabuntong-hininga si Louis habang nag mamaneho. Gets na nito ang nais tukuyin ng dalaga. "Oy?" "Oo sige na!" Natuwa naman si Sandy sa binata. Kahit ilang araw palang silang magkaibigan ay sumusunod na ito sa payo niya. Ubos na niya ang Jolly Fries. Pero wala siyang balak itapon 'yung pinaglagyan n'on.
Tulad ng C2 Milk Tea na bote ay itatago niya rin iyon. "Oh? Ba't mo nilagay sa bag mo 'yon?" pansin ni Louis sa ginawa niya. Ang linaw talaga ng mata. Tss!
"Huh?! Ah.. eh.. Ano eh bawal mag tapon ng basura 'di ba? Do'n ko na lang itatapon sa bahay."
"Wow ha?! Ang bait mo naman!" "Syempre! Dapat protektahan natin ang environment 'di ba?"
Natawa na naman si Louis. SAGLIT LANG ay nasa tapat na sila ng bahay nila. Hindi na bumaba si Louis.
"Salamat. "Salamat din."
"Ingat ka." "Oo sige." Ngiting-ngiti si Louis.
Ta's umalis na ito.
Naiwan sa may gate nila si Sandy na ngiting-ngiti rin. Kumaway pa siya sa sasakyang palayo.
"Saan na naman kayo nanggaling?" Bahagyang nagulat siya sa biglang sulpot na Mama niya.
"Sa simbahan, ma" Nag mano siya sa ina. "Sa simbahan?" Naglakad sila papasok sa bahay nila. "Opo, kasi may problema po si Louis eh tungkol sa parents niya." "Gano'n ba. Eh buti naman at tinuruan mo kung saan siya dapat pumunta kung may problema siya."
Ngumiti siya sa mama niya. Proud ito sa kanya pero mas proud siya sa sarili niya kasi alam niya kahit paano ay natulungan niya ang bago niyang kaibigan. Na kahit paano ay napagaan niya ang loob ni Louis. "Sana nga po ay maayos na ang problema ng parents niya, ma."
"Bakit ano bang problema ng magulang niya?"
"Lagi raw po nag-aaway eh." "Ay ganoon talaga 'pag mayayaman."
"Oo nga po eh. Kawawa po si Louis kapag nag hiwalay ang mga iyon."
Umiling-iling ang nanag niya. Pagkuwa'y naisip niyang maligo. Nag paalam siya sa mama niya. Doon natapos ang pag-uusap nilang mag-ina.
'LOUIS POV"
hindi pa man nakakarating ay tinigil na ng binata ang kanyang kotse sa 'di kalayaun. Natanawan na kasi niya ang palabas na kotse ng Daddy niya at ang humahabol naman na Mommy niya sa kotse. Umiiyak ang Mommy niya!
Napahigpit ang hawak ni Louis sa manibela.
Para siyang nanonood ng pelikula na Live. At ang eksena ay hiwalayan ng mag-asawa. Kitang-kita rin niya na napaluhod sa kalsada ang Mommy niya. Inaalalayan ito ng kanyang Yaya Chade..
Huli na para maayos pa niya ang sigalot ng kanyang mga magulang. Wala na! Tingin niya ay mag hihiwalay na ang mga ito ng tuluyan.
Napabuga siya ng hangin. Pagkuwa'y tiim bagang niyang ini-u-turn ang kanyang sasakyan. Ayaw na niyang umuwi.
Tapos na maligo at magbihis si Sandy Pinapatuyo na lang niya ang buhok niya sa twalya. Nang makita niya ang bote ng C2 Milk Tea niya at napangiting naalala niya ang lagayan ng jollibee fries sa bag niya. Excited na kinuha niya iyon at tinabi sa bote ng C2 Milk Tea, saka masaya siyang napatitig sa mga iyon.
Mga simpleng bagay pero mahahalagang bagay para sa kanya. Mga bigay sa kanya ng bagong kaibigan niya. "Anak?"
"Po?" "Buksan mo nga 'yung gate. May kumakatok eh may ginagawa ako." "Sige po!" Nagtatakbo siya patungong pinto. May taong kumakatok nga. Agad niya 'yung binuksan at anong gulat niya nang makitang si Louis pala ang kumakatok sa may gate nila. "Louis?!" "Samahan mo ako ulit, Sandy?"
"Huh?!" "Gusto ko sa magulo namang lugar!"
Napangiwi siya. Hano ba 'yan!!!.........