"Sakay na!"
Umiling si Sandy. Ayaw niya. "Bakit?"
Napangiwi siya at tiningnan niya ang palda niyang suot na uniform. Iyon ang dahilan kaya hindi siya pwedeng sumakay sa motor. Isa pa ay takot siya. Napakamot ulo si Andy. "Okay lang 'yan. Pa-side ka na lang umupo." "Ayoko!" giit niyang nahihiya. "Sige na!"
"Ayaw ko talaga. Mag-taxi na lang ako ta's sunod ka. Saan mo ba gusto kumain?" "Sure ka?"
"Oo, baka kasi may makakita sa 'tin. Ayoko nang matsismis ulit."
Napalabi si Louis. "Sige," pag kuwa'y anito na napapalabi. Nag-abang na nga ng taxi si Sandy. Hindi siya mapakali. Sakto ang kinatatayuan niya dahil may dumadaan doong mga taxi para sa mga sosyal na estudyante. At pinara niya agad ang dumaan.
Nakatingin lang sa kanya ang binata. Tingin na nakakailang.
"Sa'n ba tayo?" tanong niya kay Louis bago buksan ang pinto ng taxi.
Kita niyang nakahawak sa baba nito ang binata. Nag-iisip siguro.
"Anong sasabihin ko sa taxi driver na pupuntahan natin?" ulit niyang tanong.
Napakagat-labi si Louis.
"Wait lang," tapos ay sabi nito saka pinaandar ang motor nito at umalis.
Nag tatakang sunod tingin siya. Saan pupunta 'yon? Nagbago ang isip? Sabi na nga ba niya eh!
Haissst! Sino ba kasing guwapong lalaki na makikipag-date sa isang tulad niyang pangit? Tsk!
Asa ka pa Sandy?! sabi niya sa sarili na napabuntong-hininga.
Bumaba ang salamin ng taxi. "Ano miss? Sasakay ka ba o tutunganga na lang diyan?" Pag susupladong silip sa kanya ng taxi driver.
"Aahhh. H-hin--" Sagot niya sana ay hindi na po pero may umunang nag salita sa kanya.
"Sasakay po kami, Kuya!" Si Louis. Napatangang napalingon siya sa binata. Ngumiti ito sa kanya. Shocks!
"Pinark ko lang 'yong motor. Tara na?"
"Huh?!" ang tanging nasambit niya tapos ay napalunok. "Tara na! Gutom na ako!" Napa hawak pa sa sariling tiyan si Louis at pinag buksan na siya ng pinto. "Sakay na?" Napangiwi siya. "Uhmmm.. Sa susunod na taxi na lang ako," aniya na nailang. 'Di niya ma-imagine kasi na makakatabi niya sa taxi ang binata. Baka mahimatay siya! Mahirap na! "Ano ka ba? Dito na tayo!" "Mag katabi tayo riyan?" Parang siya pa ang nahihiya. Kasi naman parang wala talaga siyang lakas na makitabi sa guwapong binata. Jusko.
"Oo naman. Ayaw mong sumakay sa motor ko eh kaya dalawa na lang tayo rito. Okay lang naman 'di ba?" "Pero.. b-baka may makakita sa 'tin?"
"Wala 'yan! Saka medyo tinted naman ang salamin ng taxi. Kaya sakay na! Papakasaya tayo ngayon! Tutal pagabi naman na!"
Kamot sa ulo niya si Sandy. Pero sa huli ay sumakay na rin siya. Ang arte na niya kung aangal pa siya. Mag katabi nga sila si Louis.
At hindi niya mailarawan kung anong pakiramdam niya. Para siyang nalulusaw na ewan. Para na rin siyang nabato sa kinauupuan.
"Sa Timog tayo, Kuya," sabi ni Louis sa driver ng taxi. Saka kampante na itong umupo.
Siya ay pasulyap-sulyap na lang sa katabi. Kampanteng-kampante kasi si Louis na nakaupo sa tabi niya. Parang hindi talaga nandidiri sa kapangitan niya ang binata. Ibang klase! Ibang-iba ito sa mga lalaki! Tapos isipin pang guwapo ito kaya naman hindi siya makapaniwala.
"Bakit?" Pansin tuloy sa kanya ng binata. Nahalatang patingin-tingin siya rito. "W-wala." Biglang baling siya ng tingin sa harapan. Shame!
"Inom tayo ha?"
"Huh?!" Balik tingin siya sa binata. Nanlalaki ang mga mata niyang natatabingan ng malaki niyang eyeglass. "Bakit hindi ka umiinom?" Inosenteng umiling siya. "Sige ako na lang. Basta samahan mo ako." Pag kasabi niyon ay pinikit na ni Louis ang mga mata nito at isinandal ang ulo sa headrest ng kinauupuan. Alam nito kasing matagal pa ang byahe nila dahil traffic.
Si Sandy naman ay hindi alam kung paano kikilos. Parang naninigas ang kanyang mga tuhod. Na kapag nadidikit sa binata ay para siyang nakukuryente at nahihiya. Tingin niya kasi kay Louis ay kay linis-linis at siya naman kay dumi dahil sa kapangitan niya. At mas nanigas pa siya nang biglang natumba sa balikat niya ang ulo ng binata. Nakatulog agad?!
Natutop niya ang kanyang bunganga. Muntik na siyang mapasigaw eh.
Hala! Ano ba 'yan? Gusto niyang ilayo ang sarili pero matutumba naman si Louis. "Gisingin mo na lang ako kapag nandoon na tayo, iidlip lang ako. Inaantok kasi ako," mahinang sabi ni Louis. Hindi pa pala tulog.
Lalong nanigas siya. Hindi na siya gumalaw pa kahit konti lang. Kahit may makati ay tiniis niyang huwag kamutin. Eyeballs lang niya ang gumalaw buong byahe huwag lang maistorbo si Louis sa pag tulog nito. Nilibang na lang niya ang sarili sa pag-amoy ng mabangong pabango ng binata. Ewan niya kung buhok palang 'yon ni Louis ang mabango. Basta gustong-gusto niya 'yong amoy.
Panglalaki pero hindi matapang. Ang sarap sa ilong. "Nandito na tayo? Sa'n ba rito ang punta niyo?" Nang sa wakas ay tanong na sa kanya ng driver. "Huh?! Wait lang po!" Nataranta siya. Hindi niya alam kung saan gusto kumain ni Louis pero paano niya ito gigisingin? Tulog na yata talaga.
"Gisingin mo na ang boyfriend mo," sabi ng driver.
"Po?! Hindi po! Hindi ko po siya boyfriend!" gulat niyang pag tatama. "Haisstt! Mga kabataan talaga! Sige na gisingin mo na 'yang kaibigan mo!" "Hindi ko rin po siya kaibigan." "Ay naku kahit ano mo pa 'yan! Gisingin mo na!" Nairita na sa kanya ang driver pero totoo naman na hindi niya boyfriend o kaibigan si Louis eh. Tinatama niya lang ito. "Opo," sagot niya rito na lamang. Kaya lang hindi niya alam kung paano ito gigisingin. Tinaas niya ang kanyang kamay pero kahit buhok ni Louis ay parang 'di niya kayang hawakan. Ghad! Napalunok siya ng ilang ulit.
"A-Louis? Nandito na tayo." Kumilos naman ang binata pero umayos lang pala. Nakagat niya ang lower lip niya. Aatakihin siya sa puso nito eh.
Akmang hahawakan niya ulit sana ito sa buhok pero hindi niya talaga kaya. "Kuya?" hingi na niya ng saklolo sa driver.
"Oh?" "Pwede ikaw na lang po ang gumising sa kanya?" Maang na napatingin sa kanya ang driver. Takang-taka ang tingin nito sa kanya. "Gisingin lang hindi mo pa magawa sa boyfriend mo?"
"Hindi ko nga po kasi siya boyfriend!" Napataas na rin ang boses niya. Ang kulit eh. "Ay ewan ko sa inyong mga bata kayo!" Napakadaling kinalabit ng driver ang tuhod ng binata. "Boss nandito na tayo!"
Nagising si Louis, pupungas-pungas itong inayos ang buhok at mukha tapos tumingin tingin sa paligid. "Ay sige po dito na kami," saka anito na nilabas ang wallet. "Mag kano po?"
"A-ako na!" Inunahan ni Sandy ang binata. Pero pinigil siya ni Louis. "Ako na!"
"Pero hindi ba treat ko 'to?" Ngumiti ang guwapong binata. "'Yong pag kain mamaya pero ngayon ako muna," saka sabi nito at binayaran na ang taxi driver. Keep the change pa kaya tuwang-tuwa ang driver.
Bumaba sila. At anong pamimilog ng mga mata ni Sandy nang makita niyang disco bar pala ang pupuntahan nila ni Louis.
"Halika na!"
"Ayoko!" "Bakit?" "'Di ako puma pasok diyan!" "Bakit naman?" "Basta!"
"Haisssttt! Huwag kang matakot akong bahala sa 'yo!" "Ayoko talaga!"
Pero hinuli ni Louis ang kanyang isang kamay at hinila siya. "Baka may makakita sa 'tin?!"
"Wala! At kung meron man wala silang pakialam. Basta mag-enjoy tayo rito ngayon." Walang nagawa si Sandy kundi ang mag patianod. Ilang na ilang siya na pumasok sa lugar na iyon.
Medyo madami ng tao na mga kaedad lang nila. Ang dilim ng paligid. At may nagsasayawan na parang mga lasing na kahit kakaumpisa palang ng gabi. "Dito tayo!"
Sa isang sulok sila umupo.
"Inom ka ha?" Umiling siya. "Basta iinom ka!"
"Ayoko!" Pero ngumiti lang si Louis sa kanya at tinawag na ang waiter. Andaming in-order ni Louis "Makakain mo lahat 'yan?"
"Oo naman! Matakaw kaya ako!" Pag yayabang ng binata. "Hindi naman halata," aniya dahil payat si Louis. Natawa si Louis. "Nag-aalala ka ba sa bayad? Don't worry treat ko 'to ngayon sa ibang araw na lang 'yong treat mo sa 'kin." "Huh?!"
"Ayaw ko kasing umuwi kaya sasamahan mo akong buong gabi! Okay lang 'di ba?" "Pero--"
"Kung ayaw mong uminom eh di kumain ka na lang ng kumain." Hindi na siya umimik. Bahala na nga.
"Gusto mo?" Mayamaya ay alok sa kanya ni Louis nang mag simula na itong uminom. "Mapait 'yan 'di ba? Bakit gustong-gusto niyo?" Natawa si Louis. "Inosente ka nga talaga."
"Ayoko lang ng mga ganito," pag tatanggol niya ulit sa sarili. "Kaya nga I like you eh!" "Huh?!"
Natawa ulit ang binata. lalo gumagwapo ito 'pag tumatawa. Ang cute. "I mean I like you kasi alam kong safe ako sa 'yo. Hindi mo ako ire-rape."
"Akala ko mabait ka! Mayabang ka rin pala!" apili niya. Mas malakas ang naging tawa ni Louis.
"Sorry! Pero promise totoong safe ang pakiramdam ko sa 'yo. 'Di tulad ng ibang babae."
Ngumiti na rin siya rito. Iyon naman pala.
"Friends?" Inilahad ni Louis ang kamay nito sa kanya at sino naman siya para tumanggi pa.
"Sige friends!" Alinlangan man ay pag payag niya.
Nag ngitian sila habang nag-she-shake hands.
"Inom ka?" Pilit na naman ni Louis sa isang bote ng alak sa kanya.
"Ayoko nga niyan!" "Sige na! Celebration natin kasi mag kaibigan na tayo!" pag pipilit pa rin ni Louis.
Napalabi siya. "Ano bang lasa niyan?" "Mapait nga pero 'pag nag tagal parang juice na." "Weh?" "Try mo kasi!" Nag dalawang isip man ay inabot na niya ang bote ng alak. Inamoy niya at napangiwi siya.
Napahalakhak si Louis. "Iniinom 'yan hindi inaamoy kasi!"
Natawa na rin siya. Hindi lang pala mabait at gentleman si Louis, masarap ding kasama. Suplado sa tingin pero kapag nakasama mo na ay kalog din pala. Nakangiti niyang tinungga ang baso. "Uhmmm" at ngiwing ngiwi siya dahil ang pangit talaga ng lasa. "Okay 'di ba?" nakatawa pa ring tanong ng binata.
Ngiwing tumango siya. Kahit ang totoo ay parang may gumuhit na ewan sa kanyang lalamunin. At di 'yon okay. "Isa pa!"
"Ayoko na!" "Sige na! Paano mo malalaman na parang juice na lang ang lasa niyang kapag nagtagal?" Walang nagawa na naman siya kundi ang sumimsim na naman sa alak. Hindi nag tagal ay parehas na silang nag tatawanan. Ang mahinhin na si Sandy ay wagas na kung makatawa. Wala na silang hiya-hiya dahil sa epekto ng alak.
"Isa pa!" at si Sandy na ang nag sasabi n'on. Taga lagay na lang si Louis.
Si Louis na tuloy ang hindi makainom dahil nag-alala ito kay Sandy na baka malasing at walang mag-uuwi rito..........
"Dito ang bahay niyo?" tanong ni Louis habang akay-akay si Sandy.
Susuray-suray ang dalawa na lumapit sa bahay na iyon. "Oo! Dito na nga "hik hik hik... Pero gusto ko pang uminom! Balik tayo roon! "hik..hik..." mapupungay ang mga matang sagot ni Sandy.
"Next time na lang ulit lasing ka na eh," sabi ni Louis sabay katok niya sa gate ng bahay nina Sandy.
"Ayoko pang umuwi! Inom pa tayo "hik...hik...Hik.."Ang sarap n'on! Parang juice nga! Hahahaha! "Hik" Natawa si Louis. Kasalanan niya 'to. Lagot! "Oooppss!" Nang muntik nang matumba si Sandy buti na lang at nasalo niya ito. Ang likot kasi eh. Tss! "Tingnan mo 'di mo na nga kaya!"
"Hihi kaya ko pa! "Hik.. Tara na balik tayo ro'n!" hinila siya nito. Ang kulit talaga.
"Huwag na nga! Ang kulit mo!" angal niya pero natatawa siya. "Sige na!"
"Matulog ka na lang, okay?" "Ayoko pa "hik" giit ni Sandy pero pag kasabi niyon ay ang pag bagsak naman na nito. Buti na lang at nasalo ulit niya ito. Wala talaga 'pag malasing ang mga babae. Tsk!
"Oh ano kaya pa?" natatawang saad niya. Iniyakap niya ang dalaga sa sarili niya para 'di matumba ito. Pero ngumuyngoy ang ulo ni Sandy at tuluyan nang nahulog ang malaking salamin nito sa mata.
Wala sa loob na napatitig tuloy siya sa mukha ng dalaga. Hindi niya naiwasang mapa-imagine. Maganda pala si Sandy kung walang salamin sa mata. Matangos ang ilong, maliit ang bibig at heart shape pala ang mukha nito kung titigan. Ang ganda! kung mag aayos pala siya mas maganda siya sa mga Nagin gf ko. at malaman pag pipilaan siya ng mga lalaki sa subra ganda,
Pag pasok ni Louis sa bahay nakita niya mama ni Sandy. hello po maganda gabi pasinsya na po kayo nalasin ko po anak niyo. please po huwag niyo po siya papagalitan nakikiusap po ako! kasalanan ko po kung bakit po siya nalasing niyaya ko po siya kanina.
Ahhhhh sige Hijo pkipasok sa kuwarto niya. hinatid kuna sa kuwarto si Sandy at nag paalam ng din ako.
grabi napaka kulit. sa school Nalang siguro ako matutulog.
Magisin si Sandy walaala. anong nangyari pa sa gabing iyon ay wala nang maalala si Sandy. Basta nagising na lang siya na nasa silid na niya siya kinaumagahan at masakit na masakit ang ulo niya."Nay?!"
"Oh buti at nagising ka na?! Alas otso na!"
Biglang balikwas siya ng bangon. Alas nuebe kasi ang pasok nila ngayon. "Nay bakit mo naman 'di ako ginising ng maaga?" hablot agad siya sa twalya niya. "Aba'y akala ko kasi'y hindi ka papasok! Umuwi ka ba naman na lasing na lasing kagabi! Pasalamat ka at nag paliwanag sa akin 'yong lalaking kasama mo at nakiusap na huwag kang pagalitan dahil kung hindi ay kakalbohin kitang bata ka!"
Natigilan si Sandy. Oo nga pala nag-inuman sila ni Louis kagabi at ang saya-saya nila. Pero hindi na niya maalala kung paano siya nakauwi.
"Tingnan mo nga 'yang mata mo! Mugtong-mugto kasi para kang bata na iyak ng iyak!" Awtomatiko na napatingin siya sa salamin. "Waaaaah! Pa'no ako papasok nito, Nay?" At parang maiiyak niyang sabi dahil ang laki ng mga eyebags niya. "Ay ewan ko ba sa 'yo at naglasing ka! Buti na lang at mabait 'yong kasama mong lalaki? Ano 'yon boyfriend mo? Inihatid ka niya kagabi!" "Si Louis po?! Inihatid niya po ako?!"
"Louis ba ang pangalan niya? 'Di ko na naitanong eh pero oo inihatid ka niya. Hindi nga umalis ng bahay hangga't hindi ka nanahimik at nakatulog eh! At hindi rin ako tinantanan kakahingi ng sorry kasi nalasing ka raw niya ng wala sa oras!"
Napangiwi siya. Naku naman nakakahiya kay Louis. Agad na siyang pumasok sa banyo at naligo at nagbihis. Ang bilis ng bawat kilos niya. Kailangan niyang makapasok sa school para makausap si Louis, hihingi siya ng pasensiya. Bakit ba kasi hinayaan niyang malasing siya ng husto eh? Kainis!
"Nay, pasok na ako!" Takbo agad siya palabas.
"H'wag ka na namang uuwi ng lasing! Lagot ka sa 'kin!" "Opooo!"
Pumara agad siya sa tricycle. "Kuya bilis!" mando pa niya sa driver. Kahit mas mahal ang pamasahe sa tricycle keysa sa jeep dahil special ay okay na lang sa kanya ngayon, makarating lang siya agad sa school.
At lakad-takbo siya agad pag dating niya sa school nila. "Good morning, Sandy!" bati sa kanya ng security guard. "Morning din po!" bati niya rin. Kahit hindi na niya tingnan kung sino iyon ay alam niyang si xander iyon.
"Dahan-dahan lang! Baka matisod ka! Maaga pa naman!" Habol na sigaw sa kanya ng mabait na binatang gwardya pero kinawayan na lang niya ito. Kailangang makarating agad siya sa classroom nila.
Subalit anong pag tataka niya dahil andaming estudyante sa may pinto ng classroom nila. Parang may mga inuusisa o tinitingnan. Para silang nagra-rally. Pero mas nag taka siya dahil pati mga kaklase niya ay nasa labas din.
"Anong nangyayari?" kalabit niya sa isang kaklase niya. "Sssshhh! Huwag ka raw maingay!"
"Bakit?" Nagkibit-balikat lang ang kausap niya. Hindi na siya sinagot kaya pinilit na lang niyang makisingit. Hanggang sa napalapit na siya sa pinto at naroon nakaharang si ricks at iba pang barkada nito sa pinto, pero wala si Louis. Nasa'n 'yon?
"Sabing tahimik kayo eh!" saway ni rickd sa mga maiingay na estudyante.
"Anong meron?" takang tanong ulit niya sa nakatabi niya. "Nasa loob daw si Louis! At natutulog! Kaya 'wag maingay!"
Ang lakas ng "Huh?!" niya kasabay nang pag bilog ng kanyang mga mata. "Dito siya natulog? Hindi siya umuwi?"
"Oo yata. Kaya sabi ni ricks hayaan muna siyang matulog tutal ay may 15 minutes pa naman daw bago mag simula ang klase." Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Kawawa naman si Louis. Kung bakit kasi talaga nalasing siya kagabi? 'Di sana ay nasamahan niya ito kahit saan. Wala siyang nagawa kundi ang hintaying papasukin sila ni ricks.
"Ay salamat akala ko late na ako," si Clara. "Anong nangyayari rito?" Ito man ay nagtaka.
"Nasa loob daw si Louis eh," sagot niya sa pinsan.
Saglit lang ay dumating na ang kanilang professor sa unang subject nila.
"Anong nangyayari rito? Bakit hindi pa kayo pumasok?" takang tanong sa kanila ng professor nila.
Hinayaan na sila ni ricks lahat na makapasok. At anong panlulumo ni Sandy nang makita niya si Louis na nakalugmok ang ulo nito sa desk ng upuan at tulog na tulog. "Bakit kasi 'di siya umuwi? O nakitulog na lang sa bahay?" guilting-guilty siya habang patungo siya sa upuan niya, na kay Louis ang tingin niya.
"Anong nangyari sa kanya?" pansin naman agad ng professor nila sa nakatulog na binata.
"'Di po namin alam, Sir. Basta naratnan na lang namin na nandito siya at tulog," sagot ng isa sa mga unang kaklase nila na pumasok. Nilapitan ng professor si Louis at niyugyog. Umungol ang binata at nagising.
"Sir?! So-sorry po!" ani Louis na kukurap-kurap, halatang antok na antok talaga siya. Nahihiya siyang inayos ang buhok at mukha. At anong bulungan ng mga babae dahil kahit bagong gising ang binata at gulo-gulo ang buhok ay mas gumwapo pa ito.
"Magsisimula na ang klase!" kaswal na sabi sa kanya ng prof habang pasimpleng nagtakip ng ilong dahil naamoy sigurong amoy alak siya.
"Dude anyare sa 'yo?" usisa ni ricks sa kanya sa mahinang boses nang iwanan na siya ng prof nila. Napatingin siya sa may bandang upuan ni Sandy. At napangiti siya nang makita niya ang dalaga ro'n. Tibay rin pala ni Sandy dahil nakapasok pa rin ito.
"Napasabak sa inuman," tipid na sagot niya sa kaibigan na napapahikab.
Nag simula ng mag-lecture ang kanilang professor. "Umuwi ka na lang kaya? Hindi ka pa ata umuuwi eh!" "Huwag na!" anya na sinuklay-suklay ang buhok sa pamamagitan ng mga daliri. "Louis oh?" Inaabutan siya ng suklay ni Karra. "No thanks," ngiting tanggi niya dahil okay naman na ang buhok niya. "Hulaan ko nasa bahay niyo si Cassy kagabi noh? Kaya hindi ka na naman na kauwi?"
Tanong pa sa kanya ni ricks. Tumango siya at umupo na ng tuwid. Napapatingin siya kay Sandy pero si Sandy 'di man lang lumilingon sa kanya. Ano 'yon deadma pag katapos ng lahat? Tsk!
"'Yan ang mahirap sa pogi eh!" biro ni rickd sa kanya. "Pero uminum kang mag-isa?" Umiling siya. Simpleng sulyap na naman siya kay Sandy. "May kasama ako." Pigil niya ang sarili na 'wag matawa. Naalala niya ang kakulitan ng dalaga kagabi.
"Sino?" Pilyong ngiti lang ang sinagot niya.
"Basahin niyo ang kwentong iyan at mamaya tatanungin ko kayo kung anong aral ang mapupulot diyan," sabi ng prof nila.
Tumahimik ang mga estudyante at nag basa nga. Pati na si Louis at Sandy. "Ano ba 'to?! Mga puyat ba lahat ng estudyante ko ngayon ha?!" Pero hindi nagtagal ay biglang tayo ang profesor nila at pumanaywang sa harap ng klase.
Taka ang mga estudyante pero nang makita nila ang ikinagagalit ng professor nila ay napangiwi ang lahat at napanganga.
Si Louis kasi ay tulog na naman sa desk nito! At ang nakapagtataka! Pati na rin si Sandy ay natutulog ng din!
Dalawa na silang tulog ni Louis sa klase!