Kung gaano pahiyain si Sandy ng ilang araw ng mga kapwa niya estudyante ay kabaliktaran naman ngayon dahil parang iniidolo na siya ngayon ng mga ito. Sa simpleng pag papasalamat sa kanya ni Louis kahapon na kumalat sa buong campus ay napakabilis na kinalimutan ng mga estudyante ang tungkol sa picture at hinahayaan na siya ng mga ito.
Ang lakas talaga ng hatak ni Louis sa mga estudyante. Iba talaga ang karisma ng binata. Grabe! Parang ito ang sinusunod ng bawat isang estudyante sa campus. Talo pa artista! "Hi Sandy!" bati sa kanya ng mag babarkdang nakatambay sa dinaanan niya. "Good morning, Sandy!" bati rin sa kanya ng isa pa na nakasalubong niya. Ngiwing napapangiti na lang siya sa mga ito.
"Di siya sanay kaya napapayuko pa rin siya ng ulo at nahihiya. "Sikat ka ata ngayon?" Mayamaya ay bahagya siyang nagulat nang may nag salita sa likod niya at nang lingunin niya ay ang mabait palang security guard na si Xander. "Di naman po kuya nagkataon lang po pinag tanggol po ako ni Louis" kiming anya sa laging tagapagtanggol niyang binata.
Oo, hindi siguro alam ng binatang guard pero napapansin niya iyon. Na lagi siya nitong pinag tatanggol. Na lihim niyang pinag papasalamat niya ng lubos. Hindi lang siya makapagpasalamat ng personal kasi nahihiya siya rito. "Sana ganito ang araw-araw mo," sabi pa ni Xander. "He-he!" Tugon niya. As in dalawang HE lang talaga. Nahihiya siya eh. "Sige na pasok ka na. Baka mag simula na ang klase mo." "Sige po kuya maraming Salamat po!
Pagkasabi niya n'on ay mabilis niyang tinahak na ang papuntang classroom nila. Pagdating niya roon ay isang nakakabinging katahimikan ang bumungad sa kanya. Hindi na siya binu-bully ng mga classmate niya pero 'di rin naman siya pinapansin.
Nahihiyang umupo siya sa upuan niya. Buti na lang at dumating na rin ang pinsan niyang si Clara na absent kahapon
Kinalabit siya nito. "Insan, totoo ba 'yong tsismis na nag pasalamat sa 'yo si Louis?" Tumingin siya sa pinsan pero embes na sagutin ito ay tinanong din niya. "Natanggap mo 'yong text ko kahapon? Dinelete mo na 'yong picture?"
Sunod-sunod ang naging tango ni Clara. "Oo kasi kawawa ka naman. Pero totoo ba talaga 'yong nasagap kong tsismis sa labas?"
Nahihiya siyang tumango. "Ayiee!" Hindi napigilan ni Clara na hindi makilig. For the first time kasi ay ngayon lang nabalitaan na may pinagtanggol na babae si Louis. "Oy!" Mabilis na saway niya sa pinsan. Ang ingay talaga! "Nakakainggit ka naman!" Tuwang-tuwa talaga si Clara. Wala itong pakialam sa mga kaklase nila na mga napapatingin sa kanila dahil sa lakas na boses nito. "Anong nakakainggit do'n? Ginawa lang niya 'yong tama."
"Pero iba ka pa rin, Insan! Ayeii! Ang haba ng hair mo! Hero mo ang Crush ng Campus nating! Akalain mo 'yon! O. M. G talaga!" patiling wika pa rin ni Clara. Biglang tinakpan niya ang bunganga nito. Nakita na kasi niya ang papasok nang si Louis kasama si ricks at ang iba pang mga boys na dumidikit kay Louis mag mukha lang ding mga guwapo at sikat.
Nagtama ang mga mata nila. Si Louis ang unang nag-iwas. At parang wala lang na tinungo ang upuan.
"Eiiihhh!" impit na tili na naman ni Clara. "Nakita ko 'yon?! Nakita ko 'yon?! Nagtama ang mga mata niyo!" Pinandilatan niya ng mata si Clara. Nakaka hiya talaga ito. "Tumigil ka nga!" "Totoo naman eh!" Kinikilig pa rin si Clara pero hininaan na nito ang boses. Nga lang ay halos masira ang manggas ng damit niya sa pagyugyog n'on ni Clara. "At dahil kayo na ang love team! Hindi ko na siya crush! Ipapaubaya ko na siya sa'yo, Insan!"
"Aisst! Ano bang sinasabi mo?!" Gusto na niyang batukan ang pinsan. Ang kulit talaga! Wala naman sa lugar ang kakulitan. Ayaw man sana niyang lumingon kay Louis pero napalingon pa rin siya ng wala sa oras dahil sa pangambang baka naririnig nito ang sinasabi ni Clara. Pero anong blush niya na napaiwas din agad ng tingin dahil nakatingin pala sa kanya ang binata. Nanigas talaga siya! Nakakahiya! Waahh!
Nagtama ang tingin nila kasi. Sana hindi na lang pala siya tumingin. Yay!
"Oy! Nagba-blush siya!" Tuloy ay tukso na naman sa kanya ng pinsan.
Siniko niya ito. "Tumigil ka na nga kasi!" "Hahaha!" Malutong na tawa ni Clara embes na magtigil.
Parang maiihi na tuloy siya sa kahihiyan. Tss.
"Pero seryoso. Nag-thank you kana ba sa kanya?" 'Di kalaunan ay seryosong tanong sa kanya nito.
"Bakit naman ako magte-thank-you?" Namumula pa rin ang pisngi niya na balik tanong. "Ay tanga lang?! Syempre naging hero mo siya dapat pasalamatan mo rin 'yong tao. Kasi kundi dahil sa kanya eh baka binu-bully ka pa rin ng mga followers niya hanggang ngayon!"
Napakagat-labi siya. "Gano'n ba 'yon?!" "Naman!" "Okay. Sige 'pag magkaron ako ng chance ay magte-thank-you ako sa kanya." Kahit kasi mag kaklase sila ng binata ay napakailap ni Louis. Tapos ay parang kay hirap i-approach. Umasim ang mukha ni Clara.
"Ang pangit mo na nga! Ang pangit pa rin ng mga idea mo! Mana sa mukha mo ang isip mo?!" "Sige ipagdiinan mo pa ang kapangitan ko!" Inirapan niya ang pinsan ng bonggang-bongga.
"Kasi naman eh!" Napakamot sa batok si Clara at nag papadyak.
"Eh ano ba dapat ang gagawin ko?" "Simple lang naman. Yayain mo siyang kumain!" Namilog ang kanyang mga mata. "Sira ka ba? Para naman papayag 'yan!" "Syempre sasabihin mo sa kanya na paraan mo 'yon ng pasasalamat sa kanya! Ang i-treat mo siya!"
"Ayoko nga!" protesta niya pa rin. Buti na lang at dumating na ang prof nila at natapos ang pag-uusap nilang magpinsan. Pero hindi na siya makapag-concentrate pa sa nili-lectures ng kanilang professor sa harapan. Ang tanging laman na lang ng isip niya ay ang idea ni Clara.
Sabagay tama naman ang kanyang pinsan. Kailangan talaga ay mag pasalamat siya sa binata. Pero sa ganoong paraan? Siya ang mag yaya ng parang date kay Louis?
"Weh?! Ayoko nga! Hindi ko siya yayayain ng date! No way!" sabi niya na hindi niya namalayang naibigkas pala niya at medyo may kalakasan kaya narinig ng lahat.
"Miss Peralta? Ano 'yong date? Nasa klase ka pero pakikipag-date ang laman ng isip mo?!" sita ng professor nila sa kanya.
"Po?!"
Namimilog ang mga mata niya na biglang napatayo. Oh noes!
Tawanan na ang buong klase. Napayuko siya ng ulo. Nakakahiya na naman! Ano ba 'yan? I'm sorry po ma'am! Si Clara po tinutukoy ko magpapatulung po siya sakin sa date nila boyfriend niya. sabay lakihan kuna mata pinsan ko para hindi mag salita. at na upo ako agad,
"Talaga bang kailangan kong gawin 'yon? Hindi ba pwedeng simple thank you na lang?" Nakabusangot ang mukha ni Sandy. Hindi niya talaga kaya kasi na yayain na kumain sa labas si Louis bilang pasasalamat sa ginawa nitong pag tatanggol sa kanya.
"Ano ka ba? Hindi ka na nahiya kung ganoon lang ang gagawin mo? Syempre hindi basta-basta 'yong pag tatanggol niya sa'yo kaya dapat hindi rin basta-basta sana ang pag papasalamat mo sa kanya," giit ni Clara sa idea nito.
Napaisip naman si Sandy. Sabagay tama talaga ang pinsan niya eh. Nga lang ay ngayon palang ay nahihiya na talaga siya sa binata. Hindi 'yon basta-basta binata lang. Crush 'yon dito sa Campus kaya parang ang kapal naman ng panget niyang mukha kung yayain niya itong kumain. "Humanda ka na! Dadaan na sila! Patapos na miryenda nila!" excited na sabi sa kanya ni Clara habang nakatingin sa pambisig nitong relo.
"Clara 'di ko talaga kaya eh." "Ano ka ba?! Huwag kang ganyan! May dahilan naman bakit mo siya yayaing kumain kaya okay lang 'yon! Saka ayaw mo ba n'on masosolo mo ang pinakag wapong lalaki rito sa Campus?!"
"Hindi ko naman siya crush tulad niyo eh kaya okay lang kahit 'di ko siya masolo," pagdadahilan niya. Binatukan siya ng pinsan. "Tumigil ka nga! Kahit sinong babae crush siya kaya huwag mong sasabihin 'yan!"
Napahawak sa ulo niya, sa may binatukan ng pinsan. "Eh sa hindi naman talaga! Oo humanga na ako sa kanya pero simula kahapon lang kasi ang bait pala niya."
"Iyon na nga! Kaya nga idol siya at hinahangaan kasi guwapo na eh mabait pa. Very humble siya kahit suplado siya minsan."
Napalabi siya. "And dahil sa mabait siya siguradong 'di ka niya tatanggihan!"
Bumuntong-hininga siya. Hindi nga kaya?
Mayamaya pa'y nakarinig na sila ng tiliin ng mga estudyanteng babae sa di-kalayaun. Siguradong palabas na ng canteen sina Louis kasama ang mga barkada nito. "Ano? Kaya mo na?"
Sunod-sunod na iling pa rin na parang maiiyak.
"Ano ka ba naman?!"
"Hindi ko nga kaya! Nakakahiya sa kanya!"
Palapit na ang tilian.
"Kaya mo 'yan!" "Clara naman eh?!" "Huwag ka ngang parang bata!"
At natatanawan na nila sina Louis.
Nasa unahan si Louis dahil ito ang pinaka-leader ng barkada. Maangas ang hitsura ng mga ito pero mga mababait naman. Hindi sila nangunguna sa gulo. Kabaliktaran sa mga barkadang iba na maangas na'y akala mo'y mga sino pa. Sina Andy hindi. Mga nag papapogi lang. Mga pa-cute lang.
"Hi Louis!" bati ng mga kinikilig na girls sa binatang guwapo. "Hi! Kumain na kayo?" Iba ang sumagot sa mga girls dahil sadyang suplado si Louis. Hindi namamansin pero hindi naman mayabang.
Sadyang tahimik lang itong lalaki, silent heartthrob gano'n. Parang walang pakialam sa mundo kaya naman napag kakamalan na suplado.
"Makita pa lang namin kayo busog na kami!" sagot ng mga girls sunod ang tilian. Tipid na ngiti si Louis. 'Yon palang ay halos mahimatay na ang mga girls sa hiyawan at kilig. Hanggang sa marating na nila ang kinatatayuan nina Sandy at Clara. Si Louis ay nakikipagbiruan kay ricks. Tatawa-tawa ito kaya naman umibabaw lalo ang kagwapohan ng binata.
Pakiramdam ni Sandy habang nakatingin siya kay Louis ay napapalibutan siya ng yelo sa sobrang nerbyos, nanlalamig ang buong katawan niya.
Lalo na nang magtapat sila ng binata. Tinulak siya ni Clara kaya napaurong siya paharap. Waahh!
Doon siya napansin ni Louis. Napatingin ito sa kanya pero saglit lang. Ang dibdib niya'y kumabog. Pero ay tinuloy ulit ng mag babarkada ang lakad. Deadma. Gayunman nakahinga siya ng maluwag. Napasinghap sa hangin si Clara. "Ano ka ba naman insan? 'Di ka man lang nakapagsalita!"
Kamot-ulo siya. "Eh kasi naman--" "Sunod tayo sa kanila daliiiii!" Hinila siya ni Clara. "Huwag na!"
"Ay naku 'wag ka ngang maarte!"
Hanggang sa parking lot ay buntot-buntot sila sa mga binata. "Geh ingat!" Kaway nina ricks sa mga barkada nang maghiwa-hiwalay ang mga ito. Lihim na napansin ulit ni Louis ang dalawang dalaga na nakatayo sa malapit. Parang may mga sasabihin ang mga ito sa kanya. "Paano dude kita-kits na lang bukas! May date pa ako," paalam ricks. "Sige," pagpayag niya.
Nag paalaman sila ni ricks sa sign nilang mag babarkada, magbump fist tapos bahagyang bungguan ang mga balikat nila. "Ingat sila sa 'yo!" birong sabi pa ni ricks bago tuluyang pinaarangkada ang motor nito paalis. Naiwan si Louis roon pero kumilos din agad siya. Tinungo na niya ang malaking kulay itim na motor din niya. Sumakay at isinusuot na niya ang makapal na jacket niyang itim.
Papaharurutin na sana niya ang motor, nang mapalingon ulit siya sa dalawang dalaga. At napansin niyang tinutulak ni Clara si Sandy. Parang gusto ni Clara na lumapit sa kanya si Sandy pero ayaw ni Sandy.
Napabuntong-hininga siya. Huwag nilang sabihing pati ang mga pangit na dalaga ay mag papansin na rin o mag papa-cute sa kanya? Akala pa naman niya ay iba si Sandy dahil simula't sapol ay dinideadma siya ng dalaga. Ito lang ata ang babaeng hindi nag
papa-cute sa kanya, pero ngayon ay parang kasama na ito sa mga babaeng papansin. Napapailing siyang isusuot na sana niya ang helmet niya. "Louis!?" nang malakas na tawag sa kanya ni Clara.Tumingin siya sa dalawang dalaga.
Nakita niyang hinila ni Clara si Sandy palapit sa kanya. "Ahmm.. May sasabihin kasi si Sandy sa 'yo. Okay lang ba?" ani Clara sa kanya nang makalapit ang mga ito sa kanya.
Ilang segundo rin siyang napatitig kay Sandy bago tumango. Yukong-yuko ang ulo ng dalaga na may salamin sa mata. Pag kuwa'y binaba niya muna ang helmet niya para pag bigyan ang mga ito. Wala naman mawawala sa kanya kapag makikipag-usap siya saglit. Maluwang na ngumiti sa kanya si Clara at ayun na naman, tinutulak na naman nito si Sandy na mas lumapit sa kanya. Tapos ay iniwan na sila.
Napahakukipkip siyang nag-antay hanggang sa lumapit na nga sa kanya ang dalaga. Nakatingin lang siya rito. Nag-aantay. Pero hindi naman nag sasalita ang dalaga. Titingin sa kanya tapos ay yuyuko ng ulo, paulit-ulit na gano'n. Nahihiya siguro sa kanya. "Ano 'yon?" Kaya siya na ang unang nagsalita. Tumingin sa kanya si Sandy at kitang-kita niya na namumula ang mga pisngi ni Sandy. Nagba-blush ang dalaga. Lumingon muna si Sandy kay Clara na nasa di-kalayuan bago nagsalita ito.
"G-gusto ko sanang mag pasalamat sa'yo, A-Louis" nanginginig ang boses ni Sandy. "Saan?"
"S-sa pag tatanggol mo sa'kin kahapon."
"Iyon ba? Okay lang 'yon."
"Salamat talaga kasi tinantanan na ako ng mga kaklase natin." "Dapat lang 'yon dahil wala ka namang kasalanan. Makikitid lang ang nga utak nila," sabi niya kay Sandy.
SA DI-KALAYUAN ay makikita si Xander na nakatingin sa kanila at makikitang kuyom nito ang mga palad habang nakatingin sa nag-uusap na si Sandy at Louis. Sa isip-isip nito ay Anong pinag-uusapan nila? At kailan pa sila naging close?
Mas gumaan ang loob ni Sandy sa binatang guwapo. Totoong mabait nga talaga si Louis. Dati kasi ay takot siyang pansinin ito dahil parang suplado pero hindi naman pala masyado. Noong araw nga na niyaya niya itong sumukob sa payong niya ay napilitan lang siya dahil naawa lang siya rito.
"G-gusto mong kumain? Treat kita sa jollibee?" Parang sasabog ang dibdib niya habang lakas-loob niya iyong sinabi. At lalong namula ang mukha niya nang makita niyang napakunot-noo ang binata. "Ahmm.. H-huwag mong isiping date ang niyaya ko sa 'yo. Paraan ko lang sana ng pasasalamat sa 'yo kung okay lang?"
Kumurap si Louis. Natitig ito saglit sa mukha ni Sandy tapos ay sinuot na nito ang helmet nito. "Sorry kailangan kong umuwi ng maaga eh. Huwag mo na 'yong isipin okay lang 'yon!" at pinaandar na nito ang motor. Napakagat labi si Sandy na napayuko ng ulo. "G-ganon ba s-sige okay lang," saka mahina niyang sabi. Kasalanan 'to ni Clara, nakakahiya talaga. Parang gusto na lang niyang lamunin na lang sana siya ng lupa sa sobrang kahihiyan sa mga sandali na iyon.
"Pero malay mo next time papalibre ako sa 'yo," pero pampalubag-loob naman ni Louis na sabi sa kanya bago nito pinaharurot ang motor paalis. Naiwan si Sandy na unti-unting sumilay ang ngiti niya sa labi. "Sigeeeee!" tapos ay sigaw niya kahit alam niyang hindi na narinig pa iyon ni Louis. In fairness kinilig siya ulit do'n ah. Anong nangyari?" dismayadong tanong ni Clara nang makalapit ito sa kanya.
"Wala! Ikaw kasi kung anu-anong naiisip mo! Umuwi na nga tayo!"
Natampal ni Clara ang sariling noo. "Ang hina mo talagang dumiskarte!"
"Eh di wow! Try mo rin kaya!" Iningusan niya ang pinsan. Pahamak eh.
Inirapan rin siya ng pinsan. Ayaw talagang patalo ang gaga.
"Pero alam mo! Tama ka! Kahit sikat siya, kahit hinahabol siya ng mga girls, kahit ang guwapo-guwapo niya ay mabait nga talaga siya!
Mukha lang siyang suplado pero 'pag kakausapin mo ay mabait naman pala talaga!" mayamaya ay sabi niya. Ngumiti siya ng matamis.
"Talaga? Bakit anong sabi niya sa 'yo?" kinilig si Clara. "Basta!" hagikgik ni Sand
'DI NILA ALAM NA HINDI PA NAKAKALAYO AY TUMIGIL si Louis dahil nagba-vibrate ang cell phone nito sa bulsa. Kinapa niya iyon at sinagot muna ang tawag dahil kapag nasa hig-hway na siya ay hindi na niya masasagot ang tawag. Baka emergency.
"Hello, 'Ya? Bakit?"
"Pauwi ka na ba?" "Opo!"
Habang nakikipag-usap siya ay may mga estudyanteng ngumingiti sa kanya na dumadaan. Tinatanguan naman niya ang mga ito. "Nandito na naman si Cassy! Inaantay ka? Kasama ang Mommy niya?" "Huh?!"
"Oo! At kausap ng Mommy mo ang Mommy niya. Alam mo naman mag-amiga." Napangiwi siya.
Kapag ganoon ay alam niyang magtatagal ang mag-ina sa kanilang bahay. Gawain na iyon ng mag-ina na kunwa'y bibisita sa Mommy niya pero alam niyang pakana 'yon ni Cassy para habang nag-uusap ang Mommy nila ay uutusan din siya ng Mommy niya na i-entertain ang dalaga. At nakakabagot 'yon para sa kanya. Kahit konti ay wala kasi siyang gusto kay Cassy. "Ya, bukas na ako uuwi!" "Huh?"
"Sige na po. Sabihin mo kay Mommy may party akong pinuntahan! Bye!" At pinatay na niya ang tawag. Napabuntong hininga siya ng malalim. Pero saan naman siya pupunta ngayon nito?
Si ricks ay hindi naman na niya iyon naasahan sa mga lakaran o gimik mula noong nag kasyota na ang loko. Ano?! Magpapaikot-ikot na naman siya sa buong Maynila? Buong gabi hanggang mag-umaga?! Haisstt! Nang may maalala siya. Napalingon siya sa likuran. Naalala niya si Sandy.
Bakit nga ba hindi? Keysa magyaya siya ng sino man eh mas magandang si Sandy na lang. Pinaandar niya ang motor at nag-u-turn.
"Daan muna tayo sa library?" sabi ni Sandy kay Clara
"Ay ikaw na lang! Uwi na ako! Sinamahan lang naman kita dahil kay Louis eh! May date ako ngayon!"
"Ikaw talaga! Date na naman?!" "Sige na! Text-text na lang tayo ha?"
"Ang sama mo talagang pinsan? 'Di ka talaga maasahan!" "Maasahan mo ako insan huwag lang 'pag pupunta sa libray! Bye!" At nag tatakbo na si Clara na iniwan siya.
Ang haba-haba ng nguso niya habang nakasunod ang tingin sa papalayong pinsan,
Napapa buntong hininga na lang siyang naglakad. May lalapit sana sa kanya na 'di niya namamalayan, at si Xander dapat. Pero natigilan din ang binatang guwardya nang may marinig itong ugong ng papalapit na motor.
Kahit siya ay narinig iyon kaya napalingon siya at anong pag tataka niya nang tumigil sa kanyang tapat ang magarang motor ni Louis. Nag-alis ng helmet ang binata.
"Tara!" saka sabi nito sa kanya. "Huh?" "Sabi mo i-tretreat mo ako 'di ba? Tara na!" Namilog ang mga mata niya. Seryoso ba ito? "Isuot mo 'to!" Inabot ni Louis sa kanya ang helmet. Na-estatwa na siya. Binalikan siya ni Louis? Totoo ba ito???
Akala kuba uuwe kana Louis? Nag bago Isip ko!