"LOUIS POV"
"Louis gising na?" Mahinang tapik ni Yaya Chade sa alaga nitong tulog pa rin eh tanghaling tapat na. Akala nito ay pumasok na ito sa school. Hindi kasi nag-aalmusal si Louis kaya sanay na si Yaya Chade na bigla na lang itong mawawala sa bahay. Pero hindi pa pala pumapasok ang binata dahil heto't nakabaluktot pa rin sa kama.
"Uhmmm," ungol ni Louis na umayos ng higa.
"May klase ka, 'di ba? Bangon na--" Natigilan si Yaya Chade nang makapa nitong mainit pala ang alaga. Ang taas pala ng lagnat nito. "Ay! Ay! Bakit 'di mo sinasabi na nilalagnat ka pala!" Biglang nataranta ang matanda. Yaya paano ko masabi sayo Yung eh hindi nga po ako makatayo! Naku! bata ka sumasagot kapa sadali ikukuha kita gamot at pagkain mo. Thank you po yaya!
"SANDAY"
"Anong nangyari sa 'yo?" Gulat na gulat si Clara nang makita nito ang ayos ng kanyang pinsan na pumasok sa kanilang classroom. Ang dumi-dumi ni Sandy!
Napatingin sa ibang kaklase nila si Sandy. Ang sasama ng tingin ng mga ito sa kanya. "W-wala," mahina ang boses na sagot niya kay Clara at tinungo na ang upuan niya. Ayaw niya ulit ng gulo. "Sinong may gawa niyan sa 'yo?! At uupakan ko!"
Maangas na ani Clara, nag lislis pa ito ng mga manggas ng damit nito.
"Feeling sikat kasi 'yan! Kaya ayan ang napala niya!" pasaring ng isa nilang kaklase.
"Anong sinabi mo?!" Hinarap agad ito ni Clara.
"Totoo naman eh! Tingnan mo nga mukhang absent si Louis ngayon dahil sa kahihiyang ginawa niya!"
Awtomatiko na napalingon si Sandy sa upuan ng binatang guwapo. Bakante nga iyon. Naguilty siya agad. "Ano ba ang ginawa ng pinsan ko?!" bulyaw ni Clara sa kaklaseng nagmamatapang.
"Tanungin mo siya! picture-picture pa kasi! 'Yan ang napala niya! Akala mo naman may karapatan siyang mag pictures kasama si Louis! Ew!" Pero ayaw paawat ang estudyanteng madaldal. "Oo nga! Kakadiri! Ang guwapo ni Louis para tabihan niya sa picture! Nagmukha siyang unggoy bwahahaha!" segunda ng isa pang mapanlait na kaklase nila.
"Bakit anong tingin niyo sa sarili niyo, ha? akala niyo kung sino kayo maganda, ingit kayo kasi hindi niyo magawa mag pa pictures kasama si Louis! Tumingin nga rin kayo sa salamin!"
"Clara tama na!" Awat na ni Sandy sa pinsan. "Hayaan mo na sila." "Mga ito eh! Akala mo ang gaganda at ang gaguwapo!" Malakas na nag tawanan ang mga kaklase nila.
Pati si Clara ay dinamay na sa pambo-boo sa kanya. "Tse!!" Pero ayaw ding patalo si Clara hindi tulad niya na naiiyak na lang na pilit inaawat ang pinsan. Muntik na kasing ibalibag ni Clara ang isang upuan sa isang kaklase nila buti at naawat niya ito.
"Ikaw makatawa ka! Bad breath ka naman!" turo ni Clara sa isang kaklase. "Ikaw makatawa ka rin! Puro ka naman pimples! Mahiya ka rin sa mukha mo!" lahat kayo kala niyo maganda kayo! ang papangit niyo din noh!
Pero mas malakas pa na BOOOO ang umalingawngaw sa classroom.
Mas pinagtawanan silang mag pinsan.
Napahagulhol na siya ng iyak. Nagkakagulo na dahil lang sa pagse-Picture nila ni Louis. Sana hindi na lang niya ni-request 'yon sa binata. Sana walang ganitong gulo. At sana 'di na kailangang mag-absent ni Louis. "Sandy, huwag kang umiyak! Inggit lang 'yang mga 'yan!!" alo sa kanya ni Clara...........
kaya hindi ito pumapasok?
Nakakakonsenya naman. Kasalanan niya talaga 'to eh. Sana pala ay hindi na lang niya hiniling na mag-Picture silang dalawa no'ng araw na 'yon.
Wala sanang problema na ganito. Sana 'di mag-aabsent si Louis. Tuloy ay napapa bayaan na ni Louis ang pag-aaral dahil sa kahihiyan, dahil sa kagagahan niya. 'Di kasi siya nag-iisip eh. Kainis.
Ilang minuto siyang nakokonsensiyang mag-isa sa classroom nila. Nag-iisip. What if puntahan niya na lang si Louis? Kakausapin niya ito na pumasok na.
Na okay lang kahit araw-araw siyang pag tawanan o i-bully ng mga school mate nila basta pumasok lang ito. Gagawa siya ng paraan para mawala sa isip ng mga kapwa nila estudyante ang nakakahiyang picture na iyon. "Tama!" Tiwala sa sariling napatayo siya sa pagkakaupo. "Kakausapin ko siya!
Pupuntahan ko siya sa bahay nila! Magso-sorry ako sa kanya!" Muli niyang sinukbit ang bag niya at kinipkip ang mga libro niya, akmang aalis na siya.
"Ay multo! Este tao pala!" Subalit para siyang nakakita ng multo nang makita niya si Louis na nakatayo sa may pintuan. At seryosong nakatingin sa kanya na nakapamulsa ang dalawang kamay.
"A-Louis?" Humigpit ang pag kakayakap niya sa mga libro niya. Hala Huwag naman sana siyang kainin ng buhay ni Louis. Hindi siya masarap! Promise! Kumurap ang guwapong binata. Tinanggal nito ang suot na shades at napabuntong-hiningang humakbang palapit sa kanya. "Yong picture burahin mo!" saka kaswal nitong sabi sa kanya.
"Hi-hindi ako ang... ang nag-upload n'on. M-maniwala ka," nanginginig niyang sabi. Naka-ilang lunok siya. Jusko! "A-alam ko! Pakisabi na lang sa nag-upload n'on na si Clara na burahin na niya 'yon!" At tumalikod na ang binatang tinungo ang upuan nitong ilang araw ring bakante.
Natigilan man at natatakot ay... "Sorry sa nangyari. Hindi ka tuloy nakapasok ng ilang araw," senserong hingi pa rin ng paumanhin niya sa binata.
Pero hindi na siya pinansin ni Louis. Umupo na ito at hindi na umimik pa. Naging busy na sa COC.
Napapalabi si Sandy na bumalik na rin sa kanyang upuan. Panaka-naka ay napapalingon siya sa binatang suplado. Pero salamat naman at pumasok na ito, kahit paano ay gumaan na ang bigat na dinadala niya dibdib niya.
Ilang minuto rin na sila lang dalawa ang nasa loob ng classroom. Andaming gusto niyang sabihin o itanong sa binata, pero pinipigil niya ang sarili. Nakuntento na lang siya sa paglingon-lingon dito.
"What?! Anong problema mo?" Kaya lang nahuli siya minsan ni Louis nang lingunin niya ulit ito.
"Ahmmm.... W-wala! Nagtataka lang ako bakit ang aga mo?" Alam niya nag-blush siya. Awkward!
"Ayoko lang mapag-tsismisan ng kay aga-aga!" Nanunumbat ang tinig ni Louis na sagot. Napayuko siya ng ulo. "S-sorry talaga."
Tumirik naman ang mga mata ni Louis, unlimited na sorry na kasi eh Kakaumay na!
Tinuloy nito ang paglalaro sa cell phone. 'Di na nito pinansin talaga ang dalaga. Masakit na sa teynga ang paulit-lit na sorry ni Sandy.
Mayamaya pa'y isa-isa nang dumating ang mga kaklase nila. "Oy--" Pansin agad nila kay Louis pero natitigil ang sasabihin nila kapag tinitingnan sila ng masama ng binata.
Bulungan na lang ang mga estudyante. Takot lang nila kay Louis.
Panaka-naka ay may mga sumisilip pang mga taga ibang klase makita lang na totoong pumasok na nga ang guwapong binata. Ang crush nilang binata!
Napapabuga na lang ng hangin si Louis. Habang si Sandy ay ayun na naman 'yong feeling niya na hiyang-hiya. Yukong-yuko ang ulo niya. Buti na lang at sanay na ang leeg niya kakayuko kaya hindi na siya nangangawit.
Hanggang sa dumating sina ricks at Karry. Sabay ang dalawa na pumasok sa classroom. "Dude?!" Nagkamayan si ricks at Louis. "Musta? Tagal 'di pumasok ah?"
Tipid na ngiti lang si Louis. Nawala na ito sa nilalaro kaya binulsa na nito ang cp nito. Humalukipkip at padikwatrong umayos ng upo. Agad nagpa-cute naman ang maarteng si Karra dito. "Bakit antagal mong hindi pumasok Louis?" All eyes na kay Louis ang mga kaklase nila. Gustong malaman ng lahat kung anong dahilan ng binata bakit dalawang araw itong hindi pumasok. Saka titingin sila kay Sandy. "Wala lang," tipid na sagot ni Louis sa Ex-girlfriend.
"Wala lang? I don't believe you!" Humalukipkip si Karra. "Siguro dahil sa picture na pinost ng isang panget d'yan!" at parinig nito kay Sandy. "Oo nga!" Segunda ng iba nilang kaklase ta's nagtawanan. Lalong napayuko ng ulo niya si Sandy. At halos masugatan ang lower lip niya kakakagat niya.
"Dapat kasi Louis', huwag kang nagpapakuha ng Pictures sa mga pangit! 'Yan tuloy laman ka ng tsismis dito sa school! Hindi raw bagay sa kaguwapohan mo na dumikit sa mga baduy at panget na babae! Dapat sa tulad ko lang na maganda!" Nag-wave pa ng buhok ang papansin na si Karra. "Hahaha!" tawanan ulit ng malutong ang buong klase.
Naiiling na lang si Louis. Pero pasimple nitong tiningnan ang kinakawawang si Sandy. Yukong-yuko ang ulo ng dalaga sa sobrang pagkakapahiya. At hindi pa nakuntento si Karry, lumapit pa talaga ito kay Sandy. "Narinig mong sinabi ko, Sandy?"
Mangiyak-ngiyak na tumango si Sandy. Wala siyang makakapitan ngayon dahil wala ang pinsan niyang si Clara. Ang malas naman dahil ngayon pa um-absent ang bruhang iyon. "Good!" Nakataas ang isang kilay na turan Karra. Tinulak pa ang ulo ni Sandy bago bumalik sa upuan nito at maarteng umupo.
Patuloy ang tawanan at bulungan. Hanggang sa narindi na si Louis. Habang nilalagnat ito ng dalawang araw ay na-realize nitong walang kasalanan si Sandy. Sa halip ay dapat pa nga itong mag pasalamat sa dalaga dahil kung hindi sa payong ni Sandy, as in sa payong na malaki ni Sandy ay baka hindi lang lagnat ang inabot nito kung mas naulanan ito noong uwian na iyon.
"Tama na!" malakas ang boses na awat ni Louis sa mga kaklase nila sabay tayo at pumamulsa.
Natigilan ang lahat at napatingin sa binata.
Tumingin si Louis kay Sandy. "Sandy?" at tawag niya rito. "Huh?!" Napalingon naman si Sandy na takang-taka.
Ngumiti si Louis sa dalaga. "Salamat ha?"
Nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi sila lahat makapaniwala.
"Salamat kasi nandoon ka no'ng umuulan. Kung wala ka siguro ay kung ano na ang nangyari sa 'kin," panimula ni Louis para lang maipag tanggol si Sandy. Hindi deserve ni Sandy ang mapag tawanan dahil lang sa larawan nila na iyon. "Alam mo bang nilagnat ako ng dalawang araw dahil siguro naambunan ako.
Iyon ang dahilan kaya 'di ako nakapasok pero okay lang 'yon keysa mas malala ang nangyari sa 'kin sana kung hindi mo ako pinasukob sa payong mo. Salamat, Sandy! Gusto mo mag-Picture ulit tayo?" Unti-unti ay nag liwanag ang mukha ni Sandy. Hindi niya akalaing ipagtatanggol siya ni Louis sa ganoong paraan. For the first time ay kinilig siya! Ayeii! Habang ang mga kaklase nila ay napanganga. Sila naman ang napahiya, nagyuko ng ulo at 'di makatingin sa kanya.......