CHAPTER 2

1588 Words
"DANDY POV" Hi pinsan may ipapakita ako saiyo pictures, picture namin ni Louis umulang kasi malakas kaya nagkasabay kami. kaya iyon tinanong ko siya kuna powde kami mag pictures pumayak naman siya. Uy patingin nga dali, Eiiihhhh!" Tili ni Clara nang makita nito ang picture nina Louis at Sandy sa cell phone ni Sandy. "Ang suwerte mo naman insan! Sana pala nag pa-late rin ako nang uwi kanina! Sana sa 'kin nakisabay si Louis my crush! Sana pala sinamahan kita sa library!" Natatawa na lang si Sandy sa pinsan na parang maloloka na yata. Panay kasi ang halik nito sa screen ng kanyang cell phone. Hinahalikan nito ang guwapong larawan ng binata. Dumiretso siya sa bahay nina Clara para ipakita lang 'yon, kahit umuulan. Dahil alam niyang laglag panga ito sa inggit. At tama nga siya! Actually lakas-loob lang siya kanina na makipag-picture kay Louis. Para may ipagmayabang siya sa pinsan niya. "Unli sss ka insan?" Tumango siya. Kung si Clara busy sa larawan ni Louis, siya naman busy sa paglamon ng meryendang inilabas ni Clara para sa kanya. "Pa-online ha?" Tumango lang ulit siya. Unli siya pero hindi naman siya mahilig sa f*******:. Pasilip-silip lang siya sa mga post ng nga taong friends niya 'kuno' roon. Dahil sa totoong buhay ay wala naman talaga siyang friend maliban kay Clara na pinsan niya. At mas naging busy pa si Clara sa cell phone niya. Hinayaan lang niya ito. Basta siya busog! "Ayan!" mayamaya'y sambit ng kanyang pinsan. "Anong ginawa mo?" "Pinost ko sa f*******: ko 'yong picture niyo Louis. Tingnan mo may nag-like agad! Tinag kita at tinag ko rin si Andy!" Ang lakas ng "ANOoooo!!" ni Sandy sabay agaw sa cell phone niya, at nang tingnan niya. Patay! Naka-post na nga talaga 'yong picture nila ni Louis sa wall ni Cristine na may caption pang.. ANG PANGIT AT ANG GUWAPO! BAGAY SILA? 'DI BA? At ang masaklap pa. Log out na rin! "Sira-ulo ka talaga!" Inis niyang singhal sa pinsan. "Burahin mo 'to!" "Ayoko nga! Ang cute niyo kayang tingnan!" Tawang sabi ni Clara sabay tayo at takbo para magtago. "Craaaaraaaaa!!" Sigaw ni Sandy sa pasaway na pinsan. "LOUIS POV" "Buti dumating ka na?" Agad na iniabot ni Yaya Chade ang isang tuwalya kay Louis. Si Yaya Chade ay matagal nang taga-alaga ni Louis, bata palang si Louis ay yaya na niya ang matanda. "Ang lakas po kasi ng ulan, Yaya," anya na pinunas-punas ang tuwalya sa ulo. "Oo nga eh. Nag-alala ako sa 'yo. Hindi ka man lang nag-text" "Lowbatt po ang cell phone ko," aniya. Akmang papasok na siya ng bahay pero humarang sa kanyang dadaaanan ang kanyang Yaya. "Bakit po?" Inilagay ni Yaya Chade ang hintuturo nito sa bibig at lumingon sa loob ng bahay ta's tumingin ulit sa kanya at pabulong na may sinabi. "Kasi si Cassy. Nasa loob at kanina ka pa inaantay." Agad na nakusot ang kanyang mukha. Si Cassy ay anak ng amiga o kaibigan ng kanyang Mommy na isa sa mga patay na patay sa kanya na babae at tulad ng iba ay hindi niya rin type. Maganda naman si Cassy. Pero kasi ay ayaw na ayaw niya ang ugali nitong palaging pumupunta rito sa kanilang bahay para mag pa-cute. "Gano'n po ba. Sa likod na lang ako dadaan, Yaya." "Hindi mo na naman haharapin? Kawawa naman, kanina pa siya rito." "Kayo na ulit bahala, Yaya. Sabihin mo next year pa ako uuwi!" At tumalilis na siya papuntang likod bahay. Kamot-ulo si Yaya Chade saka pabuntong-hininga na pumasok ng bahay. Dating gawi ulit ito, ang pauwiin si Cassy, ang kawawang dalaga na laging umaasa na pansinin ng kanyang alaga. Sabagay hindi naman nito masisisi si Louis. Kahit naman kasi ito ay ayaw nito na babae na ang halos manligaw sa kanyang alaga. Ang pinag papasalamatan na lang nito ay si Louis na ang umiiwas, hindi pumapatol. Kaya naman bilib din siya sa alaga niya na iyon. Dahil kung iba lang siguro ay baka hindi na mabilang sa kamay ang nabuntis ng batang iyon. Si Louis naman ay parang magnanakaw sa sarili nilang bahay. Dahan-dahan siya na pumasok. At nakahinga ng maluwag nang ligtas siyang makapasok sa sarili niyang silid. Hindi siya napansin ni Cassy. Ni-lock niya agad ang pinto ng kanyang silid. Tapos ay charger agad ng cell phone niya ang hinalungkat niya sa drawer. Chinarge niya ang lowbatt na cell phone niya. At kampante nang naligo. Bahala na si Yaya Chade niya kay Cassy. Hindi siya nakokonsesiya dahil hindi naman niya naman kasi sinabing dalawin siya ng dalaga, bahala siya sa buhay niya! At nang matapos maligo ay chineck na niya ang cell phone niya. Ang dami na namang text. As usual galing sa mga nag papansing mga babae. Kailan ba mga ito mapapagod? Tsk. LOUIS INGAT SA PAG-UWI, MALAKAS ANG ULAN -Ang text ni SONY, schoolmate niya. LOUIS NAKAUWI KA NA BA? Text naman ni Karry. Ang Ex-gf niya na panay pa rin ang pagpapa-cute. At marami pang iba... Pero ang umagaw sa pansin niya ay ang Text ni Patrick sa kanya. "Dude, ang ganda ng chicks mo ngayon ah? Doon siya agad nag-reply. "Sinasabi mo d'yan? "Check your sss! Simpleng reply sa kanya ng barkada. Lalo siyang napakunot-noo. Sinunod niya agad ang reply ni ricks. Nag-Online agad siya. At anong sama ng kanyang mukha nang makita nga niya ang isang larawan na naka-tag sa kanya, na may 500 Plus ng likes! At maraming comments and share na! Pinagpyestahan na agad ito ng mga classmates nila at mga schoolmates nila. "Patay ka sa 'ki bukas Sandy!!" inis niyang sabi na dinuro ang larawan ng dalagang pangit! "SANDY POV' Pag pasok ni Sandy sa silid-aralan nila ay upuan agad ni Louis ang tiningnan niya. At bakante pa rin iyon. Ang aga niyang pumasok dahil ayaw niyang pumasok na naman na maraming estudyante. Siguradong i-bu-bully na naman kasi siya. Napapa buntong-hininga siya na umupo sa upuan niya at napapalingon sa upuan ni Louis. Pangatlong araw na na absent ang binata kung hindi na naman papasok ito ngayon. At guilting-guilty na siya. Hindi kaya totoo na ikinahihiya ni Louis ang picture nila ukong-yuko ang ulo ni Sandy na dumaan sa mga nagtatawanan na kapwa niya estudyante. Kipkip niya sa dibdib nang mahigpit ang kanyang mga libro na tila sandalan niya ngayon ng lakas para makalampas siya sa mga estudyanteng nagmumura, nagtatawanan at nambabato sa kanya ng kung anu-ano. "Ano bang kasalanan ko sa inyo?!" mangiyak-ngiyak niyang malakas na tanong. Nagulat na lang kasi siya pag pasok niya na ganito na ang trato sa kanya ng mga schoolmate niya. Galit sila sa kanya, at hindi niya alam kung bakit. Malakas na "Booooooooooo!!" ang sinagot sa kanya ng marami. "Ang kapal mo!" Dinig niyang sigaw sa kanya ng isang bakla."pictures pa more pangit! Bwahahaha!" Kantyaw rin ng isang lalaki na maangas. "Ambisyosang monkey ka girl!" Panliliit pa ng isang babae. Tuluyan nang lumuha si Sandy. Sanay na siya na nilalait dahil aminado naman siyang siya ang kakaiba sa school nila. Gawa ng naiibang istilo niya sa pananamit at pag-aayos sa sarili. Pero sobra sila ngayon kaya hindi na niya mapigilan ang sarili na hindi mapaiyak. Natigil siya sa gitna ng malawak na daanan na iyon. Sinubsob niya ang ulo sa mga libro niya at doon nag-iiyak. Patuloy pa rin ang mga estudyante sa pagkantyaw sa kanya. Parang ayaw na siyang tigilan. "Si Louis pa talaga? Kapal mo!" Sigaw na naman ng isang estudyante. "Sira ulo!" Binato naman siya ng isang mayabang na lalaki ng lata ng softdrink na walang laman. Buti hindi siya natamaan. Habang ang iba ay panay ang video sa kanya at picture. Lalong nag-iiyak si Sandy sa gitna ng maraming estudyante. Pinapyestahan na siya talaga, pinalibutan, at halos mabingi siya sa mga tawanan sa kanya. Pasalamat niya't dumating na ang mga guwardya at hinawi ang mga estudyante. "Tama na! Pumasok na kayo sa mga klase niyo! Pasok!" Awat ng isang guwardya sa mga makukulit at masasamang ugali na mga estudyante. "Booooooo!" Subalit ito man ay binoo rin ng mga etudyante. PRRRRTTTTTTT!!! -Malakas na tunog ng pito ng ilan pang guwardya na parating. Doon isa-isang nag-alisan ang mga estudyante. Pero bago umalis ang iba ay kung anu-ano pa ang binato nila kay Sandy. May papel, mga basura at kung anu-ano pa. "Okay ka lang?" tanong ni Xander na isa sa mga guwardya sa kanya nang wala na ang mga estudyante. Pinampag nito ang mga sumabit sa katawan ng dalaga na mga basura. Tumango si Sandy na humihikbi. Kawawa ang hitsura niya. Hiyang-hiya siya. "Ano bang nangyari? Bakit binully ka na naman ng mga iyon?" "Hindi ko po alam. Pero siguro dahil sa pinost ng pinsan ko na picture namin ni Louis kagabi," sisinghot-singhot niyang sagot. Inayos niya ang malaki niyang salamin sa mata. "Kaya naman pala. Dapat kasi 'di niyo na pinost kung ano man 'yon!" ani Xander na inalalayan siya. "Halika dadalhin kita sa clinic." "Huwag na po. Okay lang po ako," pero tanggi niya sa mabait na guwardya. Na sa tingin niya ay 'di naman nalalayo ang edad nila. Pinapatanda lang ang hitsura nito ng uniform nitong suot. "Sigurado ka?" "Opo, saka may klase pa kasi ako. Baka ma-late na po ako." "Sige kung gano'n." "Sige po salamat po." Magalang na yumuko siya saka patakbo na umalis na. Naiwan si Xander na iiling-iling na nakasunod tingin na lang sa palayong si Sandy. Kawawang dalaga! Lagi na lang itong napagtritripan. grabi talaga mga students dito kung ano mga trip nila ginagawa nila. ang sabi ni Xander sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD