CHAPTER 10

2607 Words
Hi Sandy!" Sinamantala ni Louis na batiin ang dalaga nang magtyempo sila sa canteen ng school. Saktong walang katao-tao. Maaga pa kaya wala pang katao-tao masyado ang school. Tanging si Manang Sonya na bantay lang ang nandoon. Si Sandy bumili ng tubig dahil nauuhaw siya. Habang si Louis ay talagang nandoon na dahil nag-aalmusal. Tipid na ngiti lang ang tinugon ni Sandy sa binata. Ayaw niya talaga ng tsismis lalo na't kung makatingin sa kanya si Manang Sonya ay kakaiba na naman. Hindi makapaniwala. Kung alam lang ng mga tao sa Campus na nag-s*x na sila ni Louis. Siguro literal na mapapanganga ang mga ito o OA na mawawalan ng mga malay. Lalo na ang mga babaeng kumakaringking sa binata. Haaaayy! Pero hindi! Hindi niya ipapangalandakan iyon dahil nakakahiya! Nakakahiya na hindi na siya virgin! Sakto namang nagro-roving si Xander sa paligid at nakita nito sa canteen ang dalawa. Muling nagdilim ang mukha ng binatang gwardya. Naiinis ito kay Louis. Pinaglalaruan ba nito talaga si Sandy? Porket gano'n ang dalaga?! Ito ang naiinis talaga. Oo, sweet si Louis pero kapag walang tao lang. Pero kapag may mga tao naman ay parang hindi naman kilala nito si Sandy. Kaya nakakaduda! Sana lang talaga ay hindi magbunga ang nangyari sa dalawa dahil mas masasaktan si Xander. Kumilos agad si Xander para lapitan si Sandy. Ganundin si Louis. Kaya naman nag tagpo ang dalawang binata sa kinatatayuan ni Sandy. "Sandy samahan mo ako mamaya," si Louis. "Sandy may sasabihin ako sa 'yo mamaya," si Xander. Takang nag palipat-lipat tuloy ng tingin sa dalawang binata si Sandy. Habang ang dalawa'y nag katinginan naman ng masama. "Hindi ako papayag na pag laruan mo si Sandy!" sa isip-isip ni Xander. "Ano bang ginagawa ng guwardyang 'to? Bakit umeepal kay Sandy? May gusto ba ito kay Sandy?" sa isip-isip naman ni Louis. Nakaramdam ng hindi maganda si Sandy kaya binayaran na niya kay Manang Sonya ang binibili saka hinarap ang dalawang binata na nahihiya. "Sorry kasi may pupuntahan kasi ako mamaya after class." "Saan?!" Halos sabay na tanong sa kanya nina Xander at Louis. "Pupuntahan ko si Clara kasi sabi ng Mama niya ayaw na naman pumasok sa klase. Sa tingin ko mabigat talaga ang problema niya," kiming sagot niya. "Sige, ha? Una na ako," saka nag madali niyang iniwan ang dalawang binata. Naiwan ang dalawa na masama pa rin ang tingin sa isa't isa. At si Louis na lang ang unang nag-iwas saka bumalik sa kinauupuan kanina para kumain. Gusto nitong sundan si Sandy pero hindi na pwede. Si Xander ang sumunod sa dalaga. Dahil wala naman itong pakialam kung may makakita sa kanila na nag-uusap ni Sandy. Nakita iyon ni Louis kaya na pahawak ito ng mahigpit sa tinidor. Umeepal nga ang Xander na iyon. Sarap batuhin ng plato! Pfft! "Sandy?!" tawag ni Xander sa dalaga. "Oh Xander bakit may kaylangan ka paba?" "Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na pwede mo nang gamitin 'yung binigay ko. Lampas one months na 'di ba?" Awtomatiko na namula ang mga pisngi ni Sandy. Kailangan talagang ipaalala? "Para malaman mo kung" Ngiwing sinenyasan niya si Xander na tumahimik dahil baka may makarinig dito. "Oo balak ko mamayang gabi kapag tulog na si Mama." Ngumiti si Xander. "Huwag kang mag-alala sa tingin ko naman ay negative dahil minsan lang naman 'yung nangyari sa inyo." Tumango siya na sobrang nahihiya sa binata. Pero na-appreciate rin naman niya ang binata. Siguro ay concern lang talaga ito sa kanya tulad noon na ito ang tagapagtanggol niya kapag may nambu-bully sa kanya sa rito Campus. "Sige una na ako." "Sige duty na rin ako eh. Balitaan mo ako bukas, ha?" "Oo sige!" At napapabuntong-hininga siya na iniwan na ang binatang guwardya. Pero imbes na sa classroom siya mag tungo ay sa CR muna ng Campus. Doon siya nag muni-muni. Paano kung buntis nga Ako? Ano na ang mangyayari sa kinabukasan ko? Natatakot ako at kinakabahan! Papanagutan kaya ako ni Louis? Tatagapin kaya niya magigin baby naming? Wala sa sarili niyang hinawakan ang manipis pa rin niyang tiyan. Sana hindi! Sana hindi ako buntis! naka one month's na ding pala lumipas, At natapos ang unang subject nila na wala siyang kakibo-kibo. Ngayon lang na hindi siya talaga nakipag-participate sa klase. Ni hindi siya nagtaas ng kamay kahit minsan lang sa mga subject nila kapag nagkwe-question ang prof nila. Wala talaga siya sa mood dahil sa iniisip na problema. Habang si Louis ay patingin-tingin na lang sa kanya na hindi niya alam. Nag-umpisa ulit ang next subject nila na lutang pa rin siya. Hanggang sa isang estudyante ang pinakilala ng isang prof nila nang malapit na ang uwian. Taka ang lahat dahil ang ganda ng bago nilang kaklase. Gulat naman si Louis dahil si Cassy iyon, nag-transfer ang dalaga. At ito'y ngiting-ngiti sa kanya. Damn! "Class, be good to your new classmate okay?" anang guro nila. "Miss Cassy Dela Paz habang wala ka pang mauupuan ay dito ka muna," anang pa ng guro na tinuro ang bakanteng upuan ni Clara. Aangal sana si Sandy dahil nire-reserve pa rin niya ang upuan na iyon para sa pinsan. Pero buti na lang at si Cassy ang kusang umayaw sa upuan ni Clara. "Ma'am pwede bang doon ako banda umupo? Gusto ko pong makatabi si Louis" prangkang request ng dalaga. Napakunot-noo ang lahat lalo na si Louis. At napairap naman ang mga kababaihan lalo na si Karra. Parang gusto nitong sugurin si Cassy. Ka bago-bago ay gusto katabi agad ang binata. Gagang 'to Pakendeng-kendeng na lumapit si Cassy sa upuan ni Louis at walang ano mang pinapaalis ang nakaupong binata sa tabi ni Louis. "Excuse me?!" Kamot-ulo ang katabi ni Louis na iyon. Pero big lang hinawakan ito ni Louis sa kamay na nag sasabing huwag itong tumayo. Taka ang lalaki na napalinga kay Louis. "Diyan ka lang!" madiing utos ni Louis sa lalaki na hindi inaalis ang tingin kay Cassy. "'Di ba gusto mo rito umupo?" tapos ay kaswal na tanong ni Louis sa dalagang alam nitong nag palipat lang ng Campus dahil sa kanya. Pa-cute na tumango si Cassy. Akala kasi nito ay natuwa si Louis sa surprise nitong pag lipat ng school. Tumayo si Louis. "Okay dito ka na sa upuan ko!" At ito mismo ang nagpaupo sa dalaga. "Wait!" Angal ni Cassy nang nag lakad si Louis palayo. At mas nagtaka ang lahat nang biglang kampanteng umupo si Louis sa upuan ni Clara. At kung meron mang mas nagtaka ay si Sandy 'yon. Napanganga talaga si Sandy. dahil Katabi na kasi niya ngayon ang binata. Woah! "Okay class! Let's start our lesson," sabi na ng prof nila. Hindi na nakaporma pa si Cassy, inis na inis ang dalaga. Habang si Sandy ay hindi pa rin maitikom ang nakangangang bunganga. Lalo na nang nilinga siya ni Louis at kinindatan siya nito, "Samahan mo ako mamaya after class. Punta tayo sa tahimik na lugar. May ikukumpisal ako kay Lord." Pasimple at mahinang sabi ni Louis kay Sandy na nakatakip ang isang kamay sa bunganga habang kampanteng nakaupo sa upuan ni Clara at habang kunwari ay nakikinig sa lecture ng guro nila. At ang tinutukoy niya na tahimik na lugar ay 'yong simbahan na pinuntahan nila noon ni Sandy. Dahil ang totoo ay nami-miss lang na niya talaga ang kakulitan ni Sandy dahil ang saya niya pag magkasama sila dalawang, Hindi niya kasi maramdaman ang lungkot kapag kasama niya ang dalaga kumpara kapag kasama niya ang mga barkada na walang ginawa kundi ang magpa-cute sa mga girls na 'di naman na niya hilig. Iba talaga 'yong saya niya kapag si Sandy ang kasama niya. Para bang wala siyang dapat intindihin, 'yong feeling na malayang-malaya siyang sabihin o gawin ang kahit na anong gusto niya. 'Yong bang hindi siya nahihiya o nangangamba na mag kamali siya sa harap ni Sandy. ' Di tulad sa barkada niya na puro pa cute sa mga babae, kailangan laging sila perfect, dahil siya ang idol nila, hinahangaan, leader, etchetera. "May pupuntahan nga ako mamaya," kaso mahinang sagot ni Sandy sa kanya na kunwari naman ay sinusulat ng dalaga sa notebook nito ang mga sinasabi ng guro nila sa harap. Pero kung makikita lang ng lahat ang sinusulat ni Sandy roon ay mga guhit-guhit lang pala. Para bang inuubos lang ni Sandy ang pinta ng ballpen nito. Kasi naman ang totoo rin ay nawawala si Sandy sa konsentrasyon ngayong katabi na nito ng upuan ang binata. "Saan?" "Basta!" "Sama ako?" "Ayoko!" "Basta sama ako!" "Ayoko nga dahil kina Clara lang naman ako pupunta!" "Anong gagawin mo roon?" "Bibisitahin ko lang siya dahil dumadalas na ang pag liban niya sa klase--" Naputol ang sinasabi ni Sandy nang napansin niyang nakikinig pala sa kanya ang katabi niyang bakla kaya natigilan siya."Nagsasalita kang mag-isa girl?" tanong ng bakla sa kanya na takang-taka. Buti na lang at hindi pala nito alam na ang kausap niya ay si Louis. "Hindi! May menimemorize lang ako," sagot niyang natatawa sa baklang kaklase. Tiningnan din ito ni Louis. Kaya naman nag pa-cute na ang bakla kay Louis. Nakahinga siya ng maluwang. Ang hirap nito. Kakanerbyos! Kapag nalaman talaga ng lahat na mag kaibigan na sila ni Louis ay patay talaga siya. Sasabihin na naman nila na ambisyosa siya, panigurado! Kaya naman no'ng matapos ang klase ay agad siyang nag ligpit ng gamit at kumaripas na ng alis. Alam niyang hindi siya hahabulin ni Louis dahil mahahalata ng mga kaklase nila. At ganoon nga ang nagyari kaya nakauwi siya ng safe. "Haaayyy!" Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya pag kaupo na pag kaupo niya sa gilid ng kanyang kama. Nag pasya siyang huwag ng dadaan kina Clara dahil baka sundan siya roon ni Louis Mahirap na! Ite-text na lang niya ang pinsan para kamustahin. Kaya lang ay nang kunin niya ang cell phone niya sa bag niya ay nakita niya ang Pregnancy Test Kit na binigay sa kanya ni Xander. Doon niya talaga inilagay dahil ayaw niyang makita iyon ng Mama niya kapag nag linis dito sa silid niya. Naisip niyang mas safe ang PT na walang makakakita kung sa bag niya ilalagay dahil wala namang nangingialam sa bag niya. Kinuha niya iyon at tinitigan. Tapos ay naalala niya ang sinabi ni Xander na pwede na siyang mag-Pregnancy Test ngayon dahil isang buwan na ang lumipas pag katapos ng nangyari sa kanila ni Louis. At muli ay dumagundong ang matinding kaba sa dibdib niya. Paano kung positive? Kakayanin kaya niyang tanggapin? Gulong-gulo man ay nag pasya siyang gawin na nga iyon. Mas mahirap ang ganito na hindi niya alam kung mabubuntis siya o hindi. Ibinulsa niya ang pregnancy Kit saka siya lumabas ng silid. Hindi siya naiihi pero siguro naman ay maiihi siya kahit konti lang kung pipilitin niya. Tingin-tingin muna siya kung nasa paligid ang Mama niya at saka lang siya pumasok sa banyo nila nang makasiguro siyang wala nga ang Mama niya sa bahay. Doon ay kabadong-kabado siyang isinagawa ang pagte-test. Habang abut-abot ang dasal na sana negative ang resulta. "Kapag negative, Lord! Promise hinding-hindi ko na papansin ang lalaking 'yon!" dasal pa niya habang inaayos ang sarili. Binulsa niya muna ang PT. Tapos ay lumabas na siya sa banyo. Karipas ng takbo siya papasok sa silid niya at doon niya tiningnan kung ano'ng resulta. Kaya lang ay hindi pa niya nakikita ang resulta, "Sandy? Dumating ka na ba?" ...ay katok na ng Mama niya sa silid niya."maaaaa!" Gulat na gulat siya. 'Yong PT, naibato niya sa ilalim ng kama niya sa sobrang takot. Pumasok ang Mama niya sa silid niya. "Maaa?" Putlang-putla ang mukha niya. "Oh, dumating ka na pala bakit 'di ka sumasagot?" "Ah.. eh.. Mag bibihis po sana ko eh," pag sisinungaling niya. "Gano'n ba? Sige mag bihis ka na tapos baba ka agad dahil may binili akong miryenda." "S-sige po." Nakahinga siya ng maluwang nang iniwan siya ulit ng Mama niya. Grabe muntik na siya doon, ah! At muntik na siyang mahimatay talaga! Wew! At nang maalala niya ulit ang pregnancy test niya ay naalarma siya. Saan nga ba niya iyon naitilapon? "Aaahhh, dito!" aniya na sinilip ang ilalim ng kama niya. At dahil masikip ang ilalim ng kama ay kamay lang niya ang pinasok niya roon na naghagilap sa PT. Agad naman niyang nakapa ang maliit na aparato. Kaya lang ay parang binag sakan siya ng langit at lupa nang makita na niya ang resulta. POSITIVE! Buntis nga siya? Waaaahhhhh!! Tulala si Sandy umiiyak "Huhuhuhuhu!" Grabe ang ngawa ni Sandy. Buntis siya! Buntis nga siya! paulit-paulit sabi isip niya?! Sandy, anak? Halika na!" tawag na naman ng Mama niya sa kanya. Nag madali niyang ni-lock ang pinto ng silid niya para hindi muna makapasok ang ina. Hindi siya pwedeng makita ng mama niya na umiiyak. Siguradong mag tatanong 'yon kung bakit. HABANG si Xander ay 'di naman mapakali sa trabaho. Straight duty siya ngayon dahil hindi pumasok ang kapalitan niya. At ang dahilan bakit siya 'di mapakali ay kung ano kaya ang resulta ng pagte-test ni Sandy? Sana talaga ay negative para maligawan na niya ang dalaga. Wala siyang pakialam kung hindi na ito buo. Nag papasalamat pa nga siya sa nangyari eh dahil kasi do'n ay naging close sila ng dalaga. Kaya lang paano kung buntis ang dalaga? Paano na siya? Kay tagal pa naman niyang inantay na mapansin siya ni Sandy. Mamaya pag katapos ng kanyang duty ay pupuntahan niya talaga si Sandy SA BAHAY ulit nina Sandy ay halu-halo na ang nararamdaman ng dalaga. Nasa kamay pa rin niya ang PT, mahigpit niya iyong hawak. Ni ang bitawan ito o ilapag ay hindi niya magawa dahil sa sobrang takot. Anong gagawin ko?! Si Louis! Dapat malaman ito ni Louis na buntis ako! Tama tatawagan ko nalang siya sa cell phone ko, kaso wala pala ako number ni Louis Sa f*******: ko massage ko siya? ipapaalam ko kay Louis na dinadala ko ang anak niya! Tama! noong buksan kuna ang f*******: account ko, pero hindi ko naman nagawang sabihin kay Louis na buntis ako, Dahil nakita ko ang mga larawang naka-tag kay Louis. Ang gagandang babae! At ang se-sexy tapos ay mga mukhang mayayaman pa! Walang-wala siya sa mga babaeng mga iyon na kasama ni Louis sa mga pictures. At kasama roon si Cassy, 'yong bagong nilang kaklase, saka si Karra. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya na nilapag dahan-dahan ang cell phone niya. At muli ay rumagasa ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Kung sasabihin niya kay Louis na buntis ako? Sa tingin ba niya ay pananagutan siya ng binata? Siguradong HINDI! Kaibigan! lang ang gusto sa kanya ni Louis Kaya napaka-imposible 'yon. Baka mapahiya lang siya! "Anak?! Bakit mo ba kinakandado ang kuwarto mo?" Ang Mama niya ulit. Taranta siyang pinunas ang mga luha niya. At nang okay na siya ay tinago niya ang PT na iyon sa bag niya saka binuksan na niya ang pinto. "Maa?!" Takang napatitig sa kanya ang Mama niya. "Umiyak ka ba?" ta's tanong nito dahil napansin nito ang pamumula ng kanyang mga mata. "H-hindi po, Ma. Napuwing lang ako kanina," pag sisinungaling niya. "Gano'n ba? Sige halika na mag miryenda muna tayo." "Sige po," malungkot na malungkot siyang sumunod sa Mama niya. Wala siyang imik habang pinag sasaluhan nilang mag-ina ang- Kaso para nabaliktak Sigmura ni Sandy, iyon Maamoy niya tinapay at coke. nagulat ang Mama ni Sandy, Habang siya ay kung anu-ano na ang tinakbo na ng isip niya. Paano niya rin sasabihin sa Mama niya na buntis siya? Tumayo ako dahil hindi ko kaya amoy na pagkain, anak na Paano kaba? Okay ka lang ba?" untag sa kanya ng Mama niya. pag balik niya sa gina upuan niya, "O-opo!" "Ang dami ko nang sinabi pero wala ka man lang reaksyon diyan. Iniisip mo si Louis, noh?" Napaubo siya. "Sabi ko na nga ba! Naku huwag mo nang isipin iyon dahil hindi ka no'n magugustohan! Ang guwapo ng batang 'yon kaya?" Napalabi siya. Eh di wow! Kung makapagsalita naman ang mama niya ay parang hindi siya anak. Ouccchh na ouucchh, hah?! Eh, kanino ba siya nag mana ng pag mumukha?! Haisssttt! Tumayo na lang siya. Hindi nakakatulong ang Mama niya, eh. "Saan ka pupunta na naman?" "Sa labas lang po, mag papahangin!" "Hindi ka pa tapos kumain?" "Busog pa po ako. Saka 'di masarap 'yang tinapay na 'yan," ang baho pa! basag niya rin sa ina. "Kuuuu! Ang sarap nga, eh! Hindi na siya sumagot. Lumabas na siya ng bahay. At doon napansin niya agad ang kotse ni Louis sa labas ng gate nila. Takang lumabas siya ng gate. Si Louis ang hindi agad nakapansin kay Sandy Actually ay kanina pa ito dito sa labas ng bahay nina Sandy Nag dadalawang isip lang kung kakatok o hindi. Niyaya ito ng gimik nina ricks pero ewan kung bakit mas gusto talaga nitong mas kasama si Sandy. Si Sandy naman habang nakatitig sa guwapong binata ay hindi niya napigilang maging emosyonal. Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. In fairness ang guwapo talaga ng ama ng magiging anak niya. Nangilid ang mga luha niya. Sa pag kakataong iyon ay gulat na napatingin na si Louis sa kanya. Naramdaman na nito ang presensya niya. At mas gulat ito nang makitang umiiyak siya. "Bakit ka umiiyak?" tanong ni Louis nang makalapit sa kanya ito. At tila ba may mga buhay ang mga kamay niya na kusang yumakap bigla sa tiyan ng guwapong binata. At sa dibdib ni Louis ay doon umiyak siya ng umiyak. Gulat na gulat si Louis Namilog ang mga mata nito sa ginawang iyon ng dalaga. Pero kung meron mang mas nagulat ay sina Karra at Cassy iyon na nakasakay sa loob ng isang kotse. Na ngayon ay mag kaibigan na agad at lihim nilang sinundan si Louis, Natutop ni Karra ang bibig nito sa sobrang shock. Habang si Cassy ay hindi mailarawan ang mukha. Napakapit ito ng husto sa manibela. Hindi nito akalain. Hindi nito akalain na... na 'yong pangit na babaeng 'yon pala ang kinahuhumalingan ngayon ni Louis Sheet yaks kadiri ka Louis..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD