CHAPTER 9

3966 Words
"LOUIS POV" "Buti dumating ka na? Kumusta ang school?" salubong na tanong ni Yaya Chade sa alagang si Louis. "Okay lang po. Si Mommy at si Daddy dumating na, Yaya?" walang ganang sagot at tanong ni Louis sa kanya Yaya. "Ayun lasing na dumating kanina ang Mommy mo pero nang magising umalis na naman. Si Daddy mo hindi pa bumabalik simula umalis." Tumango-tango si Louis. Napapahimas-batok na lang siya sa mga nangyayari ngayon sa bahay nila. Inasahan na niya 'yon kaya hindi na siya nag taka. Wala rin naman siyang magagawa sa sigalot na ito ng mga magulang niya. Ni hindi na nga siya naiisip ng mga ito bilang anak nila, eh. "Siya nga pala, Louis. Tumawag si Cassy kanina, tinatanong kung pwede ba raw siyang dumalaw rito ngayon. Alam niya raw kasing nalulungkot ka. Gusto ka raw niyang damayan." Napakagat-labi siya at pag kuwa'y napabuntong-hininga. "Sabihin niyo po na ako na lang ang pupunta sa bahay nila, Yaya." Gulat si Yaya Chade. "Huh?! Sigurado ka?!" Tumango siya sa mabait niyang tagapag-alaga. Alam niyang nagtataka ito, dahil ni ayaw nga niyang makausap dito sa bahay nila ang dalagang iyon na habol ng habol sa kanya tapos ngayon ay siya pa pupunta. Nakapagtataka naman talaga. Pero kasi ay parang ayaw niyang magtagal pa sa bahay nilang ito. Mababaliw lang siya sa kakaisip sa nangyayari ngayon sa mga magulang niya. Na ni hindi siya hinagap, at hindi niya naisip na mangyayari dahil akala niya ay love na love ng mga magulang niya ang isa't isa. "Pakitawagan na lang po siya. Mag bibihis lang ako," saka aniya na patakbo nang umakyat sa mahaba nilang hagdan. "Huh?!" Hindi nakakilos agad at nakapag-react man lang si Yaya Chade. Sunod tingin na lang ito kay Louis. Takang-taka ang hitsura nito at parang na-estatwa na dahil hindi nito inasahan 'yon. First time na hindi umiwas ang alaga nito sa Cassy na iyon kasi. "Hay naku! Pati si Louis ay napapariwara na sa pag-aaway ng mga magulang niya. Kawawang alaga ko!" Pag katapos ay usal nito sa sarili habang patungo sa telepono nang mahimasmasan. Mabilis na nag bihis si Louis. Simpleng t-shirt at maong pants at rubber shoes ang sinuot niya. Pupunta ba talaga siya kina Cassy or Sandy, para lang hindi siya manatili sa bahay na ito na tinuturin na niyang impyerno. May mapuntahan lang talaga siya. "Yaya, alis na ako!" paalam niya sa Yaya Chade niya na nadaanan niyang naglilinis sa sala nila. "Louis!" pero tawag sa kanya nito. "Po?!" "Akala ko ba hindi mo iyon gusto?" Ngumuso siya. "Yaan niyo na!" saka sagot niya na kinampay ang kamay. "Sige mag-iingat ka na lang!" "Opo!" Sakay agad sa kotse niya si Louis pag kalabas saka pinaharurot agad iyon paalis . Parang nag mamadali siya na ewan. Gustong-gusto niyang makaalis agad ulit sa bahay nilang iyon na impyerno na talaga ang turing niya. Masamang-masama ang loob niya. Dahil ayaw niya talagang maging broken family sila sana. Ngunit wala na yatang makakapigil pa sa pag hihiwalay ng magulang niya kahit siya man. "Bahala sila sa buhay nila!" Mapait ang tinig niyang naisatinig sabay napasuntok sa manibela. Feeling din niya ay parang napakawalang kwenta niyang anak. 'Di na niya namalayan kung paano siya nakarating sa bahay nina Cassy ng ligtas dahil lumilipad talaga ang isip niya. Sinuot muna niya ang sunglass niyang itim bago bumaba ng kotse. Lumapit siya sa pinto at nag doorbell. Saglit lang ay may nag bukas n'on. At anong gulat niya nang bumungad sa harapan niya ang isang babaeng baduy! Ka-style ni Sandy! Speaking of Sandy. Napangiwi siya dahil naalala niyang may problema rin pala siya sa babaeng iyon. Aissst! "Kayo po siguro si Sir Louis? Pasok po?" Ngiting-ngiti sa kanya ang babae. Parehas na parehas talaga ito ni Sandy. Mula sa buhok na may bangs hanggang sa pananamit. Wala lang itong salamin sa mata. And speaking of Sandy again. Nakauwi na kaya ang babaeng iyon? May padate-date pang nalalaman sa guwardya! 'Di naman sila bagay! "Sir? Pasok na po kayo?" Nagtataka na yata na untag sa kanya ng babae dahil natulala siya rito. "Ah.. eh.." Dahilan para makawala siya sa pag kukumpara at pag kaalala kay Sandy. "Inaantay na po kayo ni Ma'am Cassy sa loob," sabi ng babae ulit. Sa pag kakataong iyon ay parang natauhan siya. Anong ginagawa ko sa bahay nina Cassy?! Haissstt! Nababaliw na ba ako ?! "Sir? Okay lang kayo?" tanong sa kanya ng babae. Napapangiwi rin ito kasi napapangiwi na pala siya sa mga tinatakbo ng isip niya. Mukhang pinag-iisipan siyang baliw. "Ah.. eh.. oo! Uhmm pwede pakitawag na lang si Cassy rito, please?" "Ayaw niyong pumasok na lang?" "H-hindi na! Sige na pakitawag na lang siya rito. Dito na lang kami mag-usap." Tumango ang babaeng kasambahay. "Sige po." Alinlangan siyang iniwan ng babae. Palingon-lingon pa ito sa kanya habang papasok ulit ng bahay. Napabuntong-hininga siya ng malalim. Gusto niyang suntokin ang sarili. Kung nag kataon panibagong problema na naman sana ang nagawa niya. Tsk. Nang makita niyang nakapasok na sa bahay ang babae na siguro ay katulong nina Cassy ay kumaripas na siya ng balik sa kanyang kotse. Agad niyang pinaandar iyon at pinaharurot patakas. Buti na lang! Buti na lang talaga at nakapag-isip din siya ng matino! Ang hindi niya namamalayan ay direksyon papuntang bahay na ni Sandy ang tinatahak naman ng kanyang kotse. Namalayan na lang niya nang tumigil siya roon. "Ano'ng ginagawa ko rito?!" Natampal niya ang sariling noo. Minamaligno na ba siya?! Haissttt! Hindi muna siya bumaba. Ang totoo kasi ay hindi pa siya ready harapin si Sandy. At ang mas totoo nahihiya kasi siya sa dalaga dahil sa nangyari kaya naman iniiwasan niya muna ito. Parang wala na kasi siyang mukhang ihaharap pa kay Sandy. Ang bait ni Sandy tapos gano'n lang ang ginawa niya. Sinamantala niya! Nakakahiya siya! Napakislot siya nang nag bukas ang gate nina Sandy at lumabas doon ang dalaga. Napalunok siya. Naramdaman na naman niya ang guilt na iyon na ilang araw ng nag papahirap sa kanya. Kung paano mawawala ay hindi niya alam, wala siyang maisip na gawin. Nakuntento muna siya sa panonood sa dalaga pero nang makita niyang itinapon ni Sandy ang bote C2 Milk Tea sa basurahan ay parang sinibat ang puso niya. "Aba't!" Nasaktan siya kaya naman wala sa sariling lumabas na siya sa kotse at sinugod ang dalaga.......... "And what do you think you're doing?!" Salubong ang dalawang kilay ni Louis na dinampot ang bote ng C2 Milk Tea sa basurahan. Takang-taka na napatingin si Sandy rito. "A-anong ginagawa mo rito?" "Dinadalaw ka dahil ayaw ko man sana ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na kamustahin ka! Pero ito pa ang madadatnan ko?!" Masama talaga ang loob ni Louis. Inirapan ni Sandy ang binata. Ito pa talaga ang may ganang magalit? Wow! Ito nga ang hindi namamansin sa Campus eh. "Umalis ka na nga Louis ayaw na kita makita kahit kaylang pa!" Hinablot niya ang bote ng C2 Milk Tea tapos ay padabog na tinapon ulit iyon sa basurahan. Saka hinalukipkipan ang binata. Napasinghap naman sa hangin si Louis. At masama ang tingin kay Sandy na dinampot din ulit sa basurahan ang bote C2 Milk Tea ni Louis. Pero hinablot din agad iyon ni Sandy at tinapon ulit. Kinuha niya ang takip ng basurahan at tinakpan na. "Huwag mo nang pulutin dahil wala ng pakinabang ang bote na 'yon sa 'kin! Wala ng halaga!" at wala ng ding kuwenta katulad nag bigay niya mang gagamit na tao, "Talaga lang, ha?" Inalis ni Louis ang takip ng basurahan at kinuha ulit ang bote saka itinago sa likuran nito. "Oo! Dahil hindi ko pala tunay na kaibigan ang nag bigay niyan sa 'kin! Oportunista pala at rapist pa!" pag katapos niya makuha virginity ko nag pagap ng wala siya malala, Namilog ang mga mata ni Louis. "What did you say?! 'Tong gwapo kong 'to tatawagin mo akong rapist?!" "Ewan ko sa 'yo at isa pa tapos ng pagkaka ibigan nating dalawang," pasarkastiko niyang sabi kay Louis. "Look, Sandy! Hindi mo ba nakikita pumunta ako ngayon dito dahil concern ako sa 'yo dahil kaibigan pa rin kita!" "Sabihin mo nga sa 'kin! May mag kaibigan bang nag-s*x na?! Sige nga ipaliwanag mo sakin Louis para maintidihan ko?!" Doon natigilan si Louis. Napahimas ito ng batok. "Pwede ba kalimutan na lang natin 'yon?!" "Woooww! Louis para sayo madali kalimotan! Virginity ko 'yung gusto mong kalimutan ko Paano kung mabuntis mo ako haaaa! Naiiyak nanaman ako pag nanala ko ang lahat! Okay para sayo? Pero sakin hindi ok! Sa 'yo pwede mong kalimutan 'yon pero ako hinding-hindi!" ko makalimtan iyon, "So, what do you want me to do? Tell me! Para bumalik 'yung maayos nating pag kakaibigan!" Siya rin ang natahimik. Ano nga ba? Layuan mo nalang ako Louis ayaw kuna mapalapit pa saiyo" at Malabo I'yon mangyari ng babalik sa dating pagkakaibigan, "Sandy, I'm here to say sorry! And I'm here para mag kaayos sana tayo! Kaya sana okay na tayo! Bati na tayo?!" "Hindi na 'yon maayos Louis dahil sinira mo na ang tiwala ko saiyo! Pasalamat na lang tayo dahil kahit ilang araw lang ay naging mag kaibigan tayo!" "Pero Sandy.." "Sige na umalis ka na!" Mag sasalita pa sana si Louis nang makarinig sila ng taong parang nasuka. At nang tingnan nila ay si Clara pala iyon. "Sorry! Sige mag-usap lang kayo," maasim ang mukhang sabi sa kanila ni Clara na nakaupo sa tabi at nagsusuka. Dumating ito na hindi nila namamalayan at aawat sana ito sa pag-aaway nila pero bigla kasing nasuka ang dalaga. "Anong nangyari sa 'yo?" Lapit agad si Sandy sa pinsan at hinagud-hagod ito sa likod. "Okay lang ako. Masama lang ang pakiramdam ko. Siguro may nakain akong nakasama ng tiyan ko," namumutla ang mukhang sagot ni Clara. "Gusto mo mag pacheck-up?! Dalhin kita sa ospital?" nag-alalang alok ng tulong din ni Louis sa kaklase. "Hindi! Hindi na! Siguro ipahinga ko lang 'to" "Halika! Do'n ka muna sa kuwarto ko. Masama na nga pakiramdam mo ay nag punta ka pa kasi rito." Inalalayan ni Sandy ang pinsan. Tumulong si Louis pero tiningnan niya ito ng masama kaya napabitaw rin ang binata. "Umuwi ka na!" Inirapan niya rin ito. "Pero hindi pa tayo tapos mag-usap," angal ni Louis. "Sige na, Sandy. Mag-usap muna kayo ni Louis. Kaya ko nang pumunta sa silid mo," ani Clara. Walang nagawa si Sandy kundi ang manatili. Sunod-tingin na lang sila kay Clara na papasok ng bahay. "So, sa'n na nga ba tayo?" Umpisa ni Louis. "Haisstt! Pwede ba umalis ka na lang?!" "Hindi nga pwede hangga't hindi tayo nag kakaayos!" "Ayoko na mag kaayos pa tayo Louis!" giit niya. "Bakit?! Dahil ba kay kuya guard? Siya na ba ang kaibigan mo ngayon?" Nakunot ang noo niya. Naalala niya 'yung sinumbong siya ni Louis sa Mama niya kaya napagalitan siya ng bonggang-bongga kanina. "Alam mo akala ko mabait ka pero chismoso ka rin pala! Nag sumbong ka pa talaga sa Mama ko!" "S-sorry pero kasi kung kani-kanino ka sumasama, eh." "At least si Xander hindi katulad mo na kinakahiya ako magin kaibigan ako. Eh, ikaw?!" mang gagamit wala kuwenta kaibigan, Napahiya si Louis. Hindi ito nakaimik. SAMANTALA. Palihim na nagtungo sa banyo si Clara nang nasa loob na ito ng bahay nina Sandy. At doon sinagawa ang pag-pre-pregnancy test. Iyon talaga ang sadya nito sa bahay nina Sandy. Natatakot kasi itong gawin 'yon sa mismong bahay nila. Inilabas nito at binuksan ang pakete ng Pregnancy test kit na kabibili lang nito sa botika. At kabang-kaba na tinest na nga nito ang sarili. Mag dadalawang buwan na kasi itong hindi dinadatnan at kung anu-ano na ang nararamdaman nitong kakaiba kaya may duda na ito na baka buntis ito. Baka nabuo ang palihim na pakikipag-s*x nito sa boyfriend nitong tambay sa kanto. Kabadong-kabado si Clara umihi at pinatakan nga ang maliit na aparato na iyon ng ihi nito. Saka nag madaling lumabas din sa banyo pag katapos nitong gawin 'yon. Binulsa nito muna ang Pregnancy Test Kit. Sa silid ni Sandy na lang nito aantayin kung positive o negative ang resulta. Sinarado agad si Clara sa pinto ng silid ng pinsan nang makapasok ito. At maiiyak na umupo sa gilid ng kama ni Sandy. Diyos ko! Huwag naman sanang positive. Ayaw ko pang mag-asawa! Ang bata-bata ko pa! Dasal nito sa sarili. Saglit pa'y dahan-dahan na nitong kinuha sa bulsa ang Pregnancy Test Kit. At tuluyan na nga itong napaiyak nang makitang dalawa ang kulay pulang guhit na pumatak doon. Ibig sabihin positive. Buntis nga siya! "Pano na 'to?!" Iyak nito habang nakatitig sa maliit na aparato na iyon. SA LABAS. Binawi ni Sandy ang bote ng C2 Milk Tea. "Sige na umalis ka na!" "Sandy, naman eh!" Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sandy saka iniwan na niya ang binata dala ang bote ng C2 Milk Tea. Pero muli ring bumalik dahil may kinuha pa sa basurahan, 'yung lagayan ng fries ng jollibee. Kasama niya iyong tinapon kanina hindi lang napansin ni Louis. "Sandy, bati na tayo! Hah?!" "Hmmp!!" pag isipan ko muna! Suplada niya pa rin na tinago ang lagayan ng fries sa likod niya. At patalikod na pumasok na siya sa bahay na mabigat ang kalooban niya. Habang si Louis walang nagawa kundi ang bumalik na sa kotse nito. Malungkot na malungkot ang binata. At nasasaktan sa 'di nito malamang dahilan. Si Sandy, ayaw man aminin pero ang totoo parang sinisibat din ang puso niya na papunta sa silid niya. At hindi rin niya alam kung bakit. Siguro dahil sayang din kahit paano ang binuo nilang friendship ni Louis. "Clara?!" Iyak niya pag kapasok niya sa silid niya. Nagulat tuloy si Clara. 'Yung hawak nitong Pregnancy Test Kit. Naibato nito sa ilalim ng kama ni Sandy at agad nag punas ng mga mata nito na tigmak ng luha. Pero napansin pa rin ito ni Sandy. "Umiiyak ka rin? Bakit?" takang tanong ni Sandy sa pinsan sabay lapag sa bote at lagayan ng fries sa ibabaw ng kanyang study table. Sa dating kinalalagyan ng mga iyon. Umiling-iling si Clara. "W-wala," anito kahit rumagasa na naman ang luha nito. "Eh, ikaw bakit ka umiiyak?!" Napalabi siya. "Wala rin," sagot niya kahit panay ang bagsak din ng mga luha niya sa mata. Nagkatitigan silang mag-pinsan pagkuway... "Waaaaahhhhh!!" yakap silang dalawa sabay ngawa sa isa't isa.......... "Waaaaaahhhhh!" Iyak pa rin ni Clara at Sandy. Nagyayakapan ang dalawa, tapos mag hihiwalay, tapos mag yayakapan na naman tapos mag hihiwalay rin ulit. Parehas na silang parang tanga na at luka-luka nag-iiyakan sa isa't isa na hindi naman alam ang dahilan ng bawat isa kung anong iniiyakan nila. at kung ano prolima ng bawat isat-isa, Si Clara dahil buntis nga ito. At si Sandy dahil sa virginity niyang nawala na hindi man lang niya namalayan, "Tapos ay may posibilidad pang mabuntis siya sa nangyari sa kanila dalawa ni Louis"! "Bakit ka ba grabe kung makaiyak?" tanong niya sa pinsan sa gitna ng pag hahagulhol. "Eh, ikaw bakit ka rin umiiyak?" Ngunit balik tanong ni Clara sa kanya. Natigilan silang mag pinsan. Makikita sa mukha nila na may gusto silang sabihin sa isa't isa. Kaya lang ay parehas din naman nilang hindi masabi talaga kung ano ang mga problema nila. Siguro dahil sa takot o hiya kaya naman iyakan na lang ulit silang dalawa. Sa isip-isip ni Clara. "Paano na ang kinabukasan ko?" At sa isip-isip naman ni Sandy. "Paano na ang virginity ko?" "Paano kung mabuntis nga pala ako? ano sasabihing ko kila mama at papa? paano ko ipapaliwanak sa kanila? Maraming tanong sa Isip nila dalawa? SAMANTALA ay nakangiti na umuwi si Louis dahil kahit paano ay nag kausap na sila ni Sandy. Magaan na ang loob niya. Pasasaan at babalik din ang friendship nilang dalawa ni Sandy. Kaya lang ay nawala ang ngiti niyang iyon dahil nakita niya agad si Cassy na nag-aantay sa kanya sa labas ng bahay nila. Bumaba siya sa kotse niya. Hindi pa man ay nakangiti na sa kanya ang dalagang habol ng habol sa kanya. "What brings you here?" kaswal niyang tanong dito. "Nag-alala ako sa 'yo. Sabi kasi ng katulong namin ay nasa labas ka ng bahay kanina. Pero wala ka na doon no'ng lumabas ako, where did you go?" Pinamulsa niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Sa tingin niya ay hindi na niya kailangang mag paliwanag pa sa dalaga. "Wala. Ang mabuti pa umuwi ka na." "No! Gusto kitang makausap!" "Sorry but I'm tired. Next time na lang." "Louis, what's wrong with you?! Bakit ba iniiwasan mo ako?!" Napabuntong-hininga siya. Sa tingin niya wala rin siyang kailangang i-explain sa dalaga bakit iniiwasan niya ito dahil hindi naman niya sinabing habulin siya nito. "Sige na. Kailangan ko na talagang mag pahinga." At nilampasan na niya ang dalaga. "Louis!" Inis na tawag sa kanya ni Cassy pero pinanindigan niya talaga ang pag deadma rito. Nag bingi-bingihan siya. Ngayon ay hindi na siya nagi-guilty dahil noon pinakisamahan naman niya ng maayos ang dalaga. Kaya lang mas lumala pa ito. Sinabi na niya noon na hanggang mag kaibigan lang sila dahil hindi niya ito maramdaman ng kahit konting pag mamahal tulad ng mga ibang babaeng nag hahabol sa kanya. Pero sige pa rin sa pag sisiksik sa sarili nito sa kanya. At nag sawa na nga siya. Mas maganda pala na hindi na lang niya ito pinakisamahan umpisa palang dahil mas na-fall pa ito tuloy sa kanya ngayon. "Cassy sige na po umuwi ka na muna," sabad na ni Yaya Chade. Ito na ang humarap sa dalagang nag mumukha ng cheap sa pag hahabol kay Louis. "Yaya Chade, bakit gano'n si Louis? Hindi ba ako maganda para hindi niya ako magustohan?" naiiyak na tanong ni Cassy kay Yaya Chade. "Ay! Huwag mong sabihin 'yan Cassy. Napaka ganda mo nga, eh, bagay na bagay kayo ni Louis." "Then why he didn't like me, Yaya?" "Wala, Iha. Sadyang hindi lang talaga napipilit ang puso para magustohan ka ng isang tao. Huwag mo nang ipilit, Cassy. Marami pa naman ibang lalaki, eh." "No, Yaya! Siya lang ang gusto ko at gagawin ko pa rin ang lahat magustohan lang niya ako!" Mahal na Mahal ko si Louis Yaya! handa ko gawin ang lahat para mahalin lang ako ni Louis yaya, madiin na bigkas ni Cassy. Saka tumalikod at pamarchang umalis. Sunod tingin na lang si Yaya Chade sa spoiled brat na dalaga. Napapailing ito. Kawawa naman ang alaga nito dahil hindi pa rin talaga ito tatantanan ni Cassy. Sa kotse ay mabilis na may dinial si Cassy sa cell phone nito. "Mommy, gusto kong lumipat ng school!" sabi nito agad sa tinawagan nitong ina. "What?! Ano na naman ba ito Cassy?" "Mommy, desperada na ako! I think may iba nang nagugustohan si Louis na ibang girl at hindi ko iyon matatanggap!" "Kaya ka lilipat sa school nila Ganoon ba?" "Yeah!" Napabuntong-hininga sa kabilang linya ang Mommy ni Cassy. "Please, Mom! Payagan mo ng ako!" help me Mommy! "Okay, if that's what you want! Ipapaasikaso ko agad ang pag-transfer mo roon." Napangisi si Cassy. dahil nagtagumpay siya sa mga balak niya kay Louis, "Thanks, Mom. I love you!" tapos ay pinatay na nito ang tawag. Excited na ito dahil makakasama na nito sa iisang campus si Louis na dapat ay noon pa pala nito ginawa. At kung sino man ang girl na nagugustohan ni Louis ngayon, humanda ito! Kanya lang si Louis! No matter what! "Okay ka na ba?" tanong ni Sandy habang winawalisan niya sa sahig ang nagkalat na pag kadami-daming tissue na naubos nila ni Clara kakaiyak. Malungkot pa rin na tumango si Clara sa kanya. "Ano ba kasi 'yang mabigat na problema mo?" sinubukan pa ring tanong niya sa pinsan. Subalit iling pa rin ang sinagot ng pinsan sa kanyan Napabuntong-hininga na lang siya na tinuloy ang pag wawalis. Hindi na niya pipilitin kung ayaw talagang sabihin ni Clara ang problema nito. "'Yon ba ang dahilan bakit ka laging absent sa school?" Iniba na lang niya ang mga tanong. Tumango si Clara. Pag kuwa'y tumayo na ito. "Teka? Aalis ka na?" "Oo. Uwi na ako." Madaling tinabi niya ang walis tambo. "Ihahatid na kita baka kung san ka mapunta," aniya dahil pansin niyang nawawala sa sarili ang pinsan. Hindi umimik si Clara. Nakaaalalay siya hanggang sa pag labas ng bahay. "Okay ka lang ba talaga?" paninigurong tanong niya ulit dito habang naglalakad sila pauwi sa bahay nina Clara. Sa tingin niya ay mas malalala ang pinagdadaanan nito keysa sa kanya. "Sandy, 'pag pinatay ako nina tatay! Iburol mo ako sa bahay niyo ha?" Gulat na gulat siya sa sinabing iyon ni Clara. "Ano bang sinasabi mo?!" kinilabutan naman ako saiyo Clara. bat ka naman nila papatay? "Seryoso ako Sandy hindi ako nagbibiro!" "Ay ewan ko sa 'yo! Kung ano man 'yang problema mo ay may mareresulba 'yan! Sabihin mo kasi kung ano 'yan!" Nag-isip si Clara. Akala niya ay mag-o-open na ito ng problema pero hindi pa rin pala dahil umiling lang ulit ito. Napakibit-balikat na lang siya. Pinagpatuloy nila ang paglakad. Nang biglang may humintong motor sa tapat nila. Natigil sila sa pag lakad. "Sandy!" dahil tawag sa kanya ng nakasakay roon na lalaki. Kunot-noo na inaninag niya ang mukha ng lalaking nakatago sa helmet. "Kilala mo?" Kalabit sa kanya ni Clara. "Hindi eh." Pero nang mag-alis ng helmet ang lalaking iyon ay si Xander pala. "Oh Xander, ikaw pala yang? hindi kita agad nakilala kanina kala ko kung sino na? Umaliwalas ang mukha niya. "Kumusta?" ngiting anang binata sa kanya saka umalis ito sa motor at lumapit sa kanila. "Kumusta ka diyan? Nagkita lang tayo sa Campus eh." Natawa si Xander. "'Di ba guard ka sa Campus namin?" tanong ni Clara kay Xander, amazed na tanong ni Clara na hindi sigurado. "Oo." "Sabi ko na nga ba!" "Magkaibigan na kami ngayon, Insan," sabi ni Sandy kay Clara. Nagulat si Clara sa sinabi ni sandy. "Wow ha? Lahat na lang kaibigan mo na ngayon! Haba na ngayon ng hair mo ah?" "Yaan mo na! Ngayon lang naman eh!" Pasimpleng siko niya rito. Inismiran siya ni Clara. Natawa siya saka hinarap ulit ang binata. "Bakit ka pala andito?" "Actually pupuntahan sana kita sa bahay niyo." "Hah?! Bakit?" Taka siya. Napatingin si Xander kay Clara. Tila sinasabi nitong hindi nito masasabi ang sasabihin dahil kasama nila si Clara. "Ah, sige mauna na ako. Iwanan ko na kayo rito. Malapit na lang naman na ang bahay namin," ani Clara na nakaramdam. "Sigurado ka?" Paninigurong tanong ni Sandy "Oo! Sige Xander!" Paalam na ni Clara. Tumango ang binata. "Sige! Ingat!" Inihatid muna nila sa tingin si Clara at nang malayong-malayo na ito.. "Ano ba 'yung sasabihin mo sa 'kin?" ay tanong na ni Sandy kay Xander. "Ay oo!" May kinapa si Xander sa bulsa nito. "Ito!" saka inabot iyon sa kanya. Takang kinuha niya ang maliit na box na iyon. "Ano 'to?" "Pregnancy Test Kit," diretsahang sagot ni Xander. Muntik na tuloy niyang maitilapon kung saan ang bagay na iyon. Ayayayayayay! Para siya kasing nakuryente! "May binili ako sa botika tapos naalala kita kaya binilhan na kita niyan!" Namula ang magkabilang pisngi niya. "Grabe ka naman! pregnancy agad?!" "Okay lang 'yan. Itago mo muna. Tapos after one month's saka ka mag-test." Nakagat niya ang lower lip niya. "S-sige salamat, ha?" tapos ay pasasalamat na niya sa binata. At least hindi na siya gagastos at 'di na siya mamomoblema kung paano bibili ng Pregnancy Test Kit sa drug store. Nakakahiya kaya 'yon! Kadalaga niyang tao eh bibili siya ng Pregnancy test? Ew! "You're welcome. At huwag kang mag-alala ipag dadasal ko na negative ang magiging resulta." Kiming napangiti siya kay Xander. Parang may ibig sabihin ito pero ayaw niyang pangunahan. Pero sana nga! Sana nga negative! Sana nga hindi siya mabuntis!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD