Eros POV Habang nakayakap sa akin si Cyril dahil muntik na siyang malunod napansin kong namumula na ang mukha niya... Ang cute niya... lalo na kapag basa ang buhok niya... "Hhmmm... Cyril bakit namumula ang mukha mo?" Seryoso kong tanong. "Wala po... nakakainis ka po sir!" Sigaw niya pero parang mabait pa rin siya tingnan. Kahit magalit siya, kahit mainis siya sobrang bait pa din niya tingan kaya lalo akong nahuhulog... lalo tuloy akong napapalapit sa kanya... "Ay ganun? Naiinis ka sakin? Sige iiwanan kita dito sa dagat!" Inis kong sabi kay Cyril. Biglang humigpit ang yakap sa akin ni Cyril... yun talaga ang motibo ko. Gusto ko siyang takutin para yakapin pa niya ako lalo... "Sorry po sir... ikaw kasi eh... muntik na akong malunod! Marami pa akong pangarap! Di pa po ako nakaka-grad

