Cyril POV "Cyril! Kahit anong mangyari wag na wag kang lilingon!" Nangigigil na sabi ni sir habang hinahatak ang kamay ko. Bigla akong hinatak ni Sir Eros palayo kay Luther habang hinahabol niya kami ni sir... "Cyril! Wag kang sasama diyan!" Sigaw ni Luther habang tumatakbo. "Wag kang makikinig Cy... uupakan kita gamit labi ko." Seryosong sabi ni sir habang hinahatak ako. Hala! Ano daw? Anong sinabi niya? "Ano pong sabi mo sir?" Tanong ko habang tumatakbo. "Ewan! Bingi ka!" Galit niyang sigaw. Bigla akong ipinasok ni Sir Eros sa loob ng kotse at pumasok na din siya tapos ni-lock niya lahat ng pinto... Naiwan lang si Era sa swing habang tumatawa... "Sir ano po ba ang balak niyo? Bakit po natin iniwanan si Era?" Naguguluhan kong tanong. "Ipapasundo ko siya mamaya." Sabi niya na pa

