Cyril POV Mga tatlong araw din ang bakasyon ko sa bahay nila Luther at nakaka-tuwa talaga ang pamilya niya... parang nanay ko na nga din ang mama ni Luther eh... Ihahatid na ako ni Luther pauwi sa bahay ko dahil ubos na din ang dala kong mga damit. Nagpapa-alam na ako sa parents ni Luther at mukhang ayaw na nila ako pauwiin.. "Cyril... balik ka ulit dito sa bahay ah." Nakangiting sabi ng papa niya. "Sige po... sa susunod ulit." Nakangiti kong sagot sa kanya. Lumapit ang mama ni Luther at niyakap ako saglit at... "Cyril anak... sa susunod sana pag bumalik ka dito... kayo na ni Luther." Nakangiting sabi ng mama niya. Ngumiti na lang ako at medyo natatawa na ako... gustong-gusto kasi talaga ng mama ni Luther na magka-tuluyan na kami... "Wag kang mag-alala mama... pag bumalik kami dito

