HERA'S POV "Tubig, tubig, tubig." Napahawak pa si Auna sa dibdib at lalamunan. Muntik ng matumba pero agad ding nakabawi. "Duh!! Akala mo kung sinong matapang pero dehydration lang pala ang katapat." Sabi niya kay Arthur na nakasimangot na. Ginaya pa ulit siya ni Auna kaya nagtawanan kami. "Ikaw kaya mamatay sa sobrang uhaw." Inis na duro ni Arthur sa Asawa. "Wag ka ngang stupid diyan! Hindi ka mamamatay! Ilublob ka lang sa tubig buhay ka na ulit. Weak!" "Wow! As in Wow!" Ginawa pa niyang 'W' ang mga daliri sa magkabilang kamay. "Nagsalita ang hindi mahina. Ikaw nga eh ganito." Tumayo si Arthur at ginaya ang kaartehan ni Auna. "Tubig, pakiusap. Kahit kaunting tubig lang." Lalo kaming natawa nang mag-ala sexy star siya sa paghagod sa lalamunan at pababa sa dibdib. "Dehydrated na't lahat

