HERA'S POV "Bago ko makalimutan." Napatingin kami Kay Armela. Nasa harap na kaming lahat ng portal at handa ng pumasok nang pigilan niya kami. "Para sa iyo, Smile at Haring Rome ng Glacies." Binigyan niya ng tig-isang maliit na box ang dalawa. "Wow! Para sa akin 'to, Kamahalan?" Tanong agad ni Smile. "Oo. Regalo ko para sa'yo." "Wala naman akong ginawang kadakilaan ngayon." Takang tanong ni Rome sa kanyang sarili. "Siyempre naman ay meron. Sapat ng narito ka at she namahan ang mga dakila." Sagot ni Armela. "Siyempre may kadakilaan ka. Ang saluhin ang nagwawalang sphere eh malaking bagay talaga. Pft!'' Napanguso ito dahil sa sinabi ni Arthur. Natawa na lang kami. Bumaling ako kay Armela. "Kailangan na naming tumawid." "Bago iyon , Inyong kamahalan, nais kong handugan kayo ng reg

