Angel's POV
"Shut up and don't ask" sabi ko kay Max just to shut her up.
Naubos na ang ice cream namin. Kaya tinawag ko na rin ang waiter para magbayad. Ako na ang nagbayad ayaw sana ni Max kasi sabi ko daw magpapalibre ako. Pero alibi ko lang yun para makasama sya. Oo ako na ang malandi. Paraparaan lang!
Andito na kami sa school dahil kelangan pa nami pumasok sa next subject namin.
Tamad talaga akong mag aral eh pero kelangan para maging proud sa akin ang parents ko at para payagan na nila ako sa gusto ko. Yeah sa gusto ko,at isa lang naman ang gusto ko sa buhay ang makasama ang mahal ko. Walang iba kundi si Maxwell. Pero of course wala syang alam sa plano ko dahil ayaw kong sabihin sa kanya yun para na rin hindi lumaki ang ulo nia.
I'm bi at alam ng parents ko yun. Sa una ayaw nila kasi kasalanan daw yun sa mata ng tao at sa dyos pero dahil matigas talaga ang ulo ko wala rin silang nagawa. Tsaka sa isang tao lang naman ako nag kagusto at sa babae pa. Take note babae, swerte nya kasi nagkagusto ang isang Angelica Lopez sa kanya.
Pero hindi pa kami official kasi di nya alam na ako talaga ang patay na patay sa kanya. Tinatarayan ko lang para mapansin nya ako. Tssss!
Maxwell San Jose. I love you!
Naputol ako sa pagiimagine ng may magsalitang mahadera sa tabi ko.
"Girl san ka pumunta kanina?" Maarteng sabi ni Nika. Isa sa mga friends ko.
"Dyan lang" walang gana kong sagot.
Andito na kami sa library dahil wala ang prof naming panot.
"Bat nakita namin na kasama mong dumating si Max baby"? Sabi ng malanding bakla na si Bruno. Pero Anastacia daw talaga name nya nagkamali lang sa pagtype yung registrar sa hospital.
"Baby mo? Sabunotan kaya kita jan para makakita ka ng baby ha BRUNO. " madiin kong sabi sa kanya.
Napipikon talaga ako eh pag sinasali na nila sa usapan si Max.
"Tsee pikon. Di ko naman sya type noh. Kung si Mark siguro ang kasama mo baka ako pa sumabunot sayo." Sabi ni bakla.
"Wala kang pag asa dun bakla kasi straight yun." sabi naman ni Jessy na nagsusulat. Kokopya nalang ako sa kanya mamaya.
"Tama na nga yan. Hoy Nika asan si Red? May kasalanan pa yun sakin ha." Tanong ko kay Nika dahil half sister nia si Red isa rin sa friends ko.
"Ewan ko dun. Di ba sinundan nia yung girl na pinahiya mo kanina?" Kunot noo nyang sabi.
"Yun nanga kasalanan nia eh sinundan nia yung babae kanina. Kung wala lang si Max kanina di lang yun matitikman nung babae na yun." Sabi ko sabay tayo. "Tara alis na tayo"
Sumunod naman sila. Tamang tama tapos na rin si Jessy magsulat.
___
Hay gutom nako kaya andito kami ngayon sa Cafeteria para kumain. Yun kasi hobby ko kung hindi matulog ay kumain. May isa pa pala ang magpapansin kay Max na walang alam. Hehe
"Dami naman nyan girl. San mo nilalagay ang kinakain mo?" Pakialamera talagang bakla eh.
"Alam ko naman na gusto mo rin na marami akong orderin bakla eh." inabutan ko sya nang spaghetti. "Yan oh baka sabihin mong di kita mahal." Tawa naman kami ng tawa habang kumakain nang biglang may mahagip ang mata ko sa kanan.
Si Max kasama ang girl kanina na pinagtanggol nia. Wow gandang eksena parang sa tv na nag papacute yung girl at yung guy naman ay nahihiya dahil naka yuko. BWESIT..FUCKING s**t!!!
"Angel relax ka lang baka iba na yang iniisip mo ha." sabi ni Nika habang hawak ang balikat ko at nakatingin rin sa tinitingnan ko. Actually kaming apat na ang nakatingin sa magandang eksena sa may counter. Ughhh
*Flashback*
Kakarating ko lang sa school ng makita ko si Red at may kasama syang babae,bago siguro dahil parang ngayon ko lang nakita. Malapit na ako sa kanila ng bigla akong napatigil ng may mahagip na pangalan ang tenga ko 'Max' .. wait bakit nila pinaguusapan ang mahal ko? O baka ibang Max yun.
"Sige na naman Red oh pakilala mo ako kay Maxwell. Crush ko talaga yun eh. Im sure magkakilala kayo" abat ang Maxwell ko talaga ang pinaguusapan nila noh. f**k you kung sino ka man.
"Sige mamaya nalang pagnakita ko siya pakikilala kita pero atin lang to ah. Promise me?" Wtf friend. Alam mo naman Red na ako ang nagmamay ari sa kanya eh. Pero alam kong wala pa akong karapatan kay Max. Inaangkin ko na bakit ba sa akin rin naman sya mapupunta pagdating ng tamang panahon.
"Thanks Red. Bayad kana sa utang mo sa akin.hahah " sabi ng b***h na yun.
Saktong dumating ang mga iba ko pang friend na sina Jessy, Bruno at ang half sister ni Red na si Nika.
Biglang napalingon si Red sa gawi namin at namutla ng magtama ang mga mata namin. Great takot ka naman pala eh.
"Hey guys kanina pa kayo?" Halatang kabado dahil hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Sila kararating lang. Ako kanina pa dito nakikinig sa pinaguusapan nyo. Well wala naman talaga sana akong pakialam kaya lang may nahagip kasi yung tenga ko at alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko di ba RED?". sabay ngiti ko sa kanya. Ngiting hindi abot sa mata.
"Ha ha ha a-ano naman yun?" Tiningnan nya yung babaeng b***h na parang sinasabing 'umalis-kana' look.
"Hey girl did i just hear you say you like Maxwell??" Hinarap ko sya di ko pinansin si Red na parang kinakabahan.
"Yeah. So what? Magkakilala ba kayo? " mataray nyang sabi sa mukha ko. Lakas ng loob ha kabago bago mo palang dito.
"Ai hindi kami magkakilala. Pero---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla syang umepal.
"Di naman pala eh". Abat gaga to ah.
"Hey miss sino ka ba? Bago ka ba dito?" Sabi ni Jessy sa babae with matching akbay pa dito.
"Yeah." sagot nya kay Jessy sabay irap. "Pwedi ba pakitanggal ng kamay mo". Taray ah. Patay ka sa akin. Nang gigigil ako sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko para kumalma ako kunti.
"Wow taray." sabi ni bakla sabay palakpak. Andito pala to . Tsss..
"Hey b***h wag na wag mong lalapitan si Max, dahil pag nakita kitang kasama sya--- . " epal talaga di na naman nia ako pinatapos. Sasabog na talaga ako.
"Teka sabi mo di kayo magkakilala"? Singit ka kase ng singit gaga.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang bag nya at pinasa kay Jessy na agad naman nyang sinalo.
Tinulak ko ang balikat nya at natapon ang hawak nyang Dutch mill. Ughh sa new shoes ko pa natapon. Kunti na lang talaga.
"Ano bang problema mo?" Galit na sigaw nia sa akin.
"Ikaw ang problema ko!!!" ganti kong sigaw sa kanya.
Napasinghap naman ang mga kaibigan ko dahil alam nilang beast mode na ako. f**k!
"EHEM.." may biglang tumikhim. Amoy palang nya alam ko na kung sino. I miss you baby. Pero wala ako sa mood magpacute dahil galit ako.
Bigla nyang hinablot ang bag nung b***h na yun kay Jessy. Binalik nya ang bag sa babae. Ngingiti ngiti pa ang b***h na yun. Humanda ka sa akin.
"WOW ANG TAPANG MO SAN JOSE AH" . galit ako at nag seselos dahil alam kong kinikilig ang b***h na yun ngayon, ayaw nya lang ipahalata. Bwiset kayo.
Pinaalis kaagad ni Max ang babae pero bago makaalis nakita ko pa kung paano palihim na ngumiti ang b***h na yun. Pupunitin ko ang bibig mo maghintay ka lang. b***h!!!!
Pinaalis ko na rin ang mga kaibigan ko para syempre masolo ko ang love ko. Tinarayan ko sya para hindi ipahalata na namimiss ko na sya. Sobra!
*End of Flashback*
Di ko kaya ang eksena na to. Tumayo ako pero bigla akong hinawakan ni Bruno.
"Girl wag ka gumawa ng eksena, kausapin mo muna si Max." sabi nya pero kina Max parin ang mga mata ko nakatingin. "Baka nagpapasalamat lang yun dahil tinulungan nya kanina." patuloy nyang pagkukumbinsi sa akin.
"WALA AKONG PAKIALAM!" madiin pero mahina kong sagot.
Aktong uupo na silang dalawa kasama ang mga friends ni Max na si Julia at Mark sa table.
"Hi." bati ko sa kanila. Tiningnan ako ni Mark pero si Julia walang paki dahil may katxt. Tsaka di kami close. Nag smile naman si Max sa akin at yung b***h inirapan ako. Wow ha dukutin ko mata mo eh.
"Yow Gel, wazzup?" Jejemon na sabi ni Mark. "Upo ka kumain ka na ba?"
Umupo na ang dalawa at magkatabi pa sila. Ako nakatayo lang ayaw kung umupo.
"Angel halika marami tong food sama ka sa amin." hinila ako ni Max malapit sa kanya para maupo. Smile smile ka pang nalalaman ha.ughhh cute!
Yung b***h naman kumain na. Yuck walang modo.
"Tapos nako." walang gana kong sagot. "Andito lang ako para kausapin ka, may reporting kami sa lunes pwede bang ikaw na gumawa." tiningnan ko ang reaction ng b***h na yun. At tsaka bat andito ba to kasama nila. Maya ko nalang itatanong.
"Ha? Bat ako? Marami akong assigments eh tsaka may mga erereseach pa ako". Sabi nya pagkatapos nyang uminom ng juice.
"Ayaw mo?" Tinaasan ko sya ng kilay. Nakita kong napangiwi yung b***h. Akala nya maagaw nya sa akin si Max? Pasimple pa kunwari sya. Sorry akin si Max.
☆★☆★☆★