Chapter One

3137 Words
"Jayden, no," tanggi ko sa payat ngunit matangkad na lalaki sa aking harapan. Ayaw ko nga pumunta sa pa-party ng kapatid niyang si Jade, 'no. Kahit pa kaklase ko si Jayden sa Science class ay wala akong tiwala sa mga barkada ng kapatid niya. Ilang beses na naipatawag 'yong mga 'yon dahil sa daming nilabag na school rules. "Why? I am your boyfriend and she's my little sister, gustong gusto ka pa naman no'n." Jayden and Jade are fraternal twins. Ngunit kung gaano kasinop sa pag-aaral si Jayden ay gano'n din kapabaya si Jade sa eskwela. Para silang Yin and Yang, they are the polar opposite of each other. And it is not true that Jade likes me, isa 'yon sa mga "bashers" ko dahil may gusto 'yon kay Eilan. For all I know, gusto niya lang ako pumunta kasi alam niyang sasama sa akin si Eilan. "Kat, naman, e! Please? I'll do anything para umattend ka na, just tell me. Please?" pakiusap pa ni Jayden, alam ko na mahal niya lang ang kapatid niya, kaya lumaking spoiled brat 'yon kasi ibinibigay niya rin lahat ng gusto. Pero ayaw ko talaga at masyado na ring hectic ang schedules ko, ilang beses na ako nagpaliwanag ngunit hindi niya pa rin maintindihan. Pabalik na ako sa classroom galing sa teacher's nook dahil ipinatawag ako ng aming Chemistry teacher nang harangin ako nitong si Jayden at pinipilit na papuntahin sa party ng kapatid niya. Two weeks ko na siyang boyfriend, pero mukhang ngayon na matatapos 'yong two weeks. Breaktime din kasi namin kaya nagkalat ang mga kaklase ko sa SSC. Mayroon kaming 30 minute break at hindi 'yon sabay sa ibang mga estudyante, dahil hindi rin sabay ang uwian namin sa kanila. 3pm ang uwi naming mga nasa Special Science Class, samantalang 12nn naman ang sa normal class. "Alam mo, if you can't respect my decision, mag-break na tayo. I am not your girlfriend anymore," inirapan ko siya at iniwang nakatulala sa gulat. Naiirita na kasi talaga ako, ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong pinipilit ako. I am in 9th grade and we're currently in the 2nd quarter of the school year. Busy na rin ako dahil malapit na ang quarterly examination at mga deadlines ng mga performance tasks kaya todo tanggi rin ako sa mga gala, ang kaso pinipilit talaga ako ni Jayden, noong nakaraan pa siya kahit na paulit-ulit na ang tanggi ko. For sure pagchichismisan na naman ako noong mga kaklase ko na nasa labas na nakakita sa sagutan namin ni Jayden. Wala naman silang alam gawin kung hindi ay ichismis ako sa mga estudyante rito sa school, inggit lang nila kasi mas maganda ako sa kanila. Madalas ako mapag-initan ng mga babae kong schoolmates dahil ako lang ang nakadidikit sa mailap na si Eilan. Bukod pa ro'n ay may kumakalat ding chismis tungkol sa mama ko, na p****k daw siya at malamang na hindi Pilipino ang tatay ko. Well, hindi naman talaga chismis lang 'yon, dating call girl si mama. Iyon ang trabaho niya bago niya ako ipanganak, disinuwebe anyos pa lang siya nang ipagbuntis niya ako. I have no idea who my father is, at noong nagtanong ako kay mama ay nagalit siya kaya never ko na binuksan pa ang topic na 'yon. Sapat na rin naman sa akin si mama, e. Hindi ko kailangan ng tatay. Maganda ako dahil maganda ang mama ko pero hindi rin maitatanggi sa physical features ko na hindi ako purong pinoy dahil natural na kulay tanso ang buhok ko't mga mata, matangos ang aking ilong, at mahahaba't malalantik ang aking pilik-mata. Nang nasa pintuan na ako ng aming classroom ay napadako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa tabi ng aking upuan. Nakapikit siya at nakasandal sa kaniyang kinauupuan, may suot na headphones, at nakapatong ang kaniyang phone sa kaniyang table. Si Eilan Alexie Javier, gaya ko ay bakas din sa hulma ng kaniyang mukha na hindi siya purong pinoy. Kumain na kaya 'to? Umupo ako sa aking upuan at saka pinitik ang matangos niyang ilong. Dumilat siya at dumako sa akin ang kulay-kape niyang mga mata, tinanggal ang headset, at umayos ng upo. "Ano raw sabi ni ma'am?" tanong niya sa akin. Kinuha ko ang phone niyang nasa table at kinalikot ito. "Break na kami ni Jayden," sagot ko naman sa kaniya na kinakalikot pa rin ang kaniyang phone. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay wala naman siyang reaksyon. "So, ano nga ang sabi ni ma'am?" ulit na tanong niya na hindi manlang pinansin ang sinabi ko. Sabagay sanay naman na 'to, may mga naging boyfriends na ako bago si Jayden, at si Jayden na ata ang pinaka matagal dahil umabot pa kami ng dalawang linggo. "Hindi raw available ang lab ngayon dahil gagamitin ng grade 10 SSC, 2 hours sila ro'n. Mag-review na lang daw tayo sabi ni ma'am kasi mag-a-assist din siya sa mga grade 10 na gagamit ng lab. Bale may one hour and a half tayong walang gagawin. Yey!" sagot ko sa kaniya ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha na para bang hindi good news ang ipinarating ko. Umirap ako. "Ano ba, hindi ka masaya?" Hindi siya sumagot at humilig lang sa aking balikat. "How I wish you'd stop doing that," mahinang sabi niya ngunit dinig ko pa rin dahil magkadikit kami. "Stop doing what?" tanong ko naman na hinayaan lang siya sa balikat ko at kinakalikot pa rin ang phone niya. "Dating and dumping guys," seryosong sabi niya na tinawanan ko naman. "Why? You don't want a w***e for a frien--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marahas na umupo nang diretso si Eilan. Nakakunot ang kaniyang noo at matalim ang titig. "Who said that you're a w***e?" Ramdam ko ang galit sa boses niya at natakot naman ako, sobrang dalang na ganito si Eilan, hindi siya mabilis na mainis sa mga tukso ko. "Chill! I was just joking, okay?" depensa ko sa sarili ko at sinabayan ng mahinang tawa para convincing, pero joke lang naman kasi talaga 'yon. "That wasn't funny. Don't ever say that again, you hear me?" Mababakas ang kaseryosohan sa tono ng boses niya. "Oo nga po. Duh!" irap ko naman na bumalik sa pagkakalikot ng phone niya. Nang hindi siya kumibo ay nagsalita ako, "Kumain ka na ba? Tara may 10 minutes pa tayo." Hindi ko na siya hinintay na magsalita at hinatak na lang ang kamay niya patayo at palabas sa classroom. Nagpatianod lang naman siya sa hila ko. Habang naglalakad kami patungo sa canteen ay binitiwan ni Eilan ang kamay ko, sa halip ay inakbayan niya ako. Gabalikat niya lang ako, sa edad na katorse ay 5'7 na ang tangkad niya at ako naman ay 5'4 na mas matangkad sa mga babaeng kaedaran ko. Ramdam ko ang titig sa amin ng mga kaklase ko at SSC students sa ibang grade level, dahil sa ganitong oras ay SSC lang naman ang makikita mong nagkalat sa school dahil may klase pa ang mga nasa normal class. May apat na Special Science Class ang school namin, isa-isa kada grade level. Forty students lang ang allotted sa SSC, unlike sa ibang sections na umaabot sa sixty students. Malaki ang school namin, public school ito at umaabot sa 50 sections kada grade level. Consider yourself diligent kung kabilang ka sa sections 1-10. Nahahati sa dalawang sessions ang mga klase, morning and afternoon sessions, at binubuo ng twenty-five sections ang bawat session. Ang klase namin ay 6a.m. to 3p.m., ang masasabi ko na pagkakaiba ng morning session sa afternoon session ng mga nasa normal class, ay mas matitino ang mga nasa morning sessions. Hindi ko naman nilalahat pero mas marami ang away at gulo sa afternoon session, at madalas din kaming maantala dahil sa mga estudyante sa afternoon session. Nang marating namin ang canteen ay bumili na lang ako ng biscuits at bottled water, gano'n lang din 'yong kay Eilan. Matapos bumili ay bumalik na rin kami agad sa classroom, dahil kailangan ko na rin i-announce 'yong sinabi ng Chemistry teacher namin kanina. Ako ang class president kaya normal lang na sa akin niya 'yon iparating. Pagkapasok ko sa classroom ay hindi naman gaanong maingay, may mga nagdadaldalan pero hindi naman malalakas ang boses. They know how to behave themselves kaya may tiwala rin ang mga teachers namin na iwan lang kami. Ichineck ko muna kung kumpleto na ang mga classmates ko bago ako nag-announce. Kahit pa maraming inis sa akin, dahil hindi naman nila itinatago 'yon kaya alam ko, hindi pa rin nila ako magawang hindi respituhin as their class president, nakikinig naman sila sa akin. I've been their class president for three years now, madalang na may bagong estudyante sa SSC, kaya naman kami-kami pa rin ang magkakaklase kada taon. Pagkatapos ko mag-announce ay nagtabi-tabi na ang mga magkakaibigan upang gawin ang nais nilang gawin. May naglalaro ng chess, nagbabasa ng libro sa tabi, may mga nagrereview, at kung ano-ano pa. Bahala na sila sa gusto nilang gawin as long as they keep their voices down. Bumalik na ako sa aking upuan na katabi si Eilan. Umiinom ako ng tubig nang may lumapit sa akin. "Kat, mag-usap tayo," si Jayden. Itinigil ko ang pag-inom at sinagot siya, "Jayden, wala na tayong dapat pag-usapan, okay? We're done." Ibabalik ko na sana sa bag ang tumblr ko na ni-refill ko ng tubig galing sa bottled water na binili ko kanina nang hatakin ni Jayden ang braso ko. "Aray ko! Ayaw ko nga sabi, e," anas ko at akmang babawiin ang braso ko nang tumayo si Eilan. "Dude, stop," sabi niya sabay hatak ng braso ko hawak ni Jayden. "Huwag ka ngang mangialam dito. This is between me and my girlfriend. Porque tatlong taon ka na dikit nang dikit kay Katrina e hindi mo pa rin mashota. Just give it up, bro," maangas na sagot ni Jayden at akmang hahatakin na ulit ang braso ko nang sapakin siya ni Eilan. "She already said no." "Mayabang ka talaga, ah! Girlfriend ko 'yan at gagawin ko kung ano ang gusto ko!" akmang susuntukin ni Jayden si Eilan nang salagin ni Eilan ang kamao ni Jayden gamit ang palad niya. Mas matangkad si Eilan kay Jayden at 'di hamak na mas malaki rin ang katawan kumpara sa payatot na si Jayden. And what? Didn't I tell him na wala na nga kami. Hinatak ni Eilan ang kwelyo ng uniporme ni Jayden at tila ba binulungan. Matapos ay paitsa niya itong binitiwan. Nanlilisik naman ang mga mata ni Jayden na bumalik sa kaniyang upuan. Ang mga kaklase ko at ako ay natulala lang na tila ba hindi pa napoproseso ang nangyari. Mabuti na lang at bumalik na rin agad ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga mundo. After the ruckus that Jayden made ay malamang laman na naman ako ng chismis nito. Ano kaya ang ibinulong ni Eilan kay Jayden at bigla itong natahimik. "Are you hurt?" natauhan lang ako nang kuhanin ni Eilan ang braso ko na namula dahil sa hatak ni Jayden. Maputi ako at mabilis lang na mamula ang aking balat sa simpleng palo, kaya pa kaya 'yong higpit ng paghatak sa akin kanina ni Jayden. "That bastard! This is one of the reasons why I want you to stop dating guys! They are not worthy of you! Just look what happened!" galit na galit na pangaral sa akin ni Eilan habang hinahaplos ang braso ko. "Stop dating guys? Do you want me to date girls instead?" pagbibiro ko ngunit hindi napalis ang kaseryosohan sa kaniyang mukha, kaya nawala rin ang ngisi ko. "Nangyari na, okay? At maayos naman ang mga pinipili ko na mga lalaki, they are studious, hardworking, athletes, basta maaayos. I was not reckless sa pagpili ng sasagutin ko, mind you maraming nanliligaw sa akin pero matitino lang ang sinasagot ko. Ewan ko ba kung anong nangyari do'n kay Jayden. At saka hindi naman masakit, mabilis lang talaga mamula ang balat ko, parang balat mo rin," mahabang depensa ko. Totoo naman na matitino lang talaga ang sinasagot ko, ah. "Leona, if they were really matino like what you said, hindi kayo mag-be-brake. Ang dami mo ng naging boyfriends pero wala namang nagtatagal, ah. Saan ang matino ro'n?" bakas pa rin ang galit sa boses niya. I had my first boyfriend when I was in 8th grade, bakasyon na no'n nang ligawan ako ng kapatid ng isa sa mga kaklase ko, ahead siya ng one year sa amin, pero nakipag break siya dahil masyado pa raw akong bata and I still have no idea what the adults do. Haler? Anong adult e isang taon lang naman ang tanda niya sa akin. He was my first boyfriend but I did not even shed a tear no'ng nakipag hiwalay siya, parang wala lang. Okay lang eight days lang naman naging kami, e. My second boyfriend was a basketball player, kalaro ni Eilan. He plays basketball kasi tuwing Saturday and lagi niya akong isinasama, doon ko 'yon nakilala, pero nakipag break din after three days at never siya sumipot sa mga dates namin. At ang pangatlo nga ay si Jayden. Kung tutuusin hindi naman marami, ah? Tatlo pa lang naman. "Hindi na muna ako papasok sa relationship, okay? Kung 'yan ang makapag papatahimik sa kaluluwa mo," anya ko sabay irap sa kaniya. Alam ko naman na tutol talaga siya sa pagjojowa ko. Ngumisi naman siya na tila ba nagtagumpay saka ako inakbayan, "Good girl." Noong dumating na ang susunod naming guro ay nagsipag-ayos na ang mga kaklase ko, tahimik na ang lahat. Nang mag-ring naman ang bell na hudyat na ng uwian ng mga nasa morning session ay nagsitayuan na rin ang mga kakalase ko, ang lunch time namin ay kasabay ng uwian ng mga nasa morning session at pasukan naman ng mga nasa afternoon session. Hindi ideal na pumunta sa canteen nang ganitong oras dahil marami sa papasok at uuwi sa normal class ay dumadaan muna sa canteen, kaya mas maganda na magbaon ng food kung ayaw mo na makipagsiksikan. Sabay kami kumain ni Eilan, mula 7th grade ay hindi mo na talaga siya maihihiwalay sa akin. "Leona, may practice daw kami ng banda, sama ka?" tanong sa akin ni Eilan, kagagaling niya lang sa labas ng classroom dahil ipinatawag siya ng isa niyang kamiyembro sa banda. Mailap talaga si Eilan sa mga tao pero kapag nakuha mo na ang loob niya ay masaya naman siyang kasama. Bukod sa akin ay mayroon naman siyang ibang mga kinakausap, 'yong mga kalaro niya sa baskteball, mga kasama niya sa Math club, at pati na rin ang mga kasama namin sa TD o Tanghalang Dulawiyaw, para itong drama club. Dulawiyaw na nangangahulugang, dula, awit, at sayaw. Isa ako sa mga committee members ng club na iyon, at siya naman ang electric guitarist ng banda. Kahit pa iisang club lang kami sa TD ay iba-iba pa rin ang practice. Gaya na lang nito, may practice sila sa banda pero wala akong ideya dahil committee member ako at hindi naman ako nagtatanghal. Pitong mga guro ang may hawak sa TD, tigdadalawa ang nakatalaga sa mga magtatanghal ng dula, awit, at sayaw. Samantala, isa naman ang may hawak sa committee members. Ang madalas na ginagawa naming mga commitee members ay mag-conceptualize, tumulong sa paggawa ng props, at pag-a-announce sa mga students ng mga ganap sa TD. Twice a week kung mag-practice ang mga nagtatanghal sa TD, pero napapadalas ang practice nila ngayon dahil may malapit na event na gaganapin sa school. Hindi naman ako nag-aalala kay Eilan na mapababayaan niya ang studies niya dahil hindi siya nag-c-cramm, gumagawa agad siya kapag ibinigay na ang mga schoolwork kahit malayo pa naman ang deadlines. "Sige, dito lang ba sa school ang practice niyo?" Paniguradong 3-6pm ang practice nila dahil alas tres ng hapon ang uwi namin. Sasama na lang din ako dahil wala rin naman akong kasama sa bahay, tatapusin ko na lang ang natitira kong Math activity habang nag-pa-practice sila. "Oo, dito lang naman daw," maikling sagot niya at bumalik na sa pagsusulat na naantala nang pagtawag sa kaniya kanina. Nang matapos na ang klase ay pumunta na kami sa amphitheater kung saan sila mag-pa-practice. Kumpleto na ang miyembro ng banda at si Eilan na lang, at isa pang miyembro na estudyante rin sa SSC ang hinihintay, si kuya Arvic. Grade 10 na ito, halos kasabay lang din namin siya na dumating, siya ang drummer ng banda. Matangkad at katamtaman lang ang hubog ng katawan nito at nakasalamin. Ang balak ko na paggawa ng activity ay hindi natuloy sapagkat nawili ako sa panonood ng performance ng TD band, at naki-jamming na rin ako at sumabay sa kanta. Nang matapos ang practice ay umuwi na kami ni Eilan. Nagkukwentuhan kami habang naglalakad pauwi. Naglalakad lang naman ako lagi pauwi dahil malapit lang naman ang bahay namin sa school, at lagi ko ring kasabay 'to si Eilan. Naka akbay sa akin si Eilan habang bitbit niya ang bag ko. "Ano pala ang sinabi mo kay Jayden kanina at bigla siyang natahimik?" tanong ko. "Wala 'yon. Pero sige sasabihin ko sa'yo. Sinabi ko lang naman na kapag hindi ka niya tinantanan ay ipakikita ko kay Mrs. Castro at sa kapatid niya ang video ko ng paninigarilyo at pag-inom niya sa likod bakod ng school," nakangising tanong niya. "What?!" gulat na gulat na tanong ko at napatigil din ako sa paglalakad. Pinitik naman ni Eilan ang noo ko. "See? Sabi ko sa'yo hindi 'yon matino." Pero okay naman ang grades niya, ah? Pasok din siya sa rank 15 noong 1st quarter, matagal na ba 'to alam ni Eilan? "Kailan mo naman nalaman 'yan at bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Patingin nga ng video mo," mariing sabi ko. "Wala naman talaga akong video. I just made that up. You know me, wala akong pake sa buhay ng ibang tao, pero dahil shota mo siya ay nagka-interes ako. Lagi ko siyang pinagmamasadan at nitong mga nakaraang araw parang may kakaiba sa kaniya at noong nilapitan ko siya, ay anak ng kagang! Amoy sigarilyo at alak ang mokong, alam ko kasi gano'n 'yong amoy ni kuya nang uwmui siyang wasted dahil muntik na siyang i-break ni ate Claira," pakukwento niya pa at napailing na lang ako. Siguro ay dapat na tantanan ko na muna talaga ang pagpasok sa mga relasyon. Napatunayan lang ng nalaman ko na hindi pa ako gaanong marunong na kumilatis ng tao. Naka akbay pa rin sa akin si Eilan hanggat sa marating namin ang kanto papunta sa aming compound, magkapitbahay lang kasi kami, ang bahay nila ay nasa tapat lang ng bahay namin na halos isang metro lang din ang layo. Nang makarating kami sa compound ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Nakatulog na ako agad dahil sa pagod sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD