A few days have passed after the quarterly examination, and Eilan and I, as expected, aced it. Today is the day that our report cards and rankings will be released. Eilan and I will not be coming home with our classmates. As class president, I will help my class advisor in assisting the parents who will come to get their children's report cards. But, Eilan, my dakilang buntot, ini-nominate ang sarili as secretary noong election of class officers. Twice na niya ginawa 'yon dahil every school year akong class president.
Matapos ang alitan ni Eilan at Jayden ay hindi na ako muling kinausap pa ng huli. I was also preoccupied with a lot of school work over the last few days that I didn't have time to think about anything else.
"Kat, uwi na ako, ha? Bye bye!" kaway sa akin ng isang magandang kulot at kayumangging babae, si Charlotte, bago siya umalis sa classroom. Isa siya sa ka-close ko sa mga kaklase ko.
Habang abala ako sa pag sasalansan ng documents ng mga kaklase ko, nasulyapan ko naman si Eilan na naglalaro ng CoD. "Paki-arrange nga itong certificates ng mga lalaki. Alphabetical order, ha." Agad naman siyang sumunod sa utos ko.
Maya-maya pa ay pumasok na ang aming class advisor sa aming classroom. "Oh, kayong dalawa kumain na ba kayo? Alas dose na, bumili muna kayo ng pagkain, bilhan niyo na rin ako," sabi niya sabay abot ng ₱500.
Dahil nga kuhaan ng report cards ngayon ay alas-onse pa lang ay nakauwi na ang mga estudyante sa morning session, pati kaming mga tiga-SSC kahit pa alas-tres ang normal naming uwian. 1:30 pupunta ang mga guardians and parents na a-attend, at bago sila pumasok sa designated classrooms ng mga students ay may i-a-announce pa ang school kaya naman sa covered court muna sila dideretso.
Bukas ang kuhaan ng cards ng mga nasa afternoon session at wala silang pasok ngayon. Samantala ay bukas naman parehong sessions ang walang pasok dahil umaga ang kuhaan ng report cards noong mga nasa afternoon session, at kinahapunan ay mag-pe-prepare ang members ng mga school clubs dahil may event ang school sa Saturday and Sunday, kaya naman ngayong Thursday and Friday ang schedule ng releasing of cards.
"Sa eatery sa labas na lang tayo bumili. Hindi masarap ang mga ulam sa canteen ngayon nakita ko kaninang recess," sambit ni Eilan na tinanguan ko lang naman.
Matapos bumili ay bumalik na kami sa classroom. Nang iabot ko ang binili naming pagkain para kay ma'am ay nagtanong siya, "Oh, bakit 400 pa ito? Libre ko na nga kayo, e. Kayo talagang dalawa," iiling-iling na sabi niya. Tumawa lang kami ni Eilan at nagsimula na rin na kumain.
"Sino sa mga kapatid mo ang a-attend?" tanong ko kay Eilan. "Ah, si ate. Alam mo naman busy na 'yon si kuya kasi kapapanganak lang ng asawa niya, nagpaalam naman na si ate sa boss niya sa work."
Wala kasi sa Pilipinas ang mga magulang ni Eilan, nasa Australia sila. Filipino-Australian ang mama niya, at ang grandparents niya ay nais na ang papa niya ang mag-handle ng business nila sa Australia. At nitong nakaraang taon lang ay lumipat na rin ng tirahan ang kuya niya na mayroon ng asawa. Kaya naman ang ate na lang niya at siya ang nakatira sa apartment na kapitbahay namin sa compound.
Sa katunayan ay iniwan sila ng parents nila sa kapatid ng papa niya na guidance councilor dito sa school, si ma'am Castro, nakapangasawa na ito kaya naman iba na ang apilyedo. Ngunit nagkaroon ng alitan ang mga kapatid niya at ang asawa ni ma'am Castro kaya naman nagdesisyon ang mga nakatatanda niyang kapatid na lumipat na lang ng tirahan na malapit lang din naman sa bahay ng tita niya. Parehas nang may trabaho ang dalawa niyang nakatatandang kapatid nang lumipat sila kaya noong sinabi nila ito sa kanilang magulang ay hindi na sila nakaangal pa.
Ang dati nilang bahay na pamilya ay malayo rito, kinailangan lang nila lumipat sapagkat narito ang pinaka malapit nilang kamag-anak na maaaring umalalay sa kanila habang nasa Australia ang kanilang mga magulang.
Tatlong taon ko na siya kapitbahay dahil noong grade 7 sila lumipat sa aming compound. Class president na ako no'n kaya ako ang nag-assist kay Eilan noong lumipat siya rito sa aming eskwelahan na naging daan upang maging close kami, idagdag mo pa na magkapitbahay kami.
"Si tita ba?" tanong niya naman pabalik sa akin. "Si mama umalis, e. Nagsabi na ako kay ma'am, at saka kilala naman ako niyan ni Ma'am Augustine. Mentor ko siya sa radio broad mula noong grade 7." Miyembro kasi ako ng English Radio Broadcasting ng aming school.
Nang magsimula na magdatingan ang mga kukuha ng report cards ay umupo na kami ni Eilan sa bandang likuran ng classroom, kung nasaan ang laptop at projector na gagamitin namin. Tinawag isa-isa ni ma'am ang surnames ng mga kaklase ko sabay abot ng report cards sa mga pumuntang guardian.
"Ramos," tawag ni ma'am sa apilyedo ko. Since wala nga si mama ay ako na ang kumuha ng sa akin, ramdam ko naman ang titig sa akin ang mga parents ng mga kaklase ko.
After na makuha ang cards ay ini-announce na ni ma'am ang ranking, alam ko na ito kasi ako ang gumawa ng powerpoint presentation para sa flow ng program. Rank one na naman ako at rank two si Eilan. Pagkatapos ay lumapit na ang mga parents na may concern kay ma'am at nagsiuwian naman na ang iba na wala namang itatanong.
"Lex, Katie!" Napalingon ako sa nagsalita, isang magandang mestiza na tila ba ay babaeng bersyon ni Eilan ang tumawag sa amin. Ito ang ate niya, si ate Alexia.
Itinigil ko muna ang pag-o-operate sa laptop na ginamit sa presentation kanina at lumapit sa kaniya.
"Ate!" tugon ko naman sa kaniya at nang makalapit ay niyakap niya ako.
"Congrats! Mamaya sa bahay, ah?" sabi niya sa akin pagkatapos bumitiw sa yakap. Tumango lang ako at lumapit na siya kay Eilan na kasalukuyang nagkakalikot sa phone. Ang tinutukoy ni ate ay pumunta ako sa bahay nila mamaya dahil magpapakin siya para i-celebrate ang pagiging with highest honor namin ni Eilan. Ang cute talaga ng family nila, lagi na lang isini-celebrate kahit maliliit na achievements at hindi rin naman nila ako nalilimutan imbitahan.
Bumalik naman ako sa aking ginagawa. Nang makaalis na sa silid si ate Lexia ay tinulungan na ako ni Eilan, binunot niya ang extension wire at itiniklop ang projector screen. Pagkatapos ay pumunta na kami sa nook ni Ma'am Augustine sa second floor upang ibalik ang mga gamit niya. Pagkabalik namin sa classroom ay naroon na ulit si ma'am, ipinatawag kasi siya ng principal kanina.
"Salamat, mga anak. Tapos na pala kayo magligpit. Umuwi na kayo, at mag-iingat kayo, ha," nakangiting sabi ni ma'am at iniwan na ulit kami sa classroom.
Binitbit naman ni Eilan ang sling bag ko, at ako naman ay kinuha ang tatlo kong libro at payakap na binuhat. Inakbayan niya ako, at naglakad na kami palabas ng school.
Wala pa rin si mama pag-uwi ko ng bahay. Naligo na ako at nagpalit ng damit. Baby pink high-waist dress na above the knee ang haba ang isinuot ko, nag-order na raw ng foods si ate Lexia. Bibisita rin daw si kuya Zander na galing sa pagpapa-check up ng six-month old baby nila ng wife niya.
Narinig ko na ang kotse na malamang ay sa kuya ni Eilan, naglagay lang ako ng liptint at baby powder, ini-curl ko rin ang natural na mahahaba kong mga pilikmata, at sinuklay ang buhok ko na hanggang balikat ang haba. Kinukuha ko pa lang ang phone ko na ini-charge ko kanina nang may kumatok na sa pinto. Pagkabukas ko ay nakita ko si Eilan na naka khaki cargo shorts at white shirt. Inakbayan na naman niya ako at naglakad na kami papunta sa bahay nila.
Nang makapasok kami sa loob ay nakita ko ang asawa ng kuya ni Zander na may bitbit na baby girl. Napangiti naman ako, ang cute cute. Sina ate Lexia At Kuya Zander naman ay nasa kitchen.
Ang cute ng mga names nilang tatlo. Eilidh Alexander si Kuya Zander, Eilish Alexia si ate Lexia, at Eilan Alexie naman si Eilan. At ang sabi ni Eilan, Eilouise Alexandra daw ang name ng baby girl ni kuya Zander, ang cute!
Iginaya naman ako ni Eilan sa sofa na kaharap ng sofa kung nasaan nakaupo ang wife ni kuya Zander na si ate Claira. Ang ganda ng asawa ni kuya Zander, bagay na bagay sila, dahil gaya ni Eilan matangkad at gwapo rin si kuya.
Hindi ako naka-attend sa wedding nila kasi civil wedding lang ito at sila-silang pamilya lang ang nado'n. Umuwi rin ang parents nila rito ngunit tatlong araw lang din ang itinagal nila at bumalik na sila sa Australia, 'yon na ata ang huling pagbalik nila rito sa Pilipinas. Pero alam ko ay balak pa rin talaga ni kuya Zander na magpakasal sa simbahan ang kaso ay nabuntis na niya si ate Claira and instead na mag-prepare para sa church wedding ay ang paglabas na lang ni Zandra ang pinaghandaan nila.
Mula sa baby, ay lumipat sa akin ang tingin ni ate Claira, once ko pa lang siya nakita at 'yon ay noong Christmas Eve nakaraang taon kung kailan ipinanganak si Zandra. Sa hospital 'yon at tulog pa siya no'ng bumisita ako, kasi katatapos niya lang manganak no'n kaya hindi niya siguro ako kilala. At kahit noong magkasintahan pa lang sila ni kuya Zander ay hindi ko rin siya nakikita, madalas kasi na wala naman dito sa apartment nila 'yon noon, sa ibang lugar ata sila nagkikita. Nagulat nga ako nang malaman ko na ikinasal na pala siya.
Ngumiti siya nang magkatitigan kami sa mata at lumingon kay Eilan, "May girlfriend ka na pala, Lex?" nakangiting tanong niya kay Eilan, na agad ko naman inilingan at itinanggi. "Naku! Hindi po, friends lang po kami." Bumalik ang tingin niya sa akin nang hindi umimik si Eilan at nag-ce-cellphone pa rin.
"Ay, gano'n ba? Bakit naman? Hindi mo ba type itong si Alex?" sunod-sunod na tanong niya sa akin, sasagot pa sana ako nang dumating na si kuya Zander na may dala-dalang apat na boxes ng pizza galing sa kusina.
"Huwag mo nga silang i-pressure sa mga tanong mo, mahal. Baka gusto lang nila dahan-dahanin ang relationship nila. Haha," sambit ni kuya Zander sabay kindat sa akin. Tumawa na lang ako bilang tugon.
Sumunod na lumabas galing kitchen si ate Lexia na may dalang carbonara at cake na may nakasulat na "Congratulations, Lex and Kat!". Natuwa naman ako kasi isinali talaga nila ako!
"Tara, kain na tayo. Congrats ulit sa inyong dalawa!" nagagalak na sabi ni ate Lexia at sumunod na rin sa pagko-congrats sina ate Claira at kuya Zander. Nagpasalamat naman ako sa kanila.
After the mini celebration at matapos na magligpit, ay umalis na rin agad sina kuya Zander at ate Claira dahil mag-go-grocery pa raw sila. Si ate Lexia naman ay matutulog na lang daw muna kasi gusto niya na magpahinga para naman daw hindi masayang ang leave niya sa work.
Kaming dalawa na lang ni Eilan ang natira sa kanilang salas, iniopen ko muna ang i********: account ko at inilagay sa aking story ang mga pictures that I took kanina. Inilagay ko ang cake na may names naming dalawa ni Eilan, pati na rin ang groupie namin kasama ng baby nina kuya Zander. Humilig naman sa balikat ko ang katabi kong si Eilan at yumakap sa aking tiyan.
"Eilan, picture tayo," aya ko sa kaniya pero hindi siya umimik. Akala ko ay wala siya sa mood nang bigla niyang hatakin ang phone na hawak ko. Inakbayan niya ako sabay click sa camera shutter. Hindi pa ako nakaka-get over sa nangyari nang mag-pose siya ng peace sign sabay click ulit sa shutter.
"Hey, sandali nga, hindi pa nga ako ready, e!" reklamo ko na tinawanan niya lang. Kinuha ko ang phone ko at nag-lagay ng timer saka ipinatong ito sa lamesa na nasa aming harapan. Inakbayan naman ako ni Eilan at nag-pose kami.
Nakailang picture pa kami bago ako namili ng ilalagay sa story ko. May 103 viewers na ako after ko maglagay ng ig story 13 minutes ago at dinagdagan ko pa ito ng pictures naming dalawa ni Eilan. After ko i-story ang mga pictures ay sunod-sunod na nag-dm sa akin ng mga nag-congrats at mga fangirls ni Eilan na hindi ko naman pinansin, mamaya ko na lang ito bubuksan. Pinatay ko na ang phone ko at sinabihan si Eilan, na kasalukuyang naglalaro ng CoD, na uuwi na muna ako at baka ay umuwi na rin si mama. Hinatid niya ako sa bahay at umuwi na rin siya.
Naligo ako at nagpalit ng damit, purple silk pajama lang ang isinuot ko. Habang nag-bo-blower ay may narinig akong kotse kaya naman sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang isang lalaki na binuksan ang passenger seat ng kotse at lumabas si mama mula rito, may dala-dala siyang flower boquet.
Bumaba ako dala ang aking report card pati na rin ang aking certificate. Sinalubong ko si mama sa may mini gate bago ang pinto namin, nadatnan ko na papaalis na ang kotse na naghatid sa kaniya kanina. Inopen ko ang gate at binati si mama, hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti naman siya at dumiretso sa basurahan sa tapat ng aming bahay saka itinapon ang boquet ng bulaklak.
Ang ganda ni mama, hindi mukhang nasa early thrities na ang edad niya. Slim pa rin ang katawan niya at wala manlang wrinkles.
Nang makapasok kami sa bahay ay kinuha ko ang report card at certificate na ipinatong ko kanina sa aming center table at iniabot ito kay mama.
"Good job, baby!" sabi niya sabay yakap sa akin. "Ano gusto mong gift, hmm? Dagdagan ko na lang allowance mo?" tanong niya sa akin.
"No, mom. Labas na lang tayo if hindi ka busy?" Gusto ko kasi makasama si mama, lately kasi super busy na siya, kahit na hindi ko naman alam kung saan ang mga lakad niya kasi hindi ako nagtatanong, natatakot ako sa isasagot niya.
"Hmm. Sige, baby. Inform kita kung kailan ako free. Akyat na muna ako sa itaas, ha. Pagod ako sa wok, e." 'Yon lang at umakyat na siya sa kwarto niya.
Umupo ako sa kama at inopen ko na lang ang phone ko. Lagi namang ganito si mama, e. Lagi siyang busy, naiintindihan ko naman 'yon kasi wala akong tatay kaya doble ang role ni mama at doble kayod din siya.
Never ako nagtanong kung anong trabaho niya mula nang malaman ko noon na dati siyang nagbebenta ng laman para may pang paaral siya, ngunit ipinagbuntis niya ako sa murang edad kaya nahinto siya sa pag-aaral.
She was an orphan, nawalan siya ng parents sa murang edad dahil namatay sa car accident ang grandparents ko. Naiwan siya sa tita niya na kapatid ng kaniyang mama, pero lahat ng naiwan na ari-arian ng mga magulang niya ay inangkin lang ng mga kamag-anak niya. I admire everything she did for herself. I also admire her braveness noong ipinili niya na huwag ako ipalaglag kahit kayang kaya naman niya.
Ayaw ko isipin na bumalik siya sa dati niyang ginagawa para kumita ng pera, pero parati na lang lalaki ang nakikita kong kasama niya. Kahit pa tutol ako, hindi na lang ako nagsasalita dahil ayaw ko na mag-away kami.
Inopen ko isa-isa ang mga nag-dm sa akin sa i********: at nag-reply. I have 5k followers and 346 following, mga kilala ko lang talaga ang ifina-follow ko. Mga classmates, pati mga kasama ko sa iba't ibang organizations na kinabibilangan ko, at 'yong mga nakilala ko sa school competitions na ifinollow ako ang ifina-followback ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagre-reply sa mga chat nang mag-chat sa akin si Eilan.
eilanalexiejavier: Still up? How's tita? Nakita ko kayo kanina sa bintana. Ang ganda mo, btw.
lionesskatiexz: she's sleeping na ata, pagod daw siya sa work. ipinakita ko lang report card and cert ko.
eilanalexiejavier: Sleep ka na rin, susunduin kita bukas, 7 a.m. sharp.
Walang pasok bukas pero kailangan namin pumunta sa school para tumulong sa pag-aayos ng event na gaganapin sa Sabado at Linggo. Celebration kasi 'yon ng 75th annivesary ng school namin.
lionesskatiexz: kkk!
eilanalexiejavier: Okay, night! See you.
May 1.7k followers si Eilan at 25 following, wala ring naka-post sa wall niya at ang display photo niya naman ay ang alagang niyang munchkin cat na si Bella. Super private niya kaya naman ang mga fan girls niya na karamihan ay may galit sa akin ay ifina-follow pa rin ako dahil sa akin sila nakakakuha ng ayuda kapag nag-i-story at nag-po-post ako ng pictures namin.
Wala rin silang mahihita kahit na i-follow nila sina ate Lexia at kuya Zander dahil naka-private ang mga accounts nila at hindi sila nag-a-accept ng kung sino-sino lang. May pinagmanahan talaga si Eilan. Ang parents niya naman ay sa f*******: lang nag-po-post, kaya naman ay no choice sila.