Chapter Three

2245 Words
Kinabukasan pagkatapos ko mag-breakfast ay naligo na ako at saka isinuot ang SSG uniform ko, high-waist skinny jeans, at white Nike sneakers lang ang itinerno ko. Samantala, ay maroon sling bag naman ang aking dala, kakulay ito ng aming SSG uniform. Officer kasi ako ng supreme student government, ako ang sekretarya. Nang matapos sa pagbibihis ay naglagay na ako ng cheek and lip tint. Narinig ko naman ang katok ni Eilan, hinalikan ko muna sa pisngi si mama na kasalukuyang kumakain ng agahan bago tumungo sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Eilan, nalanghap ko naman ang nakaaadik na amoy ng men's perfume niya. Parehas lang kami ng outfit, skinny jeans at white sneakers, ang kaibahan lang ay ang suot naming shirt dahil siya ay naka TD band shirt na navy blue ang kulay. Dumaan muna kami sa 7/11 na tapat lang din ng school namin dahil maaga pa naman. "Girlfriend niya kaya 'yan?" bakas ang bitternes sa boses ng bumulong. Kinakausap niya ang katabi niya, mukha silang mas matanda sa akin. Ang tinutukoy nila ay ako na kasama ni Eilan. "Hindi naman siguro," rinig kong tugon ng kausap niya. Hindi ba sila pwede na magbulangan na hindi ko maririnig? Hindi ko sila pinansin at tumungo kay Eilan na nasa likuran ko lang, tumitingin siya beverage cooler na nasa likuran ko lang. "Eilan, Sprite sa akin, gusto mo ng doughnut?" tanong ko naman dahil mag-do-donut na lang ako at sasabayan ko siya ng kuha kung gusto niya. "Siopao na lang," tumango lang ako at tumungo na sa electric steamer kung saan nakalagay ang mga siopao, katabi lang kung saan nakalagay ang mga donuts. Pumunta na ako sa counter at sumundo naman na si Eilan. Nang nasa school na ay agad naman kaming pinapasok ng guwardya dahil kilala na niya kami. Pumunta na ako sa SSG nook at dumiretso naman si Eilan sa ampitheater. "Buti nandito ka na, Katie," tila ba nabunutan ng tinik ang SSG president namin na si ate Kyla, kasalukuyan siyang nasa grade 10. Maraming papel ang nagkalat sa table niya at lumapit naman ako agad upang tumulong. Kaunti na lang ang aayusin namin dahil matagal nang pinaghahandaan ng school ang event na gagawin. Ang SSG ang nag-propose ng event na ito, magbabayad ng ₱55 ang mga a-attend sa event, ang malilikom na pera ay ipantatayo ng dalawang handwashing station sa tapat ng canteen at clinic. Kung may sosobra ay ipangbibili ng bagong pintura at pang-ayos sa mga nasirang armchairs, bibili rin ng mga bagong punla at mga kagamitan sa aming botanical garden. 6k students ang estimated na dadalo sa event. Kalaunan ay nagsidatingan na rin ang iba pang members sa SSG nook at wala pang 10:30 ay fixed na lahat ng kailangan naming gawin sa Sabado at Linggo. 11am naman dumating ang SSG advisor namin dahil galing siya sa pag-release ng report cards ng advisory class niya. Tuwang tuwa naman siya na pagdating niya ay fixed na lahat ng assigned tasks sa amin. 12 noon nang pinayagan kami ni Mrs. Reyes na lumabas ng SSG nook para pumunta sa aming designated clubs, allowed naman kasi ang kahit na sino sa mga SSG officers na sumali sa iba pang school clubs. Dumiretso naman ako sa amphitheater kung nasaan si Eilan at mga members ng TD. Lumapit ako sa mga committee members na iilan pa lang, mukhang kararating lang din nila. 1:30 pm kasi ang usapan ng ibang clubs dahil nga crowded pa sa school sa kadahilanang kuhaan ng cards ng mga nasa afternoon session. Ang TD band at TD dance troupe lang ang nauna rito sa apmhi. Nang makapag paalam ako sa Committee advisor namin na si Ms. Gonzales na kakain na muna ako ng lunch ay tinawag ko na si Eilan na kasalukuyang nag-s-strum ng gitara niya, mukha naman tapos na sila mag-practice at ako na lang din ang hinihintay niya. Tumayo naman siya at lumabas na kami ng school. Sarado ang school canteen ngayon dahil wala ngang pasok. Sa eatery sa malapit lang kami pumunta. Pagpasok namin sa loob ay maingay, marami rin palang nandirito. Nandito ang iba sa mga SSG officers at TD members, mayroon ding mangilan ngilan na naka-yellow shirt, uniform ito ng English club. Nang mapadako ang tingin ko sa empty table ay iginaya ko na agad si Eilan papunta ro'n. Akmang uupo na ako nang may tumawag kay Eilan. "Javier! Dito na kayo, may empty seat pa rito, isama mo na si Ramos," sigaw ng vocalist nila na si kuya Marlon. Tumango naman si Eilan at pinauna na ako maupo. "Order na ako" matiim na sabi sa akin ni Eilan bago ako pumunta sa table ng TD band. Mukha namang hindi ako maiilang dahil may tatlong babae na members din ang banda. Ang song writer na si ate Mela, ang keyboardist na si ate Silvia, at si ate Avie na isa ring singer. May mga kulang pa sa miyembro nila, baka sa ibang eatery sila kumain. Katabi ko sa right side ang drummer nila na si kuya Arvic samantalang empty seat ang aking nasa kaliwa. Nang maupo na si Eilan ay inilapag na niya ang pagkain namin sa table, alam na alam na niya talaga kung ano ang io-order ko. Umalis naman na si kuya Charles at ate Avie, uminom lang sila ng milktea, ang alam ko ay magkasintahan sila. Kaya nagkaroon ng dalawa pang empty seat sa tabi ni Eilan. Natigil ako sa pagkain nang may lumapit sa table namin at tumabi kay Eilan. "What a coincidence!" bulalas ng babae na nakatuon kay Eilan, kaya napatingin din sa kaniya ang ibang miyembro ng banda na kasalukuyang kumakain. Ito 'yong babae kanina sa convinient store, ah? Nakita ko naman ang kasama niyang babae kanina na umoorder. "Oh, pwede ba rito na lang kami ng friend ko? Kung hindi lang naman nakakadistorbo," pagpapa-cute na tanong niya sa mga kasama namin sa table. "Suit yourself, Miss, mukha namang kakilala ka ni Alex," ngiting tugon naman ni kuya Marlon. "Ay, no. Hindi niya ako kilala, pero I know him," sabay mahinang tawa niya. Lumipat naman ang tingin niya kay Eilan, at idinikit pa ang upuan pausod lalaki. Muntik naman ako masamid sa kinakain ko dahil sa ginawa niya. "So, Alex pala ang name mo? I thought it was Eilan?" nakangiting tanong niya ngunit bakas sa boses ang pagtataka sabay tingin sa akin at pasimpleng umirap. Narinig niya ata ang itinawag ko kay Eilan kanina. At saka inirapan niya ako? Ako, inirapan niya? The nerve! Hindi naman siya inimik ni Eilan at nagpatuloy lang ito sa pagkain, buti nga! Minsan talaga may pakinabang ang pagiging snob niya. Napapahiyang lumingon si ate girl sa friend niya na kagagaling lang mag-order. "So, Alex, may girlfriend ka na ba?" tanong niya pa kay Eilan kahit pa hindi na siya nito pinansin kanina. Nagsitawanan naman ang mga kasama namin sa table. "Ses, si Alex ay kay Katrina lang," bungisngis naman ni ate Mela na ginatungan ni ate Silvia, "Oo, pero si Katrina ay hindi kay Alex," lumungkot naman ang mukha niya na nagpalakas sa tawa ni kuya Marlon at ate Mela, ang katabi kong si kuya Arvic ay mahina lang ang tawa ngunit hindi siya nakikisama sa panunukso. "Kayo talaga! Frie–" hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko nang haltakin ni Eilan ang pulso ko papalabas sa eatery. "Eilan, hindi pa ako tapos kumain. Ano ba?" reklamo ko, ngunit parang wala siyang naririnig dahil dire-diretso lang siya ng lakad at inilipat sa kamay ko ang kaniyang hawak, buti naman kasi ang sakit sa pulso. Dinala niya ako sa 7/11. "Dikit nang dikit sa akin 'yong babae," sabi niya nang makapasok kami sa loob. Agad ko naman siyang naintindihan dahil ayaw niya talaga nang nililingkisan siya nang kung sino lang, grabe rin naman kasi makadikit 'yong katabi niya kanina, aakalain mong linta. "Sorry," sambit niya pa at saka yumuko. Ako naman ang humatak sa kaniya at pinaupo siya. Bumili na lang ako ng asado siopao para pandagdag sa lunch namin na hindi naubos. Nag-chat na rin ako kay ate Silvia at ate Mela na pagpasensyahan si Eilan kasi uncomfortable siya ro'n sa katabi niya. Nang matapos kami kumain ay bumalik na kami sa school. Nakita ko na pabalik na rin ang banda sa amphi, nauuna sila maglakad sa amin. Pumunta na ako sa mga committee members at maya-maya pa ay nagsimula na si Ms. Gonzales na magsalita. Alas tres nang magpaalam ako kay Ms. Gonzales na pupunta muna sa booth ng Science club. Miyembro din ako ng Science club, pwede namang maramihang club ang salihan mo as long as hindi ka president, vice, secretary and treasurer ng isa sa mga clubs na sasalihan mo. Tuwang-tuwa naman ang mga miyembro ng Science club nang pumunta ako. Niyakap ako ni ate Marjorie na Secretary ng club. "Akala ko hindi ka na pupunta!" bulalas niya pa. "Pwede ba 'yon, ate? Ayaw ko kaya ma-evict dito sa club, ito ang pinaka-fave ko e," natatawang sabi ko naman at nagsimula na ako makiusyoso sa mga dapat na gawin. Alas siyete nang i-gather kami ng disciplinary teacher ng school na si Mr. Sarmiento sa covered court. "Okay, officers. Ako ay umaasa na lahat kayo ay tapos na sa mga dapat niyong gawin. Bukas ay maaga pa lang ay dapat nandirito na kayo. Hindi na makapapasok ang Club members na darating nang alas siyete. Is that clear?" dumagundong ang boses niya dahil ito lang ang maririnig mo sa loob ng school. "Sir, yes, sir!" sabay-sabay na sagot namin. "Huwag niyong kalilimutan na magdala ng mga kailangan niyo bukas dahil hindi na kayo maaaring lumabas at pumasok ng school pagpatak ng alas kwatro ng hapon. Is that clear?" Bukas kasi ay maaaring mag-ovenight sa school kaming mga club members dahil hanggang Linggo ang event. "Sir, yes, sir!" bulalas ulit namin nang sabay-sabay. "Kung gano'n ay maaari na kayong umuwi. Mag-iingat kayo, ha." Iyon lang at nagsimula nang mag-uwian ang mga club members. Nang matapos ako makapag paalam sa mga co-club members ko ay hinagilap naman ng aking mga mata si Eilan. Nang makita ko siya ay niyakap niya ako. "Pagod na pagod ako, pa-recharge lang saglit," bulong niya sa akin. Tinawanan ko naman siya at ginantihan lang din ng yakap. Bumitiw ako ng yakap nang may narinig akong tumikhim, si sir Sarmiento. "Bawal maglandian sa loob ng school grounds," sabi niya saka lumakad na papalayo, natawa naman ako at nagsimula na rin kaming maglakad palabas ni Eilan. Alas tres pa lang kinabukasan ay gising na ako kahit alas onse na ako nang gabi nakatulog dahil nag-ayos pa ako ng mga gamit na dadalhin. Wala na kasi akong balak umuwi sa bahay bukas, sa Linggo na ako uuwi. Nakapag paalam na rin ako kay mama, gora lang naman 'yon si mama sa lahat ng gusto kong gawin maliban sa isa... Nang matapos ko lahat ng aking gagawin ay tinawagan ko si Eilan, nasa tapat na ako ng bahay nila dahil excited na talaga ako. Hindi na ako kumatok dahil baka tulog pa si ate Lexia at magising ko. "Eilan! Nasa labas na ako ng bahay niyo! Open the dooor." mahina ngunit pasigaw na sabi ko. May naririnig akong lagaslas ng tubig sa kabilang linya, don't tell me nasa cr siya? Sabagay, alas kwatro y media pa lang naman kasi, masyado talaga akong excited. "What?! Sandali." Binuksan naman niya ang kanilang mini gate, nagulat ako nang nakatapis lang ang pang-ibabang parte ng katawan niya ng tuwalya at may shampoo pa siya sa ulo. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin dahil may abs siya at nakuha no'n ang atensyon ko. Natauhan lang ako nang pitikin niya ang noo ko. "Missy, stop staring at my abs," nakangising sabi niya na nagpainit sa aking pisngi. "Even though I want you to enjoy the view ay next time na lang dahil nilalamig na ako, pumasok ka na rin," sunod pang sabi niya bago pumasok muli sa kanilang bahay, iniwan naman niyang bukas ang pinto. Naiwan naman akong nakatulala. Grabe akalain mo nga naman na 'yong payatot na Eilan noon ay maganda na ang hubog ng katawan ngayon! Naiintindihan ko rin talaga kung bakit kalahati ata ng populasyon ng mga babae sa school ay hindi maiwasang mapatitig sa kaniya kapag nakikita siya. Isa rin siya sa asset ng TD, lahat ay magagada at talentado ang mga miyembro ng Tanghalang Dulawiyaw, siyempre ay kasali na ako ro'n kahit pa nasa back stage lang naman ako. Hinikayat din talaga ako ng TD drama team na maging aktres ngunit tinanggihan ko; marami na akong inaasikaso, sa classroom pa lang namin ay gipit na ako sa oras. Ang mga magtatanghal pa naman na miyembro ng club ay kailangan na twice a week mag-practice. Sumali lang naman talaga ako sa TD dahil pinilit ako ni Eilan, para daw ay may terno kaming damit, ang tinutukoy niya ay ang club uniform ng TD. Kumakain ako ng gummy candies na nakalagay sa may kitchen counter, nang lumabas galing banyo si Eilan na naka roba lang, labas pa ang kaniyang dibdib. Amoy na amoy ko agad ang gamit niyang sabon at shampoo. Kinuhaan ko siya ng video habang isinasara ang pinto ng banyo at inilagay ito sa aking IG story. "pwede ka na model ng dove men + care" Ang isinulat ko as caption at saka ini-tag ang account ng Dove sa story ko. Ayudahan ko muna ang mga fangirls niya, pa-good morning ko sa kanila. Bungisngis ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD